Wala pang ilang buwan sira agad aircon![]()
Hindi naman po ako badtrip during sa release ng sasakyan namin last march, rather, bad trip encounter at concern ang nangyari sa akin.
Bad trip encounter na nangayari po sa akin after the release,
Galing pasay, 3 kami na brand new na sasakyan na galing pa din mismo dun sa casa, bago kumanan sa buendia galing roxas blvd. yung lancer na kaharap ko, bigla ba namang nag full brake sa harap ko, at yung naka-buntot na adventure sa likod, buti na lang gamay ng driver, lumipat sya agad ng lane, ako naman, no choice at nag-full stop ako, at first time ko rin during that time na makapag-drive ng monty, luckily, walang sasakyan sa likod, kaya after full stop, sumibat agad ako para iwasan yung lancer.
then after blessing (gabi na rin) inuwi ko na po yung sasakyan namin, normally driven + medyo mabilis ng kaunti dahil break-in, magugulat na lang ako na meron nang humahabol sa likod ko (taxi, SUV, MPV) dedma ko na lang..
Concern encounter naman, dumating na sa grahe yung sasakyan namin, ayun, merong kuting na natulog sa loob mismo ng engine bay, and 3days after na nakuha namin, while engine warm-up, binuksan ko agad yung hood, ayun, merong kuting na takot na takot, luckily, naka takas naman sya, while engine running, pero ang naging concern ko, baka mahigop yung kuting dun sa makina lalo pag naka-takbo na, ang ginawa ng erpats ko, niligaw na lang yung kuting.
kung sa bad trip moment, yung kapitbahay namin, same model din sa amin na kinuha nila, napansin na lang 2days after na hindi lapat yung engine hood.
Sir smuiv, Napansin ko rin po na medyo makunat na rin yung wiper blade namin, pero di ko pa napapalitan dahil sobrang bihira gamitin, then dun naman sa HU unit,
hindi ko pa naman na-encounter na totally hang. Rather yung TPMS, nag-simulate ako ng tire-changing at nagkaroon ng error, then nung kinabit na yung SD card sa GPS, medyo nagkaroon ng issue, dahil hang ang nangyayari, ang ginagawa ko naman, turn off radio, para mag-exit yung NAV,
pero nung time na nag-reset na yun TPMS, (merong remote na gamit) ayun, wala na po naging issue(s) dun sa HU unit.
the car on my avatar was barely 2 weeks old. parked it in the greenhills parking area next to vmall. maayos pagkapark ko, pagbalik ko, some douchebag scratched my car. sinadya, kasi both sides meron. oh well, may mga tao talagang ganun na hindi mo alam kung naiingit, insecure or retarded.
Yup! "The first cut is the deepest, (baby I know)"...
“The measure of a man is what he does with power – LJIOHF!”
Duterte for President of the Philippines in 2016!
25.3K:charot:
back then in 2000
nabagsakan sa hood yung cr-v ko
ang laki parang piso
deretcho kaagad sa casa![]()
just barely 12 hours after a major paint job (50k) wife hit the garage post.
6 days old pa lang montero gls v 2015 ko, along pedro gil, binangga ng pagewang gewang na motor sasakyan ko sa likod na bahagi ng kanang pinto. nayupi at gasgas ang bahaging yun.
babae ang driver at angkas nya yung may ari dahil nagmamarunong mag drive [di marunong mag balance]... walang dalang lisensya... di kanya yung motor na nakabangga at for registration pa...single mom daw sya...at wala daw syang pambayad...at sinabi pang 8k lang sweldo nya monthly!!!
6 days old pa lang montero gls v 2015 ko, along pedro gil, binangga ng pagewang gewang na motor sasakyan ko sa likod na bahagi ng kanang pinto. nayupi at gasgas ang bahaging yun.
babae ang driver at angkas nya yung may ari dahil nagmamarunong mag drive [di marunong mag balance]... walang dalang lisensya... di kanya yung motor na nakabangga at for registration pa...single mom daw sya...at wala daw syang pambayad...at sinabi pang 8k lang sweldo nya monthly!!!
Si muning ginagawang tulugan yun bubong ng bagong sasakyan. Unang araw pa lang may scratch na. Mas confi ata kaysa dun sa dati nyang tulugan... hanggan ngyn nahuhuli ko parin sya na sumisimple sa pagtulog dun. Gusto ko na gawin siopao
Yun dating tulugan naman ni muning pagkalabas ng casa umuulan ng malakas... medyo gutter deep na ang baha eh so no choice na isulong huhuhu.
Buti nalang nga sa bubong ng sasakyan sya tumatambay sir. Naalala ko lang, before bago ako magstart ng koche parang may naririnig ako na ingay ng pusa, sinubukan ko hanapin kasi baka nasa ilalim lang ng sasakyan. Ayoko naman kasi masagasaan. Kaya todo hanap ako, pero wala ako makita. Bigla ko naisip na baka nasa makina. Pagbukas ko ng hood, binulaga ako ng kuting na nakasiksik sa gilid ng makina! Buti nalang di ko pa nastart yung engine. Mahirap pa nun, di naman amin yung pusa. Ligaw lang ata galing kapitbahay! 😬
May kuting din dati na sumiksik sa spare tire ng innova ko. Di ko napansin at nag drive na after 30 min may narinig akong nag meow. Punta sa mall at nag park di ko makita ng sinisilip ko, pero lakas mag meow. Iniwan ko na lang inisip ko kusa aalis. After 3 hours balik sa kotse nandun pa rin lakas mag meow. Alis ng mall at nag pa car wash para matanggal ang kuting pinatanggal ko sa carwash boys ang spare para makaalis kuting kasi ayaw umalis pumunta sa may leaf spring suspension at gulong. Binugahan nila ng tubig ayun tumakbo paalis.
4 months old jazz gk, bumped a dog * 60kph, small torn on front bumper, disaligned bumper suport and busted fog light bulb...
Sa isang parallel parking, pag balik ko may mahabang guhit sa tagiliran yung wala pang plakang kotse ko. Mukhang susi ginamit.
Posted via Tsikot Mobile App