Sa area namin sa Taytay, isa kami sa huling nagka kuryente.. Thu past 11PM wala na kami kuryente, nagising ako gawa nung work laptop ko tumunog na dahil batt empty na naiwan ko na sindi.. Kanina lang kami nagkakuryente ng Fri 12:30 AM.. More than 24 hours brownout.. May sumabog daw na transformer around sa area..
Nung Ondoy, hindi naman kami pinasok ng baha sa bahay pero catch basin yung Subdivision namin ng baha.. More than 1 month ata na baha ang kalsada nun hanggang mag lumot ng ang tubig..
Salamat naman na yung pag taas ng kalsada sa subdivision (4 layers ng hallow blocks ang itinaas) wala na bakas ng baha dito.. Natapos ang project at sakto sa mala Ondoy 2 na baha..
Sa mga friends ko na taga Cainta area lalo na yung malapit sa Junction.. Pinasok ang buong first floor nung Ondoy pero ngayon hindi na din pinasok ng baha.. Sa Karangalan Cainta at Vista Verde, yung Ondoy haggang bewang ang pasok ng baha sa bahay pero ngayon isang dangkal lang ang baha na pumasok..
Ano ang ginawa ng Taytay at Cainta after ng Ondoy.. Yung drainage system po ng main roads inayos nila.. Kung matatandaan nyo merong news before na katakot-takot na traffic ang nangyayari na affected pati mga Angono, Binangonan Tanay atbp. na lumuluwas papasok ng work na kailangan dumaan sa Taytay, Cainta area.. Gawa po ng road constructions po..
Masasabi ko na malaking tulong yung lalo na sa areas around Junction..
Ang difference nung sa Marikina, baka catch basin talaga ang lugar nila.. Baka gawa nung improvement sa drainage system sa surrounding area sa kanila ang flow ng tubig..
Yung mga friends ko naman na nandun pa din nanatili sa flood prone area.. Expected na nila mangyayari nag akyat na ng gamit in advance at pumunta na or nakitulog sa safe na area..
Dito ko lang nalaman sa Tsikot na mala Ondoy 2 ang dalang ulan ni Ulysses.. Baka nga yun ang kulang na keyword sa news baka kaya naging kampante ang mga nada Marikina..
Kinamusta ko mga friends ko na nabiktima ng Ondoy at natuwa ako na handa naman ang lahat.. Unlike nung Ondoy lahat talaga kami na surprise nun, kasi magkikita-kita pa kami nun para icelebrate birthday ng best friend ko na taga Marikina.. nagcha chat pa kami nun sa mga dadalhin ko for games.. Rain or shine tuloy.. Then bigla na lang bumuhos ulan ng saglit ang bilis ng baha nun.. Binalikan ko sa chat bestfriend ko di na nag reply ayun pala pinasok na sila ng baha.. Ganun lang kabilis..
Kapag taga-Marikina lalo na yung taga Provident Village.. Kung gusto pa din nila mag stay sa area.. Dapat expected na nila na every year babahain sila..


