Bago lang po ako dito at walang alam tungkol sa kotse. Pauwi na po ako sa Pilipinas galing dito sa middle east at wala po akong ibang sasakyang magagamit don sa atin kungdi yong Celeste na minana ko sa tatay ko. Itatanong ko lang po sana kung mga magkano kaya aabutin kung ipapa General/Major chek-up/maintenance ko siya like tune-up at iba pa. Can't afford po kasing bumili ng auto, worth pa po ba na ipa "major check-up" ko siya kasama aircon at palitan ang dapat palitan.

Naibiyahe ko na po yon last year lang from Pangasinan to Makati at swerte namang hindi tumirik yon nga lang tatlong beses akong nag stop-over at on and off ang aircon. Problema pa kasi ay masyadong malikot ang manibela, mahina ang aircon kahit bagong karga ng freon at di mo siya pwedeng iwanan na umaandar ang makina dahil namamatay na lang siya basta.

Mga magkano po kaya lahat aabutin at kung saan po sa Pangasinan, Tarlac or Pampanga may magaling na shop para sa mga ganitong lumang sasakyan? Pasensiya na po sa dami ng tanong ko pero kailangan ko po talaga ang opinyon ninyo.

Maraming salamat po