New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 57 of 134 FirstFirst ... 74753545556575859606167107 ... LastLast
Results 561 to 570 of 1331
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #561
    Quote Originally Posted by wondersuman View Post
    ^2010 super sport adventure diesel. before the 1k PMS 7 km/l lang sya. after the PMS may slight improvement. city driving though, hindi ko pa naibya byahe ng malayuan.
    Normal lang yan kung city driving. Minsan ako 7 rin lang kung pure city tapos short trip lang lagi.

  2. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    58
    #562
    Quote Originally Posted by wondersuman View Post
    ^huwat??? bakit yung adventure super sport diesel ko eh 8 km/liter lang?
    Baka masyado mataas shifting points mo.

  3. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    82
    #563
    gustuhin ko man mag shift at a higher rpm eh iniisip ko naman yung fuel consumption ko. so it's a choice between hataw o tipid sa fuel. i somehow have learned to accept na i bought the adventure para may sasakyan ako. kung makararating ako sa gusto ko puntahan eh solved na ko. kaya yung vios ko na nabaha maski gusto ko ibenta eh nandito pa rin. at least yun mabilis at maliksi umandar. kaso back to casa si vios at umilaw na naman check engine. hay....sakit sa ulo anyway, i shift at around 2000 or maybe 2500 rpm. sabi ko nga dun sa casa nung nag PMS sya feeling ko sakal na sakal ang andar nya. eh wala rin naman nabago. so suko na ko.

  4. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    30
    #564
    Quote Originally Posted by marcdom88 View Post
    Maki-join po ako sa balitaktakan niyo, sir Yerffe86 & ma'm Wondersuman;
    1. Sa concern about the LTO plate, may shortage po ata ng plate. In my case, I settled for a "regional" plate for my GLS Sport; it doesn't start with an "N" but i got it one month after having the advie. Kaso, Since Sept. 2009 to now, wala pa akong LTO sticker. I personally followed it up sa LTO dito sa amin and 3rd week of March pa daw;

    2. It wouldn't be fair to compare the 2010 Tucson to the Advie kasi different class sila, Tucson would be like a car as the Advie is a kuliglig. The former's top speed in my experience (with me as passenger) is 170 Kph and the engine isn't straining yet. Driver na lang natakot. My advie has run 140 Kph and it sounded like it'll explode any moment;

    3. I've rode and driven several S/AUVs including the 2010 Tucson (my friend's), the 2009 Dmax (my bro's), the 2009 Fortuner (nakisakay). Not comfortable yung tucson at fort pag passenger ka, matagtag, tigas ng seats. Sa Tucson, nakakahilo pag sa likod, and the center passenger sa likod suffers kasi hindi even yung seats, parang comfy lang for 4 people siya. Di rin nare-recline yung seats, hirap pa lumabas at pumasok, naipupunas sa pants yung side body. Sa Dmax, ok lang, though masikip;

    4. Medyo partial ako sa Advie kahit admittedly nung umpisa there are times gusto ko hampasin ng latigo while overtaking. I coped up by learning double-clutching tecnique and not expecting too much. He he...besides, why get a car that can run 200 Kph when our roads and traffic allow only for 50-80 kph?

    5. The fc of wondersuman seems high. Magasto nga pag 8 km/l. I'm not an expert but i manage 13.6++ km/l average (dito sa province naman kasi. He he..) shifting * 2K rpm;

    6. I don't think po na kaya ng Advie ang 17 km/l. Sabagay, marketing lang naman yun ata. BS kumbaga, but most car companies are guilty of making outrageous claims just to sell;

    7. By the way, i still believe the Advie is value for money. Pero if i wasn't concerned with budget, I'd have bought either the Montero 4x2 or Alterra 4X2. Sta. Fe is also a decent choice. If you can consider getting the 2010 Tucson, then the monty may merit your consideration.
    ang haba naman ng quote, hehe.. but thanks for the reply, at least my nakukuha ko mga ideas. tagal naman ng sticker mo, halos 6 months na advie mo pero wala ka pa sticker, follow up mo lang.. and about the tucson, ngtest drive ako, my napansin din ako na matagtag siya kahit flat yung road at may ingay kaagad sa baba, kahit uneven road lang, napansin ko din na mababa yung seats nya, parang pandak ka tingnan sa loob, how much more pg my passenger ka na bata or pamangkin mo diba. (except for the driver side kasi adjustable naman).
    so you manage 13km/l? city driving lang sa province nyo or mixed highway na din? sounds great if thats the case, anyway i have decided na advie na, inisip ko kasi na wala casa ng hyundai dito sa place namin and marami akong nabasang comments na my quirking sounds yung tucson especially sa steering wheel and my isa pa, mahina yung stabilizer joint, minsan nagiingay.. and only 7km/l city, proven yan, ung iba nga 6km/l lang, knowing na 10 pesos price difference nila sa diesel, at least yung mitsubishi my casa dito,. .

  5. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    30
    #565
    guyz, i one question for all advie owners, how come walang srs airbag or even abs or ebd yung advie? even the 2010 model, since the 2000 models napansin ko walang airbag or abs. just wondering..

  6. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    94
    #566
    so you manage 13km/l? city driving lang sa province nyo or mixed highway na din?

    ^^ yes sir, though in fairness di masyado matrapik dito sa amin kahit pa sabihing city. Yung '10 Tucson ng friend ko nakaka-11.2 km/l pa nga at A/T pa yun!

    IMHO, as long as you don't expect the advie as "fast & the furious" material, value for money siya. Chestnut red maganda nga. Yung silver ko nakaka-boring na. Di nga kita gasgas at dust, di rin naman pansinin kung bagong wax.

  7. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    30
    #567
    so ganon talaga katipid advie.. so mas matipid pa rin talaga siya compare sa tucson 2010 and mas cheaper pa diesel kesa gas, siguro pag purely highway kaya pa ata 15km/l, kasi sayo 13km/l city/mixed.. anway kanina my nakita ako na super sports, color grey, ok naman, maganda pero i have 3 choices, black, maroon or red ba yun and the chestnut red for 2010 advie super sports, what do you think maganda sa tatlo? my mga advantage at disadvantage din kasi silang tatlo..

  8. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    30
    #568
    marcdom88: try mo click or copy & paste mo link na to, different kinds ng color ng advie, parang iba ang kulay ng chestnut red in person. hehe.. http://www.sulit.com.ph/index.php/vi.../T+(7-9+seater)

  9. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    82
    #569
    yerffej86: tignan mo na lang kung ano ang available sa casa. kasi kami una naming gusto was black. kaso we realized mahirap i-maintain ang black at saka di masyado kita sa gabi, delikado. then we opted for gray. kaso wala daw available kaya we ended up with gothic silver. medyo boring na kulay nga at yung nalunod kong revo eh silver na rin. pero yung revo at least may konting sticker sa tagiliran, may accent man lang hetong adventure talagang walang ka buhay buhay yung kulay na nakuha ko. at sa kadahilanang kailangang kailangan ko ng sasakyan nung mga panahon na yun eh napilitan na ko kunin yung silver.

  10. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    94
    #570
    Quote Originally Posted by wondersuman View Post
    yerffej86: tignan mo na lang kung ano ang available sa casa. kasi kami una naming gusto was black. kaso we realized mahirap i-maintain ang black at saka di masyado kita sa gabi, delikado. then we opted for gray. kaso wala daw available kaya we ended up with gothic silver. medyo boring na kulay nga at yung nalunod kong revo eh silver na rin. pero yung revo at least may konting sticker sa tagiliran, may accent man lang hetong adventure talagang walang ka buhay buhay yung kulay na nakuha ko. at sa kadahilanang kailangang kailangan ko ng sasakyan nung mga panahon na yun eh napilitan na ko kunin yung silver.
    +1 po. Better check the unit colors po up close kasi iba ang nasa pics lang. I initially wanted the chestnut red (parang maroon) and gray color, pero i ended up choosing silver for sentimental reasons. Choose a color you can bear looking at everyday for the next 4 to 5 years. He he..

    Basic old school lang ang brakes ng advie, but i have no complaints so far. I think naman kahit pa hightech ang brake system mo kung di ka maingat ein the first place e wala pa din. As for the airbags, talagang naghanap ako ng walang ganun coz i have eyeglasses. Baka kasi masipa ng malakas ng lasing ang bumper e mabulag pa ako pag nagdeploy ang airbag.

MAC - Mitsu Adventure Club!