Quote Originally Posted by praetor91313 View Post
Which reminded me of this incident about a year ago: Sa Adelantado to nangyari.

May naggigitgitan na motor at kotse--yung kotse nagsu-swerve talaga para padaplisan yung motor tapos yung motor naman tinatabihan yung driver's side window at dinuduro yung driver sabay mura nang mura.

Biglang huminto yung driver ng kotse at binaba yung window nya. Yung motor din huminto pumwesto sa kabilang gilid tapos may inaabot sa likod nya.

PInagmumumura nung driver ng kotse yung motor tapos humarurot ulit ng takbo. Habol ulit yung motor... Sabay kaliwa yung kotse papunta sa basement parking nung isang building. Wala nang nagawa yung motor kundi tumingin.

Tinitingnan ko yung likod ng naka-motor, walang namang bulge ng baril.
Madami ganyan, as if dudukot or may dudukutin to intimidate the other road users...
Hindi lang nila alam na sa ginagawa nilang kunwari dudukot ng weapon habang nakikipagmurahan they may be considered as threat/aggressor. And a war freak, paranoid or even a very cautious gun owner might considered him a free target, and fire at him. Lalo na kung sakay mo any member of your family or your friends...