hello fellow tsikot members,

nais ko lamang ipamalita ang kadugasang ginawa sa amin ng Union Motors Paco.

bumili kami ng mitsubishi outlander GLS 4x4 noong dec ’08. at since di namin alam kung anong itsura ng bagong outlander, inakala naming bagong edition yung binigay sa amin. Ngunit nalaman na lang namin sa isang kasamahan naming sa Club Outlander Philippines noong august ‘09 na ang binigay sa kanya ng union motors paco noong oct ’08 na GLS 4x4 ay yung latest edition. At mayroon din na isang nakasabay ko noong jan ’09 na latest edition din ang binigay.

Meaning, yun ay yung naka all-black interior, headlight washers, rca outlet, cruise control, new side skirts, etc. ang amin ay yung ’07 edition pa rin na beige and black interior at wala nung mga binanggit kong mga bagong options.

Sumulat kami sa union motors 2 weeks ago at wala man lang tawag o text tungkol sa aming complaint! Kapal talaga!

Marami pang ibang kapalpakan ang ginawa ng mga sales people nila sa amin, tulad ng paghintay namin ng ilang oras sa aming unit noong araw ng release, maling floor mats (pang lancer) at pag paliban ng paglagay ng seatcovers at ang lahat na ito ay dahil Christmas party nila noong release day ng unit namin!

Ang isa pang masama sa kanila ay dineny pa ng sales supervisor nila na hindi galing sa kanila yung outlander na nakasabay ko noong jan ’09. napatunayan nung nagmamaneho na galing sa union motors paco ang kanilang unit dahil siya mismo ang kumuha ng unit noong dec ’09 din!

Malalagutan sila dahil inakyat na namin ang aming reklamo sa mga kinauukulang awtoridad.

Let this be a warning to all those who are planning to buy vehicles from this dealership that practice UNFAIR TRADE! In short, MGA MANDURUGAS ANG MGA TAGA UNION MOTORS PACO!!