New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 28 of 33 FirstFirst ... 18242526272829303132 ... LastLast
Results 271 to 280 of 321
  1. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    77
    #271
    Quote Originally Posted by Tambolero View Post
    Good day mga kapatid,

    Im a proud owner of Serena 2004 A/T, (Local) 2nd hand ko siya nakuha....

    Para sa mga bibili pa lang ng Serena, ok siya no doubt (family van - comporatble, safety ok na ok)

    Sympre yung mga nadidinig nating negative like nasisira normal naman siya - dahil sympre sa pag gamit but nasa atin din naman if aalagaan natin si Serena - sympre always maintain check up - tune up.

    Nung nakuha ko ang Serena ko.

    mga problems na encounter ko ay.

    1. Bigla siyang ang stop at ayaw mag start - Ang sagot ay sympre Serena (runs with Computer so kailangan maganda ang battery mo and wrokign proferly ang alternator - pinalitan ko ng 2SL ang battery ko and never ng nangyari ulit ang problem.

    2. Overheat - sympre ang dahilan ay walang tubig ang radiator (ha ha ha .... ) simple as this but nangyari sa akin ito naka limutan kung check ang radiator before umalis ng bahay. .... sobrang worried ako that time kasi biglang uminit ang aircon then humina ang hatak and bigla siyang nag stop ... buti na lang after a few minutes na naka stop siya at nalagyan ko na ng tubig ang radiator ok na ulit siya... pinaayos ko na dina ng radiator and alwasy check ko ang radiator and yung coolant hindi pure ang nilalagay ko like 50-50 water and coolant.
    Pinalagyan ko ng aux fan ang radiator isa sa harap at isa pa sa likod...
    para always malamig ang aircon at hindi siya namamatay pag naka stop ka lang.... nag automatic kasi yun umiinit pag nakahinto ka so to fix the problem pinagyan ng aux fan ... ok na siya.

    3. Alternator - nasira siya kasi nasunog siya dahil sa pag engine wash ... so ayun pinagawa ko siya bu tnever siyang na replace pina repair ko lang sa may Paco meron magaling gumawa ng alternator.

    4. Mahina yung original head light niya so pianpalitan ko ng 90/120 na halogen bulbs ... sympre pinaglagyan ko na din ng relay and pinapalitan ko ng wiring - maganda na siya ... and since pinapalitan ko na ng wiring ready siya if i want to use HID.

    5 Na baluktok yung stabilizer bar - Im thankful kasi hindi bumigay yung bar ... eh tumatakbo pa naman kami ng almost 140km/h sa SLEX last week then nung pabalik na kami bigla na lang nag wiggle yung manebela so kala namin flat ang gulog, hindi naman so dahan dahan na lang kami pabalik ... kinabukasan pina check ko ang gulong kala ko wheel balance lang - nung na check kumalas na yung tie rod and wasak na ang ball joint and baluktot na yung stabilizer bar... ayun na repair yung stabilizer bar and pinalitan ko yung tie rod and ball joint ... ngayon ok na ok na siya. walang wiggle at kahit bitawan ko ang manebela hindi siya kumakabig ....

    All in all napakagandang gamitin ng Serena ...

    fuel consumption ko ay 8km/liter ako city driving and almost 9-10km/liter pag long drive .... wala pa itong fuel saver .... always yearly lang akong nag pa tune up ...


    Ask ko lang wala bang association or group ng mga owners ng Proud Ower of Serena?


    Thank you....
    Okay na okay ang serena namin normal na lang yung may mga ayaw mo na hindi naman talaga ma perfect ng mga manufacturer ang hanap ng isang tao.

    2003 ang serena namin, 2nd hand na siya ng nabili namin normal lang na may mga sira kasi nagamit na siya.

    yung wind shield niya pinalitan na namin kasi bigla na lang may crack at lumalaki siya.

    yung aircon compressor pinalitan na rin kasi nag loose compression na siya, pinalitan ng surplus kay mang Mario, Calsonic ang compressor niya.

    ang alternator nasunog nang nabuhusan ng tubig habang nagwashung ako, ayaw na nila i rewind kasi daw malamang sira na rin ang IC, kaya pinalitan ko na rin ng surplus na alternator 110 ampere ang alternator nyan.

    ang evaporator ng aircon pinalinis ko na noong binaba nila kasi nag leak ang expansion valve, kaya pinalitan na ang expansion valve medyuo mahal din, amoy patay na daga ang amoy, ganyan daw ang amoy pag may leak ang aircon sa loob ng evaporator. ingat lang sa pagbaklas sa globe compartment maraming clip nagkasirasira na ang mga clip hindi nila kaabisado. nasa ilalim ng center ng dash board ang evaporator, hindi na kailangan buksan pa ang dashboard, alisin lang yung sa airbag may clip din ang mga iyan flat screw lang ang kailangan, yung sa aircon control alisin din at yung sterio. yung blower sa harap lang ng upoan ng passenger sa harap, yung may lalagyan ng anik anik alisin din yun para maabot ang blower, maraming laman kung anik anik ang blower binahayan na ng daga para malinis. CAUTION isarado ang bypass ng blower palagi pag hindi ginamit ang sasakyan diyan papasok ang daga sa loob.

    ang linya ng condenser papasok sa evaporator na katabi lang ng suction line sa loob ng engine bay kailangan putulin kasi wala siyang coupling fittings para mahugot yung evaporator sa loob, i convert at lagyang ng mga coupling fittings para madali baklasin ng mga technician.

    ang evaporator sa likod, ingat sa pag tanggal maraming screw at bolts yan, yung monitor alisin at yung clock niya may screw at bolt yan sa loob para maalis yung evaporator.

    Good Luck.

  2. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    6
    #272
    Quote Originally Posted by neilbino View Post
    serena owners na gustong magpa dvd upgrade heres mine for only 16k.


    Hi there sir! ask ko lang po ano head unit pnalit nyo sa original. balak ko rin magpapalit. 7 inch nga b yan? how about the wirings do the cd changer still works after nyo magpalit? tnks...:-)

  3. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    1,540
    #273
    Quote Originally Posted by Mi3L View Post
    Hi there sir! ask ko lang po ano head unit pnalit nyo sa original. balak ko rin magpapalit. 7 inch nga b yan? how about the wirings do the cd changer still works after nyo magpalit? tnks...:-)
    I don't think the CD changer will still work. After all, it's a VCD changer so you just have to get rid of that. You have a lot of HU options if you want DVD playback. You get Pioneers, AVTs, Alpines.

  4. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    6
    #274
    never read such detailed facts and insights about a serena. Baka pwde din po nyo ako matulungan.

    I brought my serena sa shop for some body repairs but after i parked, nagtaka yung mechanic kung bakit after mag start namamatay sya after 3-5 seconds tapos ayaw nya mag rev. na-check na nila yung gas/engine pump and kuryente ok naman daw. i left the shop without an answer kc wala daw available na electrician. bk sa electrical dae diperensya. what might be causing this engine trouble? need hell badly. tnx

  5. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #275
    kapag ba binitiwan ang ignition switch niya tsaka namamatay? malamang na may loose contact na sa loob ng ignition switch kung patay din lahat ng
    console indicator gaya ng battery at oil, check engine light ,etc.

  6. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    6
    #276
    Nag-start sya pero after 3-5 seconds namamatay. ok yung mga ilaw sa concole umiilaw din then namamatay after mag start. ang problem wala siyng rev. pag tapak mo pa lang sa gas namamatay na sya. they check everything from fuel pump, injectors, relays, fuse and electricity pero ganun pa rin. sa ngayon ECU naman daw baka my busted fuse. dinala ko lng sya dun for body repair pero nung imo-move na sa pagpipinturahan nagloko na sya.

  7. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    2
    #277
    good day to all

    baka po may nakaka alam sa inyo about sa radiator ng serena kng talagang originally made of aluminum sya at hindi sa tanso
    may leak kc serena namin then made of aluminum sya, sbi dun sa pinagpa gawaan namin papalitan pero ung ipapalit nila made of tanso na.. may naka usap kse ko sabi originally is aluminum talaga kse 1 row lang, pag tanso daw madaling uminit..
    tinanong k nga bakit ung kotse at kia besta made of tanso naman....at ung kotse 1 row lang din.. paliwanag nya malapad daw ang radiator ng serena.....
    whew!
    pls advice
    thanks

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #278
    Quote Originally Posted by Mi3L View Post
    Nag-start sya pero after 3-5 seconds namamatay. ok yung mga ilaw sa concole umiilaw din then namamatay after mag start. ang problem wala siyng rev. pag tapak mo pa lang sa gas namamatay na sya. they check everything from fuel pump, injectors, relays, fuse and electricity pero ganun pa rin. sa ngayon ECU naman daw baka my busted fuse. dinala ko lng sya dun for body repair pero nung imo-move na sa pagpipinturahan nagloko na sya.
    kung yung mga ilaw eh kasabay namamatay ng engfine, malamang electrical problem niyan at mas malamang din na yung contact sa loob ng ignition switch ang nagloloko. kasi dapat kung mamatay man ang makina, eh iilaw pa din ang mga indicators mo sa console.

  9. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    573
    #279
    Quote Originally Posted by dorothy View Post
    good day to all

    baka po may nakaka alam sa inyo about sa radiator ng serena kng talagang originally made of aluminum sya at hindi sa tanso
    may leak kc serena namin then made of aluminum sya, sbi dun sa pinagpa gawaan namin papalitan pero ung ipapalit nila made of tanso na.. may naka usap kse ko sabi originally is aluminum talaga kse 1 row lang, pag tanso daw madaling uminit..
    tinanong k nga bakit ung kotse at kia besta made of tanso naman....at ung kotse 1 row lang din.. paliwanag nya malapad daw ang radiator ng serena.....
    whew!
    pls advice
    thanks
    original talaga niyan eh aluminum ang tubes at plastics ang top and bottom parts. usually, kung ang leak ay sa cover nanggagaling, pinapalitan ang cover ng tanso, which is cheaper than getting a new radiator.
    saan mo ba tinanong magpagawa?

  10. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    6
    #280
    Quote Originally Posted by tip_tipid View Post
    kung yung mga ilaw eh kasabay namamatay ng engfine, malamang electrical problem niyan at mas malamang din na yung contact sa loob ng ignition switch ang nagloloko. kasi dapat kung mamatay man ang makina, eh iilaw pa din ang mga indicators mo sa console.
    Umiilaw naman mga console after switching. ang nakakapagtaka bakit wala revolution? Parang walng pumapasok na gas. sa ngayon ung ECU tinitingnan nila pero wala pa raw makuha kapareho magstart ng diretso and para mapatakbo nila yung electronic diagnostic tester nila. 3 weeks na sya and wala pa ring improvement. If theres' anybody out there who know a good nissan elctrician bk pwede nyo naman ma-refer sa akin and saan kaya sya pwde ma-contact.

All about Nissan Serena [merged]