yung montero gtv ko nag ka guhit sa hood dun sa BIGBERTS sucat nung pina car wash ko, buti nalang nawala nung pina polish ko dun sa kalaban nilang detailer sa auto magic hindi hindi nako babalik sa lintek na BIGBERTS nayan
yung montero gtv ko nag ka guhit sa hood dun sa BIGBERTS sucat nung pina car wash ko, buti nalang nawala nung pina polish ko dun sa kalaban nilang detailer sa auto magic hindi hindi nako babalik sa lintek na BIGBERTS nayan
nawakwakan ng rear tire habang tinatahak ang roxas blvd. this tuesday lang... may nagulungan na baka kasunod kong kotse, naiwas ko yung front tire pero nahagip pa din yung rear tire ko... wakwak... buti madali magbaba ng reserba... hehehehe... got a new tire for 10k... tsk tsk...
Nangyari na din sa akin yung tipong naka double parking ka then suddenly may makilita kang taong may hawak na payong na lalakad sa tabi ng car mo then biglang "tug" ayan sapul may guhit na car mo even if you didnt do a thing hehe
Meron na din nangyare sa alin yung tipong naka stop ka sa stoplight then biglang may jeepney na hihinto sa tabi mo so when a passenger wants to ride the jeep, lalakad sya sa tabi ng car mo, e may backpack cya so pag lakad nya sakto naka dikit yung zipper ng bag nya sa gilid ng car mo. Boom instant gasgas nanaman
Pag sinigawan mo naman, malamang mag sosorry lang yan but still the damage have been done
Here's mine:
1. 2 weeks old pa lang Hiace Commuter ko may gasgas at butas na hubcaps.
2. 1 month old na sya. nag checkin at overnight kame sa Hotel H2o. I parked in the open area outside the hotel. Day 2 nung uuwi na kame may dent na sa right side at may red color pa. Parang naurungan ako ng red car. Lubog nga eh
3. 2 weeks after that nagka dimple naman sa rear fender sa left side. Puro left side gasgas ko talaga.
4. 2.5 months old sya nung nagasgasan sa front left side ng gulong (ung nilalagyan ng mudguard) tanggal pintura
5. Last and the most recent is when magrerenew ako ng license sa LTO marikina near riverpark. I was about to park near the river side when I had to tread a sloping way downwards to the parking space. Biglang may adobe sized blocks pala na naka formation kaya ayun gasgas at nakatupi na right side naman ngayon ng hiace ko. Pares na sila ng kaliwa.
haayy![]()
wala kayo sa lolo ko, bagong labas pa lang ng tsikot niya eh tumirik na agad.![]()
3 week old MS oil drips near the oil filter... :-(
week after 1000kms pms. oil leaking on the drain plug. magaling maghigpit mekaniko nila :-(
Sa akin naman kakalabas pa lang ng casa yung newly purchased grand starex and innova namin both tabingi ang manibela while running on straight roads... Pero both was fixed under warranty a week after. Badtrip lang kasi bakit tabingi manibela sa kakabili na car diba? Ano yan mass production ??
Bad trip? Walang iba kundi ang MAHAL ng CASA PMS.... Kaya nga ako bumili ng Brand new eh para makatipid ako sa PMS up to 5years at least eh.. Binenta ko 2nd hand car ko dahil unti unti ng kinailangang magrenew ng mga parts unti-unti...but with a brand new car, if we are to add all the PMS costs? ang mahal per year... Anyway, isang fact kung bakit ko nasabi ito ay dahil sa 25,000km ang average mileage ko a year. This is because I'm travelling Manila to Mariveles (work place) at the rate of once a week. Mabilis ang PMS ko tuloy... BAD TRIP talaga....tsk tsk tsk...
less than a month old Altis G....my wife practice driving (just obtained her degree in A1 haha!) when i told her to get into gas station to fill up.
pagpasok ng station, when turning to the pump area....sabit ang mags sa concrete pillar ng pump. ayun naligo ako ng sorry from wifey....and to our
"tisoy" (name ng car) haha!
Hmm, not to bash but I think everything you're whining about wouldn't have come as a surprise if due diligence was done (i.e. research about ballpark figures of maintenance costs, computation of mileage to be traveled by the car).
Anyway, BTT, back in 1996, our brand new Civic VTi got hit by a taxi on its maiden trip from Honda Makati to our house.![]()
1st week ng EX ko eto lang December, bumebwelta ako sa isang madilim na kalsada, sabay may naatrasang bato! Ayun may mga dots yung bumper na malalim.
2nd week, habang umaandar eh biglang may tumunog sa right side na parang sanga ng puno na nadaanan pero hindi ko nakita. Kinabukasan ayun gasgas from hood gang bubong meron pa sa pinto (right side) gang sa gilid ng trunk meron linya, although hindi malalim. 2nd week din nung nakita kong may dent ako sa hood na maliit, d ko alam kng san nanggaling.
3rd week, PMS time. Napansin ko na din sa 1st day na mejo hindi pantay ang awang ng hood ko sa magkabilang side, mejo malaki sa right side ang awang sa fender. So binanggit ko sa Service Advisor at sabi i-align lang daw, ayun inangat yung hood at niluwagan ang screws ng fender, aba pinatulak yung fender papaloob. Too late nung sinabi ng SA sa crew na wag pwersahin, kasi nagkaron ng dimple.Kamot ulo na lang ako at pinalagpas ko na, naisip ko ako na lng papagawa nun.
4th week, which is this week lang, habang ang gasoline boy ay binawasan ang hangin ng gulong ko, since masyadong mataas eh 42 psi pgkalabas ng casa (kaya pla matagtag), nakita nung gasoline boy na may tama pala yung front right mags ko, itsurang na-gutter. Pero wala akong maalalang ganun nagutter ako, oh well.
4th week pa din, kahapon lang sakto paskong pasko! Since matraffic samin at pumasok ako sa isang malubak na daan at may nakita akong nauna dun na sinundan ko lang, at marami ding nagsunuran sakin, aba eh meron palang malalim na butas dun, ayun sayad ang ilalim ng right side ng bumper. Grabe nakayas talata eh, ang sakit sakit tignan pag sinisilip ko sa ilalim. Ang laki, mahaba at malalim ang gasgas, repaint ang katapat.Pampalubag loob eh apat kameng nabiktima dito. hehe
Isama pa natin yung mga gasgas galing sa car wash na sablay maglinis, once lang tinry ko kasi ang ganda ng may ari nung carwash lapit samin nagbabantay din dun, potek sablay pla serbisyo.
Dibale, dito ako matututo sa mga ganitong experience (pampalubag loob hehe). Yung week 4 na gasgas at yung sa week 1 sa likod na tumama sa bato, pwede po ba tong iclaim sa insurance kahit ako may kasalanan? Wala pa kasi yung policy d ko pa nababasa lahat. TIA
- EDSA bus rear-ended the Nissan Urvan Estate CEO which i just picked up from the CASA (brand new) and was bringing home. Bumalik tuloy sa CASA after the filing of the report.
- Our three week old Cefiro Elite was scraped by a speeding idiot trike from the front passenger door all the way to the rear fender. (washover agad yung buong side)
- Another car backed into my sister's 2 week old 2012 Civic... while it was parked (pilot pa yung nakadamay)
Baka hindi nagpagas at excited ng umuwi.hehehe
Sa akin ang badtrip, kahit hindi na brandnew pag umatras ka kinakatok nung mga boy sa parking.
Pag ganun, bumababa ako at sinasabihan ko na lang na "hindi jeep ang kotse ko, hindi mo ba nakita na may sensor at camera?" (medyo pabiro pag maton ang itsura, pero medyo tiger look pag kayang bengahin).hehehe
driving ka on a highway then suddenly nag bend/kumakatok yung antenna sa ceiling. putol bigla. going to casa they will insist na sumabit yung antenna. hehe
Nung Dec. 27 birthday ng nanay ko bumili ako ng bouquet para isurprise sya. Mas mukhang nasurprise nung makita ung monty ko. Sumabit sa island railings. basag ung headlight, hood guard at fog lamp cover ko. Napunit din ung front fender at yupi ung hood. Sinabihan na lang ako ng traffic enforcer ng "sige na. lagot ka nyan sa daddy mo."![]()
^^^ Gusto niyang i-surprise ang Nanay niya kaya bumili siya ng bulaklak... Siyempre gamit si Monty papunta sa flower shop....
Aba e,- dobleng na-surprise sila (pati na ang Tatay niya),- dahil sa nangyaring sira sa Monty....
17.9K:cupid2: