madami tumitira ngayon empy light.
hindi ko kilala sarili ko. minsan 1 bottle lang tipsy nako. ginagawa kong tonic ang beer. 1 bottle tinitake ko ng morning o lunch time. pag gabi ako uminom inaantok ako.
okay lang uminom minsan ng marami ang ayaw ko yung hangover. kaya di ako nagyayabang sa inuman.
bayaw ko tinataguan ko yan. hindi nalalasing. matatapos siya ng 3am papasok ng 4am. pag kasabay ko yan dinadaya ko na, binubuhos ko sa lupa ng simple.
matindi yung mga nakainuman kong iskwater dito samen. yuko na pikit pa pero pag tagay na nila, yung kamay parang cobra, umaangat para umabot ng baso. amazing!
ayaw ko makainuman mga adik. 24 hours gising, di nagugutom. badtrip pa kausap! paikot-ikot lang yung iisang istorya nila.....
"parekoy, alham mho yung shinakyan nating jhip sha cubao?"
after 30 minutes.....
"parekoy, naalala mho yung jhip na shinakyan natin sa cubao?"
after 5 hours.....
"naaakala niyo pah? may shinakyan tayong jhip diyan sha cubao?"
bugnot nako, sabi ko uuwi nako,
sabi nung isa, "shige sabay nako shayo, kashi may jhip diyan sha cubao na nasakyan ko...."
shet!
Ha ha ha. Hindi ka talaga mananalo sa adik na naka uppers. Wala nga kalasingan yan.
Looks like it. Wala gusto umamin.
BTW Nakakagulat pa sa depressed areas umaga pa lang gin na iniinom. Wtf. I wonder how many beers it would take para mapatumba mga ganun :bwahaha:
Sent from my GT-N7100 using Tapatalk 4 Beta
Last edited by _Cathy_; July 7th, 2013 at 08:18 PM.
When I need to drink (because I am with my boss), I'd limit myself to a bottle of beer. Most of the times,- tapon pa ang kalahati. I would ask the waiter to get the bottle, still with beer....(and order a soda)....
I think the most I was able to consume with a heavy heart was around 6 bottles,- one cold Christmas season many years ago.. It was just a 5 to 10-minute walk from our place,- but according to friends who accompanied me that night,- I was greeting everybody we met along the way "Merry Christmas",- and I gave out all of the money I have in my wallet... :hysterical:
19.9K:cheer:
2 RH mucho or 8 SML. Record ko... Believe it or not... 20 bottles ng SML. Dinare kasi nilako ubusin ang isang case. Umihi na ata ako at sumuka sa pantalon ko non e. Buti na lang at wala pang FB at Friendster noon. Saka wala din pang mga cellphone na may camera. Hehe!
Hindi pa ako nag drudrugs non. Hehe. Pero mahaba habang inuman din yun. From 5pm-2am. Saka 17 pa lang ata ako non kaya mataas pa tolerance ko.
nasubok ko rin 8 bottles sa beerhouse. yung star of the night, 2 na tingin ko. kambal.![]()
Isang Case na beer ang kaya ko...
kaya kung bilhin para wag na lang ako kulitin na uminom pa.
Noong college ako pinaka worst na ginawa ko. Uminom kami barkada ko nang Gilbeys Gin na large kami lang ang uminom na dalawa at tig dalawa na beer.
Sa sobrang kalasingan nagblood compact kami at nilagay namin yung dugo namin sa baso na may gin... yung sa kanya napasobra ang laslas dinala nang kapatid nya sa doktor... Ako naman nakatulog na lang sa may pintuan nang bahay namin sa sobrang kalasingan ginising na lang ako nang katulong namin kasi darating na daw nanay ko.
Kinabukasan tinanong ako nang nanay ko kung ano nangyari sa kamay ko at bakit daw ang laki nang sugat naglaslas ba daw ako... ang sabi ko na lang sumabit sa may gate.
kaya ayaw na ayaw ko malasing nagiging...
ako nung highschool, walong bote bago tamaan.
ngayon, kalahating bote, may sapul na.
never had this problem, I was never been a fan of any alcohol...hinde ko talaga alam kung bakit nasasarapan kayo..mapait naman yun lasa