wow dami ng urvan.
Sent from my iPhone using Tsikot Car Forums
ok lang ba lagyan ng coil spring yung likod ng urvan para hindi masyado baba kapag full load o load plus nalang ipalagay ko. may nakita kasi ako coil spring ang pinalagay.
Pakabit ka na lang ng extra leaves yung tulad sa 21seater, or replace the whole leafpack.
Ang problema sa coil springs at airbag baka mag crack ang chassis.
2points vs 1 pt of load distribution, mas ok pa rin ang leafsprings.
ano pong mgandang coolant da urvan? ano gamit nyo
Posted via Tsikot Mobile App
gamit ko yung nilalagay ng dealer. pero pwede na siguro yung prestone premix.
tanong ko lang kung ano gamit niyong fuel filter? ok na ba yung vic?
vic gamit ko, ok naman sya. pati oil filter vic din.
mahal din ung premix ng prestone dba?
hindi naman ganun ka mahal. may part number ba kayo ng primary at secondary fuel filter ng td27?
Good day po im from nueva ecija ask ko lang san pwede maka buy ng transmission bearing na to NSK B22-28 wala po kasi available sa casa saka sa nsk bearing center dito sa cabanatuan wala daw sa database nila itong bearing na to.may idea din po ba kayo kung magkano syncronizer ng 1st gear wala din po kasi available sa casa.
![]()
*likot
ganda sir kano magkano kaya yan?
Pa 60,000km na po ang urvan ko mga tsikoteers. how much po magagastos at ano po dapat palitan?
Salamats mga Urvaneers hehe ;-)
Posted via Tsikot Mobile App
up ko lng guys, bukod sa maintenance ano po ba dapat tinganan sa pms po sa 60,000km ng urvan? salamat po
Posted via Tsikot Mobile App
Ask ko lang po kung sino na ang nakapag-pa-install ng alarm and central lock sa kanilang beloved urvan? Di ko po maisip kung paano lalagyan ng wiring yung sliding door.
May two metal contact na ilalagay sa sliding door tapos ki-kiss siya sa another two metal contact na asa frame nung sliding door sa kabilang side. Yung frame na pagitan ng sliding at door sa unahan. So magkapower na ang actuator basta naka close ang sliding door.
Di ba naka power lock na yung rear door by default bale negative trigger yata to kailangan mo ng diode para mabaliktad ang trigger so magagamit mo na ang lock button na asa dash board at sasama na lahat ng lock sa central locking mo.
Tapos yung arm trigger palagay mo sa hazard light so another diode to. Kapag nag press ka sa alarm remote hazard light ang iilaw parang mga OEM na alarm unlike kung di mo to papagawa park light iilaw medyo pangit tingnan.
Alam na to ng magaling na installer. Kapag di niya alam di ganon kagaling installer mo.
Last edited by likot; February 12th, 2014 at 10:19 PM.
mga sir may naka experience na ba ng white smoke sa urvan kapag hirap umahon or tumatakbo na ng 80 kph bigla nlng humihina ang hatak. normal naman sa idle, sa high rpm lang nag puputi usok. TIA![]()
![]()
![]()
Ako gamit ko UE na tires so far walang problema. I tried dunlop (di ako komportable parang ang tigas) and good year (laging oblong, ang kapal pa ng gulong ko oblong agad)
Sa akin surplus lang pero napakalakas. Kung gusto mo malakas dapat 2 ang motor yun lang pagnasira e isa nalang ang gagana. Sa akin yung pang starex ang nakainstall sa likod, sobrang lakas at mas maganda ang itsura nya pormang porma sa urvan.
BTW I'm a UV Express driver at dalawa na urvan namin kaya medyo madami narin akong naexperience. I want to share my experience here kaya nagpost ako. Newbie palang po ako dito sa forum.