Doon sa nga naka Exalta kung libre kayo Sa Nov. 18 to 21 sa SMX mall of Asia list ninyo lang pangalan ninyo at set natin kung sino gustong pumunta at anong araw Sa Manila Auto Salon
Doon sa nga naka Exalta kung libre kayo Sa Nov. 18 to 21 sa SMX mall of Asia list ninyo lang pangalan ninyo at set natin kung sino gustong pumunta at anong araw Sa Manila Auto Salon
not sure if this is the right thread pero definitely may idea sa inyo regarding sa problema ng sentra ng father ko..
problems:
1.) marami na mantsa at libag, gasgas and bangga
- SOL: na-advise-an na ako ng experts sa Detailing Thread for Newbies na try ko raw muna Cleaner Wax since wala pa budget for repaint, and even for Step 3 detailing (since marami na chipped-off paints, IMHO, hindi na sulit magpa-step 3. basta matanggal lang libag at mantsa, ayos na. wala na raw kasi talaga magagawa sa chipped off paints.
2.) nagbabawas ng tubig sa radiator/coolant reservior
- SOLN: none pa as of writing. baka may idea kayo mga sir ano kaya problema? siguro mga 20 kms na tinakbo, magbabawas ng 400mL.pag umabot na ng 50 kms, halos 1 liter na ng water ang nilalagay ko sa coolant reservoir. wala naman crack yung container. mas mabilis din magbawas pag tanghaling tapat tapos naka-on A/C. related kaya sa A/C problem? may leak kaya? ano ang usual culprit?
3.) A/C blower and compressor doesn't engage
- SOLN: none din as of writing. kaso napapansin ko 'to pag sobrang konti nalang ng tubig sa coolant reservoir. so inassume ko na related lang sa radiator ang problema ng A/C kasi pag nasa max ang water level sa coolant reservoir, malamig naman A/C. besides, patingin ko rin kay Mang Mario daw muna.
4.) driver's side power windows hindi na gumagana
- SOLN: none din as of writing. saan kaya ok magpagawa?
5.) nangingitim na headlamp
- SOLN: none. saan din puwede kaya ipalinis 'to? natanungan ko na yung ibang detailing shops along katipunan ave. sa QC, pero hindi raw sila naglilinis nun. pero marami ako nakikitang exalta body (usually STA) na malinaw na ang headlamps. replaced na kaya yun or pinalinis lang?
6.) kalampag
- SOLN: for zee car plus appointment na 'to. nagpagawa na ako dati ng civic namin dito, ok naman so far. pero maingay pa rin talaga pag nalulubak compared sa new cars. siguro ganun talaga dala ng katandaan ng kotse. si sentra naman next in line for zee.
thanks in advance exalta club members sa makakatulong. wala kasing panahon erpats ko mag-asikaso kaya ako nautusan.
ride is 2000 sentra ex saloon (exalta body)
Last edited by jeDi13; November 15th, 2010 at 07:43 PM.
Kung tungkol sa paint sigurio DIY na lang kailangan sa libag at mantsa rubbing compound muna pag naalis na mantsa saka gamitan mo ng carnauba car wax para kumintab ang pintura.
Iyong pagbabawas ng tubig sa radiator at coolant check the Following
1. Auxillary fan kung malakas pa ikot ng motor at gumagana.
2.Worn out Radiator cap.
3. Radiator hose for leak
4. Kung gumagamit ka ng cololant makikita mo kung may leak ito dahil sa kulay nito .
Iyong tungkol sa head lamp na marumi bumili ka na lang ng Elevo Head lamp cleaner sa Ace Hardware maalis agad mantsa niyang itim kadalasan kasi kung hindi nalilinis agad mabilis mangitim ang plastic nito.
Check mo muna ito suggestion ko lang.
additional suggestion lang din after speed unlimited:
4. usually motor or cable lang yan, sa evangelista mura lang pagawa wala pa 1,000 magagastos mo
5. try mo suggestion ni speed, DIY mo muna or kaya white toothpaste pwede din...or kung ganun pa din para walang pagod, pwede mo dalhin sa QC north detailing 1,200 at magmumukhang bago ang headlights mo
*Dan/Speed: paki PM number mo sakin thanks
Tol, PM kita sana makasama rin iyong Exalta mo sa Manila Auto Salon kita tayo.
olrayt! thanks sir speed and sir nine. try ko muna gawin suggestions niyo.
sir speed, malakas pa naman ikot ng aux fan. tska wala ng coolant kasi mabilis magbawas ng tubig.palagi ako naglalagay. sayang naman coolant and distilled water pag lagi nagbabawas.pagka-repair siguro papalagyan ko na..
sir nine, may alam pa kayong iba pang shops bukod sa may evangelista para sa nag-aayos ng motor or cable ng power windows? QC area din kasi ako. pag wala ng mahanap na malapit, tska nalang ako siguro pupunta sa evangelista kasi malayo.. yung 1K pala na gastos, surplus motor na yun? pag cable lang or labor for repair, less than pa ano? mga 500 kaya puwede na?
by the way, puwede kaya sira na ang makina sa nagbabawas na tubig sa radiator? or radiator lang talaga problema nun?
Pag nagbabawas tubig mo hindi ba nag overheat makina o tumataas ang water temperature mo .
tumataas sir, pero hindi pa naman nasasagad. pero malapit na umabot dun sa H. kaya ko nalaman na nagbabawas pala ng tubig at below Min level na siya sa coolant reservoir. sabi ni erpats, kalalagay lang daw niya ng tubig. kaya ang ginagawa ko bago bumiyahe, lagay na agad ng tubig until Max level para hindi na ulit maubusan ng tubig habang nasa biyahe at hindi mag-overheat makina.
Tol , sana ma pa check mo rin cylinder head gasket mo baka worn out na .Una duda ako sa radiator sana mapatignan mo sa mga gumagawa ng radiator baka may leak at barado kung nagbabawas ng tubig . Iyong sa akin kasi makikita mo sa radiator niya pag nilakasan mo rev. mo makikita mo nag cicirculate tubig sa loob ng radiator ibig sabihin lang hindi barado ito. Pag sira naman water pump mo makikita mo may leak sa gilid nito dahilan ng pagbabawas ng tubig.
oks sige sir speed, ito muna unahin ko. kailangan ng immediate attention nito kumpara sa ibang problema ng sentra.
additional info lang pala:
- napatingin na ng father ko sa radiator shop, wala naman daw leak. nilinis lang. baka nagbara lang daw
- pag nagsisimula na tumaas ang temp, nakikita kong kumukulo na tubig sa coolant reservoir (kahit na nasa max level) kaya nagbabawas ng tubig kasi natatapon habang kumukulo. pag tumagal pa, kaya nauubos ang tubig.
- habang medyo mataas din ang temp (3/4, normally nasa 1/2 lang), pumarada muna ako sa gas station, binuhusan ng gas boy ng tubig yung radiator, tapos pinatay yung makina. after mga 10mins, pina-start sakin yung engine, pinabuksan din yung radiator cap tapos pina-rebolusyon saken.hindi naman bumubulwak
- sabi ng gas boy, hindi naman matigas/malutong yung radiator hose, hindi pa naman overheat
most likely, radiator ang problema or cylinder head gasket kaya?
thanks sir mark sa suggestion. meron din nakapag-sabi saken na baka daw thermostat yung problema. pero sabi ng father ko, wala naman nabanggit yung naglinis ng radiator kasi binaba daw yun. haay. hindi magamit yung sasakyan sa pangmalayuan na biyahe. wag naman ako itirik papuntang radiator shop/service center this weekend para mapatingnan na mga sinabi niyo.
pag may naiisip pa kayo experts paki-post nalang para mabanggit sa mekaniko na isasama sa mga iccheck.
TIA
guys, I have a problem with my exalta sta 2001. yung fuel guage nya. ilang beses ko na pinacheck. pg tnataas nlia from the tank at imanual testing okay, pero pgnilubog na nila ulit, ayaw na gumana. please advised. try na palitan yung chip sa may fule floater. ganun pa din. okay naman wirings.
Hi jeDi13, Had exactly the same experience with my previous corolla '96, brought it sa toyota and the mechanic told me to try replacing the radiator cap and voila!! yun lang pala ang problema. try the easiest possible things suggested by our friends to check, sometimes natutumbok mu yung problema. hope it helps![]()
Ngayon Saturday may Phil. autocross Championship series sa Quirino grand stand Nov.27 2010 .Kung sino gustong pumunta na naka Exalta o ibang sasakyan kita kita tayo .Whole day affair naman ito para maibaiba naman. THANKS.
update lang mga sir. thermostat and cylinder head gasket ang sira. nauna na sigurong nasira yung thermostat. dahil hindi pa napa-check ng father ko, nagamit pa yung sasakyan kahit malapit lang ang biyahe pero tumataas na than normal ang temp kaya bumigay na rin yung cylinder head gasket. genuine nissan parts na pinabili ng father ko. so far ok naman, pinapadala din saken sa malayuang biyahe kung talagang ok na. share ko lang para sa ibang may parehong problema.
by the way, magkano ba usually inaabot ng labor for cylinder head gasket replacement? lahat-lahat kasi, nasa 3.5K (labor only). yung parts (cylinder head gasket (genuine), thermostat (genuine), oil filter, oil (3L - shell), sealant), inabot ng 3.6K.
thanks mga sir, laking tulong sa newbies sa kotse.
Tol, Okay na iyan tutal napagawa mo na .Obserbahan mo na lang kung ayos na makina mo .Goodluck.