Thanks sir whitemonty2014, yung sportivo 2010 merun na ding reverse sensor at reverse camera, maninibago siguro sya sa manebela kasi ang sabi eh mabigat nga iliko, hindi ko lang sure kung alin mas mabigat, yung sportivo or yung Montero. One month naman akong mag babakasyon kaya siguradong mahabang praktisan ito he he he. Ano ba maximum na tire pressure sir? susubukan ko muna sa mas mababa siguro tapos pataas hanggang ok sa kanya yung manebela.
Nagbasa ako ng mga thread ng ibang brand ng sasakyan, lahat may mga issue din tulad ng Montero, sa tingin ko nasa pag iingat na lang at regular maintenance.
Nagpa blank ka na ba ng egr mo sir? may naging issue ka ba sa warranty?
Another issue pala na medyo nakaka discourage sa Mitsubishi ay yung mga horror stories tungkol sa mga service center nila. Sana hidi totoo sa amin sa Mitsubishi Calasiao Pangsinan.
