Results 1,261 to 1,270 of 2560
-
May 4th, 2011 11:58 AM #1261
welcome to tsikot and congrats sa nabili ninyong itlog!
ask your tatay kung kailan ang huling palit niya ng timing belt? pinapalitan kasi ito every 70,000 kms., mahirap maputulan nito kasi.
sa kalampag, ipa-check mo ang shock absorbers kung ok pa.
nasa more or less P3.5k ang isang KYB gas shocks sa banaue ngayon.
kapag kapos sa budget, nandyan ang zeon gas shocks, nasa P1.3k each.
goodluck po, paunti-unti maayos din yan.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 16
May 4th, 2011 12:53 PM #1262Last edited by froilanr; May 4th, 2011 at 12:57 PM. Reason: fix quote. added message.
-
May 4th, 2011 02:21 PM #1263
*melboy
Paps try mo muna reset ang ECU. Hugutin mo yung negative terminal ng battery for about 10mins at I-on mo yung headlight switch. After 10mins off mo yung headlight switch and kabit ulit terminal ng battery. Mapapansin mo na magrereset din yung clock ng oto. Then start mo yung oto pero antayin mo muna mawala yung CHECK ENGINE LIGHT bago mo i-start. Hayaan mo muna sya mag warm up for about 3-5mins. After nun ON mo aircon and observe kung ano ang magiging idle reading nya(RPM). Meron po pinipihit sa ibabaw ng Throttle valve na plastic na turnilyo. Pinipihit ito kapag gusto mo i-adjust ang rpm kapag naka-aircon ka. Clockwise para bumaba(kapag sagad na iba na ang gagawin) Counter clockwise kapag gusto mo tumaas ang RPM. HTH
*Drodis
Paps try mo pacheck yung breakpads mo sa harap baka yun ang mainipis na kaya may squeeking sound. Dun sa mga shops na BREAK and CLUTCH relining ata yun.. Dami sa Pasay Taft nyan. Try mo din observe yung sa shocks mo baka dun naman galing yung squeeking sound pagnapreno ka.
*raven nayl
Paps try mo din ito..
Reset ang ECU. Hugutin mo yung negative terminal ng battery for about 10mins at I-on mo yung headlight switch. After 10mins off mo yung headlight switch and kabit ulit terminal ng battery. Mapapansin mo na magrereset din yung clock ng oto. Then start mo yung oto pero antayin mo muna mawala yung CHECK ENGINE LIGHT bago mo i-start. Hayaan mo muna sya mag warm up for about 3-5mins. After nun ON mo aircon and observe kung ano ang magiging idle reading nya(RPM). Meron po pinipihit sa ibabaw ng Throttle valve na plastic na turnilyo. Pinipihit ito kapag gusto mo i-adjust ang rpm kapag naka-aircon ka. Clockwise para bumaba(kapag sagad na iba na ang gagawin) Counter clockwise kapag gusto mo tumaas ang RPM. HTH
Kapag ganun pa rin palinis mo ang servo at check may mga gears kasi yan sa loob at baka may mga bungi na. Nakakabili ng kit nyan.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 16
May 5th, 2011 10:21 AM #1264About sa shock absorber ng Lancer EL 94 model ko.
Nakapag-canvass palang ako sa isang tindahan dito sa Dau, Mabalacat, Pampanga.
Front shock: P3,300 (gas type); P2,700 (fluid type); Bearing type; Kayaba brand
Titingin pa ako sa iba kung saan meron mas-mura na ganun din brand.
-
May 5th, 2011 10:56 AM #1265
*froilanr,
ayos na ang kyb price na yan, magtanong ka na rin ng shock mounts dahil malamang meron na rin bitak ang old mountings mo. nung nagpalit ako, nasa P480 ang isa, JAG ang magandang replacement brand. P200 ang labor per side ang siningil sa akin.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 16
May 6th, 2011 09:50 AM #1266
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 16
May 6th, 2011 10:05 AM #1267
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2007
- Posts
- 16
May 6th, 2011 02:12 PM #1268Newbie question.
Parehas ba ang timing belt sa alternator belt? Iisa lang sila?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2011
- Posts
- 8
May 6th, 2011 11:06 PM #1269Salamat sir Inno, papa check ko na sa sweldo yung breaks ko, last question sir, any Idea pano mawala ang kalampag, ano dapat pa check, and ano papalitan, if you can give mean an estimate kung magkano aabutin sir, appreciate your help sir. \m/
-
May 7th, 2011 12:25 PM #1270
*froilanr
Magkaiba po sila sir. Timing belt is nasa loob nung black plastic cover sa upper rightside(facing the engine bay) ng makina tabi ng oil cap(sa Cam gears kasi ito nakakabit). Kapag binukasan yun tsaka mo palang makikita yung Timing belt. Range ng price nito is from 2K up. Buy OEM parts para safe.
Yung alternator belt naman located sya sa bandang ilalim at madali sya makita kasi nasa labas lang sya at connected syempre sa alternator.
*Drodis
Marami po sir dapat ipacheck went it comes sa pang-ilalim. Normally ang malimit masira sa oto is shock absorbers,shockmounts, bushings,balljoints,tierod etc. Hindi ko kabisado yung iba pa pero if i were you try to observe muna kung saan talaga nanggagaling yung kalampag either harap o likod and kung anong klaseng tunog meron like squeeking or toktok sound.. Yung iba kasing problem nakukuha sa pag-spray ng WD40 eh..hehehe
Regarding sa pricing ng parts depende pa rin sa kung ano papalitan. Try to canvass muna sa ibat-ibang shops baka makakatipid.
Honda Cars PH sold over 15,000 cars in 2024 | Autoindustriya
Car Sales Data (2024)