Well nag long drive kami last weekend and I should say na impress talaga ako sa Vancouver, B.C.

Ang ganda ng lugar and maunlad. Isa pa maraming mga asyano everywhere lalo na chinese. Siguro hindi masyado ang discrimination dito kasi maraming nakandidato na mga chinese and indians nakapaskil sa labas.

Ganda ng city very scenic talaga and grabe ang dami ng mabibili. Nagpunta din kami sa mga kanugnog na mga city gaya ng Richmond, etc and maayos din naman.

Kaya lang masisikip ang kalye and grabe rin ang trapik parang edsa. Ubod lang ng dami ng nagyoyosi kabi kabila lalo na sa mga park. Siguro ay dahil malamig.

Overall kaya pala marami akong naririnig na nagsasasabi na maganda ang Vancouver, B.C. totoo pala.

Well kung may gustong mag migrate sa Canada, Vancouver is a very very nice place in my opinion. Isa pa ubod dami ng pinoy akong nakita...hehehe parang San Francisco ang style hindi masyadong mahohomesick!