
Originally Posted by
testament11
Sa dati naming Hi-Ace, nagpalit na kami ng power steering hose. Well, madali lang naman magpalit. Ang mahirap lang na part dito, ang maghanap ng saktong sukat ng hydraulic hose. Di pwede na ibang hose gamitin mo kasi high pressure application ang power steering. Kung magkano magagastos, depende sa kung anong size ng hose at kung gaano kahaba kakailanganin mo. AFAIK, around 200 per meter ang high pressure hydraulic hose. Makakakita ka nito sa mga hydraulic shops, pero hindi nga lang lahat ng shops eh may stock ng ganung hose.