I thought never ako maka experience ng worst flight. Actually gusto ko din i-post sa badtrip thread.

Prior to our trip yung gf ni utol na FA ng PAL inayos na seats namin, so papunta BKK no worries maganda yun seats and malaki na plane forgot the model nga lang.

Going back to manila kanina, sa check-in hindi ko napansin naiba seats namin, we got seated 2nd to the last row. Tapos delayed ng 1 hour yung flight. Not surprising so okay lang and since maganda airport ng BKK enjoy naman kami ni esmi magpatay ng oras kain and shopping.

Then we boarded na, its a smaller plane than we ride going to BKk 6 seats per row lang siya.
People came in, plane is jampacked as in no seats ang bakante. Im hoping na wala ako makatabi so i can stretch and have more space. Kamalasan bunch of unruly OFWs (base sa kwentuhan mga seaman sila) mga nakasabay namin, ang ingay nila! Parang may party and parang 1st time nakasakay ng plane. Siguro hindi maiwasan since big group sila sumakay and to add-up pauwi na sila ng pinas kaya todo ang saya at excitement.

(No offense meant, dinescribe ko lang the way sila nung asa plane)

Kinukulit mga FA, nag sisigawan sila while talking to each other. Yung katabi ko wala ata pakelam sa katabi sinakop na nga yung armrest (im sitting sa middle) lampas pa yung siko niya kaya nakadikit sakin. Hindi pa nasiyahan panay kuyakoy as in nanginginig buong row. Nung una pinapalampas ko, im just staring at the guy tapos titigil siya pero tuloy pa din mannerism ata niya, i can't stand it anymore so i asked him nicely na sir baka ho pwede wag tayo magkuyakoy nakakahilo ho kasi nanginginig mga upuan natin. Nakakalimot pa din at kuyakoy pa din animal talaga.

Yes i sounded like a diva and i should bought a business class ticket.

My point is maging considerate naman to others, i know mahirap hanapin yung ugali natin sa kapwa natin.

I just want to vent it out.

Di pa natapos dun dahil asa last row kami, balagong kami sa pila sa immigration ang habaaa ng pila haaaaaay!

Thank god nakauwi na kami ng bahay.






Sent from my iPhone using Tapatalk - now Free