similar ito sa isang thread kaso hindi naman nawawala ang galit. pero ang problema ko is after about 30 min - 1 hour of driving, nanginginig yung makina na parang mamatay kapag nagpreno ako. ganun din pagkatapos ng full stop, syempre 1st gear muna tapos medyo nanginginig sya mula 1rpm to 1.5 rpm kapag nagshift ako ng segunda tapos na short shift at 1.5 rpm lang sa segunda, ayun parang nanginginig din at mamatay ang makina. dati naman kahit 1 rpm to 1.5 rpm mapa segunda o primera hindi naman nanginginig, nadidiinan ko tuloy ang apak sa gas para tumaas agad beyond 1.5 rpm para di manginig. parang tumaas tuloy ang fuel consumption ko. kapag idle walang aircon ang rpm is 6-7, with aircon 8-9 rpm. hindi pa naman namatay yung makina parang nanginig lang at parang mamatay basta rpm is 1-1.5 mapasegunda or primera. kapag bagong andar naman yung kotse walang problema kapag mga after 30 mins lang ito lahat nangyayari. kapag pinatay ko ulit ng mga 1 hour at binuksan ko okay na ulit. hirap lang kapag traffic at stop and go at palaging primera or segunda or 3rd gear ang gamit.

sentra 1994 eccs pala ang kotse ko. ano palagay nyo problema?