Mahirap ngayon ang buhay dito sa Pilipinas. Yung mga umuwi at dito sa Pinas nagtagumpay eh swertihan din. Pero most likely konti lang yung statistics na yun. Mas marami ang medyo nagdusa.

Wala ng gaanong magandang viable business dito sa Pinas ngayon. Tulad nung sinabi nung iba sa thread na ito, halos lahat na ng business dito eh napasukan na. Kahit mga beauty parlor dito eh nagsasara na. Yung computer rental na malapit sa bahay namin, nagipit na kaya tinanggal na yung aircon, ayun nagpapaypay na yung mga bata na naglalaro ng Counter Strike sa loob. Kahit yung mga PYRAMID SCAM nagsawa na rin ang mga tao.

Sakin lang, mag-stay ka na lang jan sa Amerika. Imposibleng hindi ka makahanap ng trabaho kung masibak ka man ngayon. Dito sa Pinas, wala ka ng trabaho, sinisibak ka pa ng gubyerno sa VAT.

Kung dito ka naman magre-retire sa Pinas, walang masyadong home-for-the-aged dito eh. Kaya make sure na marami kang kamag-anak na pwedeng mag-alaga sayo kung sakaling hindi mo na kayang magpa-golf-golf sa tabi-tabi.