Hi, bago lang po kami naka bili ng Strada GLX 2.5 MT last December 2013. Brand New po yung unit na binili namin kasi marami akong kakilala na 2nd hand yung mga binili nila na sasakyan halos every month may sira ang sasakyan nila kaya we decided to go with brand new. Gusto ko sana matuto paano alagaan ang pick up aside sa regular change oil ano ano pa po ba yung mga dapat e consider at gawin? Hindi ko po everyday nagagamit ang pick up kasi kung dito lang naman sa aming lugar motor lang yun gamit ko. nagagamit lang ko lang yung pick up pag hindi maganda ang panahon, kung merong karga, at long distance na byahe. Pwede po pa share kung ano ano po yung mga ginagawa ninyong pag aalaga sa pick up ninyo.

Another thing, sabi kasi noong isang personnel ng casa kung saan namin nakuha yung pick up na yung bagong strada raw medyo sensitive yung injection pump. Paano po ba alagaan yung injection pump? meron rin akong naririnig na kilangan magpalit ng fuel filter. kilan po ba dapat mag palit ng fuel filter? at yung transmission oil kilan po dapat mag palit?

Meron po akong kilala meron DMax nasira po yung injection pump around 100k nagastos nila sa casa. kaya gusto ko alagaan yung pick up namin kasi medyo may kamahalan pag nasira.

As of now yung total kilometers ng pick up is nasa 2500 pa lang. naka pagpa change oil na ako noong 1k na yung inabot at semi synthetic oil lang yung pina intall ko sa casa.