ano po yung magmanifold ng oil? baka you mean para hindi mapunta yung oil sa manifold. wala pong kinalaman yung EGR sa oil na napupunta sa manifold. yung oil po ay galing sa blow by gas na kasama galing sa crankcase. yan yung sinasalo ng oil catch can o occ na tinatawag.
yung EGR naman po, ang function ay sini-circulate niya yung ibang portion ng exhaust gas para ibalik sa combustion chamber para daw lumamig konti ang combustion temperature at maiwasan na magprodyus ng NoX na harmful sa environment. since ibinabalik ang ang ibang exhaust gas, nababawasan ang efficiency ng pagsunog ng krudo kaya resulta mausok ang makina ng montero. kapag nag blank, binabarahan lang yung linya ng pabalik na exhaust gas pero buhay pa rin yung EGR and hindi disabled else mag CEL. since hindi na-dilute yung Air/Fuel mixture ng exhaust gas kaya gumaganda ang pagsunog at nawawala ang usok.



Reply With Quote

