New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 173 of 254 FirstFirst ... 73123163169170171172173174175176177183223 ... LastLast
Results 1,721 to 1,730 of 2533
  1. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    567
    #1721
    *lucksfinder

    Dapat ma-compression test iyan engine mo para malaman alin cylinder ang may leak or nag fail. Mura lang ito P350.00 sa mga shop. Pero hindi lahat ng shop ay meron nito. Measure kasi nito ang pressure each cylinder. Ang normal reading ay dapat 160 psi at dapat pareho lahat ang reading sa 4 na cylinder. Pag meron mababa ang reading ay may leak ito. Pwedeng di masyado nagsasara ang intake at exhaust valve dahil sa carbon deposits ( sunog na oil ) at may sirang piston ring. Pwede rin gasgado na cylinder bore at kailangan machine shop service.

    Pero sa ganitong situation na medyo kulang sa budget. Unahin mo na lang mga testing namedyo mura. Huli na iyong top overhaul or machine shop.

    First na gawin mo ay check mo alin spark plug ang puro may sunog na oil or basa sa oil. Ang spark plug number 1 ay iyon malapit sa timing belt at kasunod nito pakaliwa ay 2,3,4.

    Another question. Nag overheat ba dati ang engine mo. Hindi ba mabilis maubos yun tubig dun sa reservoir ( Kulay puting container sa harap ng battery)

    Saan ba naka park yun kotse mo? Quezon City ba?
    Hintayin ko sagot mo.

  2. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    30
    #1722
    Sir Chinoi,
    Maraming salamat po sa pagkakataon na nag bigay ka ng sagot at good idea.

    Binaklas ko po ang spark flug ang 2 & 3 ay maitim ang kulay at basa ito ng oil, iyong 1 & 4 ay Ok naman ang sunog puti meaning Ok daw.

    One time nag overheat ito at pina drain ko ang radiator nito na compose of dirty water yellowish color at pinalitan ko ng clean water. Morning before nag long distance ako na nagka problema sya, pinalitan ko naman ng tubig ang radiator and then nag travel na iyon nga OK takbo condition hatak ng 100-130 KPH speed, ng nagkaproblema na sya I check the radiator na kulang sya ng tubig and then I add mga 3/4 liter ata ang nailagay ko, Nagtanong ako sa mechanic sabi nya nag overheat daw ito, sagot ko sa kanya hindi ko naman napansin sa temp gauge na tumaas kaya palagay ko wala.

    Itong suggestion mo Sir Chinoi, e try ko po sya baka ito na ang solution.

    Actually po, malayo ako sa Manila dito ako Iligan City, Mindanao, at iyong mga parts, lalo na sa accessories na kinabit dito halos lahat galing sa Net Play Racing kasi iyon po ang na surf ko sa Internet online shopping, nakita ko din sila sa blog ng Sulit at Ayos dito, at ang payment ay thru BDO at sa shipment ay via LBC, AP Cargo.

    Hindi bali Sir kong mayron kang supplier na mura at good quality product try ako na doon bibili.

    Salamat ulit sa sagot mo.

  3. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    30
    #1723
    Pagsisihan ko sana itong Itlog with engine 4G13, kaso na in love tuloy ako gawa ng malaki na po ang nagastos ko dito at naging real EVO 3 look siya, ito nga nag aakit naman po sa bulsa na bibilihan ko sya ng tachometer, new style under arm control link, bride or sparco seat at iba pa, na addict na po ako dito, gusto ko sanang e dispatch o for sale pero hindi madali palabasin gawa ng malugi po ako sa baba ng price ngayon ng itlog type.


    ITO NA PO SIR, MAY MEKANIKO NA NAG CHECK, ang sanhi daw ng kotse ko ay itong radiator cap ay may crack/leak kaya nag overheat sya kaya pala nakadagdag ako ng tubig noong nag travel ako at ito pa ang oil pa nya ay may halong tubig, OVERHAUL na daw ang solution dito. Oh My God!!! bullshit na radiator cap

  4. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    30
    #1724
    Ito na po Sir Chinoi, nabuksan namin, sira po ang cylinder gasket, piston ring mapalitan narin.....

  5. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    567
    #1725
    Try mo kung 3 passenger mo at naka on ang aircon. Tignan mo kung pigil ang engine kapag increase mo ng apak sa gas sa 1st gear at second gear..

  6. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    30
    #1726
    Yes Sir Chinoi, salamat ulit sa concern at help tips mo.

    Noong nagka problema sya rode with 4 passengers, iyong nga pag ina apak ko ang gas pedal para maka takbo ng maayos hindi nya kaya talaga ang gear 3 to 2 lalo na kong naka aircon ito.

    Sa ngayon po, na overhaul na; napalitan ng cylinder head gasket, iyong piston ring hindi na pinalitan wala naman pong sugat. Ng matapos na ang overhaul job pina road test ko tapos may oil leak naman sya, binalik ko sa mechanic pinaayos ang mga bolt sa engine iyon ng nag drive test ako ng 70km distance wala na ang leak at ang sabi ng mechanic pag mag leak ulit dalhin daw sa machine shop.

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    567
    #1727
    Very good. Sarap pakiramdam kung na solve na problem ng kotse. Lalo ka ma- in love sa kotse mo. he he he.

    Ako rin masaya. Na solve ko rin yun problem ng engine ko na palaging wala sa timing. 2 carburator specialist na tumingin ay di mahuli yun vacuum hose for advance timing sa distributor. After 3 yrs ay nahuli ko rin source ng problem. Meron pa palang natirang 1 planted na bara sa vacuum hose ko. Natangal ko na yun 2 bara 2 yrs ago.

    Ngayun okay na. Swabe na uli engine ko sa arangkada at heavy load. Ako rin pala maka solve sa hose problem na iyon.

  8. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    30
    #1728
    Quote Originally Posted by Chinoi View Post
    Very good. Sarap pakiramdam kung na solve na problem ng kotse. Lalo ka ma- in love sa kotse mo. he he he.

    Ako rin masaya. Na solve ko rin yun problem ng engine ko na palaging wala sa timing. 2 carburator specialist na tumingin ay di mahuli yun vacuum hose for advance timing sa distributor. After 3 yrs ay nahuli ko rin source ng problem. Meron pa palang natirang 1 planted na bara sa vacuum hose ko. Natangal ko na yun 2 bara 2 yrs ago.

    Ngayun okay na. Swabe na uli engine ko sa arangkada at heavy load. Ako rin pala maka solve sa hose problem na iyon.
    Congrats sa atin, swabe nga Sir pero yari din ang pocket natin for spare parts and labor cost hehehe,

    Share ko din pala iyon unang problema sa unit ko nagka problema din ako sa distributor, fuel pump at fuel filter....nalilito kami saan sa dalawa ang may sira, kasi hindi namin ma determine o ma tiyak saan ang problema kasi pag bibiyahe kami ng mga 100km OK sya, pag medyo mataas ang biyahe ang nangyayari sa sasakyan namamatay ang engine parang shortage sa gas aapakan mo ang gas pedal nag shortage sya hanggang sa namamatay ito, madalas nangyayari, kakahiya nga sa mga dumadaan sa akin na new look/new paint ang car ko tapos namatay lang sa kalye.

    Ang ginagawa ko pag namamatay ang engine lilinisan o choke namin manually ang carburator tapos pina pa revolution ko na malakas hanggang sa mapansin ko na Ok. pero miyamiya habang pauloy sa pagkatatabko babalik naman sya ng ganon problema, kakainis talaga.

    Pina check ko ito sa iba ibang mekaniko ang sabi, sa carburator kailangan ng cleaning marami o nababara daw sa dumi. Ang ibang mekaniko naman ang sabi sa distributor daw ang ignition COIL may problema patai daw hindi maka supply ng sapat na korente, Ang ginawa ko pinalitan ng Ignition Coil at may napansin din kami na may crack sa Rotator so walang replacement sa rotator kasi walang mabali sa autoshop na separate item kailangan assembly daw. so, Coil lang napalitan ngayon Ok sya sa umpisa after road test naman ganon balik naman sa dating problema na parang shortage sa gas, ang ginawa namin pinalitan ng new Fuel pump at Fuel Filter so ITO PALA ang problema fuel pump at filter.

    So OK na sya. SWABE din at ang GAS consumption din ay sufficient ang napansin ko dati sa 60 kilo nag nagconsume sya ng 12 liters talaga ngayon 8 liters hindi pa nya maubos lahat.

    Marami na akong bad at disgusting sa unit na ito pero Ok naman at least naka experienced at puwede natin e share sa iba ang remedy.

    sya nga pala Sir Chinoi, Merry X'mas and Happy New Year in advance...

  9. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    567
    #1729
    Itabi mo muna yun pinagpalitan ng Ignition coil. Sayang kung itapon. Ok pa naman pala.

    Nasiraan kasi ako ng Ignition Coil nun ikabit ko yun MultiSpark Ignition CDIS System na design ko. Aksidente natunaw yun pandikit sa ginawa ko replacement connector sa distributor. Nasira sa short yun Ignition Coil ko. Nagamit ko tuloy yun backup or pang testing ignition coil para sa sa cdis.

    Dami ko na rin mga electronic imbento nilagay sa Itlog ko.
    1. MultiSpark CDIS
    2. Tachometer
    3. Radiator Collant Overheat Alarm.
    4. Shift Light. ( Gagawin pa lang. Incorporate ko sa ginawa ko na Tachometer )


    Meron din ako isang tip sa makina ng itlog na ayaw umandar.

    Meron wire connector fuel cut solenoid sa likod ng carburator. Nag loose itong connector at syempre hindi papasok yun fuel sa carburator. Linis ng liha at contact cleaner ay solve na problem.

    Merry Christmas and Happy New Year din sa iyo at sa mga Tsikoteers.

  10. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    30
    #1730
    Quote Originally Posted by Chinoi View Post
    Itabi mo muna yun pinagpalitan ng Ignition coil. Sayang kung itapon. Ok pa naman pala.

    Nasiraan kasi ako ng Ignition Coil nun ikabit ko yun MultiSpark Ignition CDIS System na design ko. Aksidente natunaw yun pandikit sa ginawa ko replacement connector sa distributor. Nasira sa short yun Ignition Coil ko. Nagamit ko tuloy yun backup or pang testing ignition coil para sa sa cdis.

    Dami ko na rin mga electronic imbento nilagay sa Itlog ko.
    1. MultiSpark CDIS
    2. Tachometer
    3. Radiator Collant Overheat Alarm.
    4. Shift Light. ( Gagawin pa lang. Incorporate ko sa ginawa ko na Tachometer )

    Meron din ako isang tip sa makina ng itlog na ayaw umandar.

    Meron wire connector fuel cut solenoid sa likod ng carburator. Nag loose itong connector at syempre hindi papasok yun fuel sa carburator. Linis ng liha at contact cleaner ay solve na problem.

    Merry Christmas and Happy New Year din sa iyo at sa mga Tsikoteers.
    Ang galing mo Sir sa experiment at invention mo, trial and error, at least ma success mo naman.

    Sa Lancer EL/Itlog kong ito sa totoo lang kong pinabayaan ko ito matagal ng sa junk shop ang takbo nito for kilo hehehe. Ngayon naging real EVO 3 look na sya ang daya din ang itsura pero pag buksan mo para tingnan ang engine hehehehehehe 4G13 lang, pero sa ginawa ko rin modification sa kanya satisfied na ako parang GLXi din ang takbo nito.

    Sa ngayon mayron din akong napansin na problema nanaman; maingay sya hindi ko pa ito pinasuri sa mekaniko, tingin ko sa motor ng aircon baka iyong bearing gastado na need to replace ito.

    Sir Chinoi, maka insert ba tayo dito ng picture/image sa thread na ito, payag kaya ang admin at paano e insert ng picture dito.

    Nakapasok ako sa website ng cardomain.com mag uumpisa din ako mag post ng picture ng itlog ko doon, kasi bawat binabago ko sa itlog na ito kinukunan ko ng picture tapos puwede i post doon sa cardomain.com sana ganon dito sa tsikot.com.

LANCER Itlog (93-96) Owners - Please Post Here!