New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    30
    #1
    HI,

    May epekto po ba ang maling pagkakalagay ng timing chain sa pagtaas ng idle ng makina? My car is an Sentra ECCS B13 AT with a GA16DE engine. pinacheck ko na po sa casa pero hindi po nila mailagay sa tamang idle settings. Ang sabi nila ay maaring mali ang pagkakabalik ng timing chain dahil recently po at nabuksan ng isang mekaniko sa tabi-tabi ang engine ng kotse ko. ang ginawa po sa casa ay nilagay nila sa tamang settings timing ko at pati mga setting ng sensors. Pero mataas pa rin ang idle at around 1,200 RPM. sabi nila ay maaaring tumalon ng ngipin ang timing chain or wala sa proper marking ang pagkakabalik ng timing chain. Any comments po?


    thanks

  2. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #2
    Posible bro, pabuksan mo sa casa at hayaan mo sila ang mag-imbestiga.

    Alam nila yan kung ilang degrees magmeet ang timing markers sa mga granahe ng cam

  3. Join Date
    Dec 2010
    Posts
    87
    #3
    trabaho na ng mga casa yan. manira ng kapwa mekaniko. hindi lahat ng mekaniko sa tabi tabi eh kasing bobo na katulad ng mga OJT sa casa. hindi aandar ng maganda ang otto mo kung may problema sa timing chain dahil lalagapak na yan sa umpisa pa lang nung bagong kabit ng mekaniko yan. May rail ang timing chain eh, paano tatalon yon? at kung tatalon man yon, tiyak na lalagapak ang mga valve mo. pwd pa ako maniwala na advance ang ignition timing mo or may air leak ang intake manifold or sa setting ng idle system or sa mga sensors. pero timing chain? nissan sentra> If I were you hindi na ako babalik dun sa taong nagbigay sa akin ng palpak na advice. niraraket ka lang non bro. ipa setting mo muna ang ignition timing. marami tayong tsikoteers dito na may shop. ipa subukan mo sa 7 degrees before to dead center tapos observe nyo ang barometric pressure ng makina sa idle 20Hg. dapat walang spark knock detonation yan pag acceleration. if meron pa, pa adjust mo lang ng konting delay para mawala. hindi mo na makukuha ang exact value nyan kase may mga worn parts na yan eh. pero hindi para masira ang timing chain.

Effects of timing chain on high idle