New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 60 of 134 FirstFirst ... 105056575859606162636470110 ... LastLast
Results 591 to 600 of 1331
  1. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    82
    #591
    sabagay oo nga, if it's any consolation eh ang laki ng price difference ng gas and diesel. dun man lang makabawi.

    yerffej86: ang swerte mo naman you got a free stepboard. sinong dealer yan? ipamukha ko nga dun sa ahente na meron free stepboard kang nakuha. tutal wala pa ko plaka. baka masulsulan ko na bigyan ako ng libreng stepboard teka, cash payment ba yan?

    saan po yung winterpine? taga cainta ako, malapit lang dito? at sa halagang magkano naman sya?

  2. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    94
    #592
    Quote Originally Posted by yerffej86 View Post
    to WONDRSUMAN: minsan nga nasa 5th gear ako running only 50kph. ok naman takbo, that is kung nagtitipid ka sa gas/diesel, natry ko na din 40kph using 5th gear.

    to MARCDOM88 and other ADVIE OWNERS: : im also shifting 2k rpm pag normal driving lang, pero curious lang po ko, if your running 100-120kph diba nasa 3K rpm na yan, hindi ba malakas yung fc nun? knowing na 2K rpm lang dapat para tipid. hanggang 70-80kph lang kasi kaya ng 2k rpm.
    Ingat lang sa under gearing sir yerffe. Visit ka MAC website, sa sobrang disparity ng rpm sa speed mo e yung transmission mo magkaprublema in the long run. Synchronizer ata tawag sa masisira.

    Tama ka din sa observation mo, but as long as yung speed na >100 kph e highway speed at di ka yung tipong speed up, break, speed up again, ok lang. 70 kph nga lang yung 2K rpm eh, nakakainip yun. FC suffers pag bilisan mo though, pero kahit anong sasakyan naman ganun. Faster=greater consumption. Ang pangit lang naman e yung humahataw ka kahit the traffic ahead is thick and you have to slow down every now and then.

  3. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #593
    Pangit nga kapag low gearing nakakasira. Ako sa 2.2 to 2.5 ako nagshishift.

  4. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    30
    #594
    wondersuman: hindi sya cash, bank financing..

    marcdom88: thanks sa info, nakita ko na din yan plus 1 kapa sa nagcomment na ganun so medyo iba na driving style ko, as much as possible at least 2k rpm ako mgshift.

  5. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    2
    #595
    Quote Originally Posted by likot View Post
    Eto pa nangyari sakin.

    5000km pms, citi motors
    10k pms, Diamond Motors, warranty claim rear shock (both)
    15k pms, Sa labas
    20K pms Diamond Motors, warranty claim speedo cable
    25K pms sa labas
    30K pms Diamond Motors, ball joint
    35K pms DIamond Motors, nasira AC warranty claim (Evaporator ba tawag don?)
    ...

    Now...

    Wala nakong warranty kaya sa labas na lang "El Dorado" at least Genuine Parts pa rin kung kelangan ng replacement.

    Kelangan mo ring mag casa minsan para ma check nila kung ano yung mga dapat ng palitan tapos patira mo sa labas kung wala kanang warranty.


    Basta ganyan nangyari sakin. May iba pang warranty claim di ko lang matandaan tagal na kasi ng advie namin eh.
    Thank's Bro! at least i've got an idea regarding your previous
    experience w/your advie.....

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #596
    Quote Originally Posted by fredcab View Post
    Thank's Bro! at least i've got an idea regarding your previous
    experience w/your advie.....
    Kung nag skip ka naman ng PMS let say sa labas ka nagpa 10K pms tapos nag casa ka ng 15K. Pwede mong sabihin na umuwi ka kasi ng probinsiya don inabot ng PMS kaya nag change oil at change oil filter ka na lang muna don. Para di mawala warranty mo. Depende talaga sa casa ang warranty claim. Katulad nung shock ko sa likod isa lang ang leaky pasok to sa warranty. Sabi isa lang daw papalitan. Umangal ako. Anong isa eh pares yan chaka baka defective rin yung kabilang side. So pinalitan nila yun dalawa.

  7. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3
    #597
    bago lang po ako dito..advise naman po, ok pa po bang bumili sa Union motors, we are definitely buying ADV GLX 2010, sa dealer sana na ito, kaya lang after reading ng mga negative comments sa Union Motors last year I and my partner hesitated.. may masasuggest po ba kayong ibang dealer na may best offer po.. pauwi po kasi kami this coming few days for vaction sa philippines.. ibabiyahe namin sa bicol.. thank you po.. any for any suggestions

  8. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    95
    #598
    mga sir how much kaya price range ng ralli art na mags for advie yun 15" yata yun? fit kaya siya with 5holes/114 planning to buy for my dad's 97 exceed..

  9. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    31
    #599
    mga ka ADVIE owner ko diyan, pahelp naman sa problem ko sa advie ko.. may thread po ako dito, paki basa na lang po ang title "increasing idling speed when using aircon"..

    sana po makahingi po ako advise sa inyo sa problem ko.

    tia!
    Last edited by The Doctor; March 8th, 2010 at 02:24 AM. Reason: wrong spelling

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #600
    Matigas ba talaga ang clutch ng advie? Bakit yung advie namin antigas ng clutch is there a way para palambutin to. 5 years nakong nagtitiis sa tigas nito

    Bakit di siya kasing lambot ng ibang car? Ang sakit sa likod lalo na sa traffic.

MAC - Mitsu Adventure Club!