New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 41 to 60 of 87
  1. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #41
    matagal rin ako sa abroad..payong kapatid..walang nakakaaam sa magiging desisyon mo..(kung magiging ok ang buhay mo dito or not)

    share ko lang ito...halos lahat ng barkada ko sa abroad..wala nangyayari sa buhay nila dun..nabubuhay sila sa monthly salary nila..pagnagkasakit..medyo gipit na sila sa pera sa susunod na buwan..(dahil sa absent).alam ito ng mga kababayan natin sa abroad..

    pero, may isa akong barkada na di tumagal sa abroad at umuwi dito...dito sya umasenso..(kabibili lang niya ng sariling bahay worth 15M cash! sinabayan pa ng BMW) 35 yrs old pa lang siya..

    sino bang mag-akala na aasenso sya dito? nung panahon na nag-decide siyang uuwi..pinipigilan namin..

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #42
    Mahirap ngayon ang buhay dito sa Pilipinas. Yung mga umuwi at dito sa Pinas nagtagumpay eh swertihan din. Pero most likely konti lang yung statistics na yun. Mas marami ang medyo nagdusa.

    Wala ng gaanong magandang viable business dito sa Pinas ngayon. Tulad nung sinabi nung iba sa thread na ito, halos lahat na ng business dito eh napasukan na. Kahit mga beauty parlor dito eh nagsasara na. Yung computer rental na malapit sa bahay namin, nagipit na kaya tinanggal na yung aircon, ayun nagpapaypay na yung mga bata na naglalaro ng Counter Strike sa loob. Kahit yung mga PYRAMID SCAM nagsawa na rin ang mga tao.

    Sakin lang, mag-stay ka na lang jan sa Amerika. Imposibleng hindi ka makahanap ng trabaho kung masibak ka man ngayon. Dito sa Pinas, wala ka ng trabaho, sinisibak ka pa ng gubyerno sa VAT.

    Kung dito ka naman magre-retire sa Pinas, walang masyadong home-for-the-aged dito eh. Kaya make sure na marami kang kamag-anak na pwedeng mag-alaga sayo kung sakaling hindi mo na kayang magpa-golf-golf sa tabi-tabi.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #43
    Kuroy, Pare ko diyan ka muna sa Tate. Hintayin mo munang magkaroon ng political stability ang Pilipinas. Ako rin, nasa abroad ngayon (Singapore), pero wala pa ring balak tumigil, kasi malakas pa rin yung hatak ng $. Sa ngayon magulo pa Pinas. Hintayin mo munang maayos yung "Hello Garci" ni GMA.

    Malay mo, pag balik mo, P100.00/USD na palitan. Yun nga lang, baka ang gasolina eh, P80/liter na! Weekly ba naman eh, tumataas ito. Pero masaya sa Pinas ngayon, dahil sa recording artist na Presidente natin. Mabili at "double platinum" na yung bagong CD niya!

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    51
    #44
    medyo tagilid ka pa kuroy sa 8M para sa full peace of mind (financial security ninyo) kasi ang 5M time deposit diretso monthly interest sa ATM mga 20k php plus lang.take into consideration basic needs and the education of your kids.ang political atmosphere pa natin, kaya ba ng dibdib mo maglagay ng 5M time deposit sa pinas?what if it went kaboom! i mean na bankcrupt banko at nag kudeta.Brotherly advice kuroy, america na muna.

  5. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #45
    Quote Originally Posted by kuroy
    let's say kung may 8M(wala po akong ganitong pira hyputitikal lang) ka ba - ay kaya nang mabuhay sa pinas with 2 kids and stuff? i mean living a life na hindi naman magarbo? wala naman akong problem sa bahay at lupa and sasakyan kasi mayroon na kami sa pinas.
    sir kung given na na may tsikot at bahay at lupa ka na, tapos may 8M ka pa to play with. sigurado aasenso ka d2. kasi la ka na hinuhulugan.

    yun naman mga gamit pambahay puwede na hulugan.

    if you have 8M, lagyan mo ng tig-500k ang BPI, Metrobank, Citibank and last but not least BDO. sigurado gold credit ka kagad sa kanila. your investment 200k. pero guaranteed makakabili ka na ng home & kitchen appliances sa hulugan, mga furnitures sa bedroom, living room etc at zero interest.

    I said BDO kasi sobrang okey ito pag-lagi ka shopping sa SM dept. store. may credit points ka na, my card points ka ma sa SM Card.

    so may 7.8M ka pa. what else invest in small franchises worth 200k to 800k. say kissballs sa mataong lugar, ink refilling, or waffle time. liit kita pero sigurado may cashflow. you can use this to pay for your credit card hulugans. Use a corporation to own these small franchises. Then declare it sa bank mo, sigurado bait bank manager mo dun. magkaroon ka lalo ng credit. mga 2M sa franchises allot mo.

    so 7.8M - 2M, 5.8M pa din! deposit a trust fund for your family sa 1 to 2M. hatiin mo sa educational plans & pre-need & life etc.

    may 3.8M ka pa din.laki pa din sir hehehe. I can think of a lot of businesses to venture into if I have 3.8M to play with. Pero syempre, secret ko na yun hehehe.

  6. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    51
    #46
    mmmm...pwede. 25 years ako sa america. 20 years sa military/5 years civilian(federal job).sana kunin na ng america ang pinas para maiayos kahit papaano since sila rin naman ang TOTOONG nag mamaniubra ng lahat dito.

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #47
    ay mali, 500k x 4 = 2M. nga pala pero at least bank dep pa din yun. you can still withdraw the money after acquiring the credit cards hehehe

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    75
    #48
    kung ako ang tatanungin mo sir masarap pa ring manirahan dito sa pinas lalo na kung may pera ka ng ipon hawakan mo lang ng ayos ang pera mo at wag puro gastos ay ok na.sir seaman ako, bartender sa isang cruise line labas pasok din ako sa US kita ko rin ang buhay dyan.sa akin lang masarap pa rin sa pinas eto nga ako ngayon excited na naman sa pag uwi ko next month

  9. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #49
    If you're coming back to work, better stay and work there. Una, malaki ang sasahurin mo dyan. Dito marami ang wala pang trabaho. But, if you're coming back to put up a business here, I would welcome you.

  10. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    556
    #50
    Quote Originally Posted by hens
    dude, iba ang sitwasyon ng ate mo kay kuroy...naguumpisa palang ate mo..may ipon na si kuroy..i'm sure kung nakaipon na rin ate mo..uuwi rin siya dito..;)

    I know hens, but with a 2m savings, parang mahirap ata magrelax. I mean, he HAS to work here... and for the same efforts, he'll get a small fraction of what he is getting there..... (cost of living differences is overshadowed by buying power).

    Kung di lang talaga malulungkot wife ko..... hehe. btw, hens, konti lang ba
    relatives mo dyan? So far my relatives have prospered and are happy naman.

    anyways, I will stop whinning about going to the states na.... my wife is determined to stay here and we may buy a property that will suck in all my future earnings. (Goodbye Evo. Then I will start sour graping and say life sucks in the states anyway. hehe.

  11. Join Date
    Jun 2003
    Posts
    1,961
    #51
    Hangga't kaya mo magipon, dyan ka muna sa US. I know how difficult and lonely it could be there, and I empathize with the others. We tried to migrate there when I was a kid in the 80's, it was very difficult and we failed. And now I'm working/employed with a multicultural american company, I have some business trips there and it still gets very lonely at times. You're blessed to be with your family in US. Tyaga lang yan, think of your kids and their future.

    But then again, most of my relatives from the US who came back here for a vacation they seem so old and drained... I think partly because they only live to work in the US, sometimes they have 2-3 jobs.

    Madami business opportunities dito sa pinas, pero most I know who have been to the us are retirees who have setup their own private "Money Lending Firms" here if you know what I mean. Some go to the extent of setting up their own Jueteng Firm in the provinces. One I know, built his own hospital in my hometown. Well, doctor kase sila mag-asawa sa US kaya malaki ipon/puhunan nila

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,286
    #52
    Quote Originally Posted by hens
    matagal rin ako sa abroad..payong kapatid..walang nakakaaam sa magiging desisyon mo..(kung magiging ok ang buhay mo dito or not)

    share ko lang ito...halos lahat ng barkada ko sa abroad..wala nangyayari sa buhay nila dun..nabubuhay sila sa monthly salary nila..pagnagkasakit..medyo gipit na sila sa pera sa susunod na buwan..(dahil sa absent).alam ito ng mga kababayan natin sa abroad..

    pero, may isa akong barkada na di tumagal sa abroad at umuwi dito...dito sya umasenso..(kabibili lang niya ng sariling bahay worth 15M cash! sinabayan pa ng BMW) 35 yrs old pa lang siya..

    sino bang mag-akala na aasenso sya dito? nung panahon na nag-decide siyang uuwi..pinipigilan namin..

    HUSSSS....ikaw yata yang nasa kwento mo boss hens......hehehe

    Yang si Don Hens ang idol ko....hehehehe kaya panay ang ipon ko rin para pag-uwi ko dyan eh bisnes na lang tapos makikitambay ako don kina boss hens para ma-admire yung brabus merc nya....herherherherherher

    hindi mo masasabi kung ano ang swerte o malas mo sa buhay....ako for instance eh nagtayo na ng negosyo dyan sa atin at kumikita na kahit papano...me bahay at lupa na rin ako at sasakyan....and planning to go back as soon as possible but calamity struck at our town w/c left me nothing but my family.....nagunaw bisnes ko halos pati yung bahay namin in one night of disaster.....ngayon back to square one ako as if nag-uumpisa ulit mag-abroad to earn and save something...... but I just shrug it off...part of life yan....I cant prevent it anyhow and beyond my hands grasp ika nga....

    Mag-ipon ka pa kabayan...and at the same time magplano at maki-amoy ka kung ano ang magandang bisnes sa pinas or if you have a means to start something there while you were away, gawin mo para once na maisipan mong umuwi eh me nangyayari na and at the same time meron ka pang kinikita dyan sa abroad para pangtustos sa bisnes mo dahil di kaagad kikita yan ovenite, it takes months bago ka man lang magkaron ng disenteng balance sheet....but of course kelangan mo ng mapapagkatiwalaan na tao....

    I also agree don sa huling sinabi ni Don Hens na meron ding mga di nag-abroad na well off ang pamumuhay dyan sa pinas, but mabibilang mo lang yon, and most of them have something already when they really started their life (I mean nung magsarili sila outside of their parents help)... but for most of us common people, life is different, we have to work hard to make somehing going for us and then if we are wise enough on our money, we can enjoy our life like most of the wealthy tsikoteers in here....

    teka haba na nito....tsaka na ulet....hehehehee

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #53
    2M?? 8M?? bitin pa yun??..grabe ganun na pala ang pangangailangan ng tao sa pinas.. sa 1M nga masaya na ako basta may sariling bahay at sasakyan..

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #54
    anyways, I will stop whinning about going to the states na.... my wife is determined to stay here and we may buy a property that will suck in all my future earnings. (Goodbye Evo. Then I will start sour graping and say life sucks in the states anyway. hehe.
    langya, EVO lang pala ang dahilan ng pagpunta, hahaha.

    but mabibilang mo lang yon, and most of them have something already when they really started their life (I mean nung magsarili sila outside of their parents help)... but for most of us common people, life is different, we have to work hard to make somehing going for us
    I agree. Nothing was handed down to me, I had to work hard for it.

    pagnagkasakit..medyo gipit na sila sa pera sa susunod na buwan..(dahil sa absent).alam ito ng mga kababayan natin sa abroad..
    ninong hens, kelan pa ito? Matagal na yata ito dahil paid ang sick days dito. Meron na ding tinatawag na long term disability. Or baka naman sa mga H1B Visa ang walang paid sick days?! Immigrants/US Citizens have full benefits or baka depende din sa company?!

    Pero if I had a choice at kung mayaman ako, sa Pinas na lang ako...one day...someday...hehee

    And to ensure stability and not work as hard sa US, make sure na may property ka.

  15. #55
    Si Sir Hens ata sa Hongkong nagtrabaho dati tama ba?

  16. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    748
    #56
    Quote Originally Posted by hens
    Tumpak!!

    btw, kuroy..kasama mo ba pamilya mo dyan?
    yup...noong unang nagmigrate kami sa US ay magkakasabay kami ng wife and anak ko. iyon pa isang problema ko kasi ang mga anak ko ay ndi marunong magtagalog...parang mahirap sa school pagbalik.

    pero nakakaintindi naman ng tagalog pag kinausap, kasi sa bahay tagalog ang wika namin.

  17. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    748
    #57
    Quote Originally Posted by warbird
    medyo tagilid ka pa kuroy sa 8M para sa full peace of mind (financial security ninyo) kasi ang 5M time deposit diretso monthly interest sa ATM mga 20k php plus lang.take into consideration basic needs and the education of your kids.ang political atmosphere pa natin, kaya ba ng dibdib mo maglagay ng 5M time deposit sa pinas?what if it went kaboom! i mean na bankcrupt banko at nag kudeta.Brotherly advice kuroy, america na muna.
    salamat ser..parang tinging ko nga ay hindi pa good to go ang 8m or so...dati kasi maliit lang target ko...the more i think about it parang ndi talaga kaya pa

  18. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    748
    #58
    well salamat ulit sa mga inputs ninyo...i think i will stay put in abroad for now para mag ipon pa and then ngayon pa lang ay magta try ako magsimula ng bisnis sa pinas.
    noong huli kami umuwi kinausap ko iyong bilas ko para magstart ng realty bisnis.

    it feels good to hear opinions talaga. kasi may mga angles akong ndi nakikita ng sariling pananaw lamang. in a way God spoke to me through you all. tnx guys!

  19. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,058
    #59
    very interesting responses!!! ma-iprint nga ito...might take some of your advises, kse i'm planning to ga back w/in 2 yrs (or less).

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #60
    ayan si silverbx, malapit lapit na din yan umuwi ng pinas. Kita na lang tayo dun sa offroading! :jump:

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Is it worthwhile bumalik sa Pinas?