Quote Originally Posted by Galactus
First real job ko, 1994, 4,200 basic salary plus 700 transpo allowance. Which was the norm at the time, kasi PS Bank was offering me 4k/month (Trust Banking Dept).

But prior to that, I was attending a 2-week training sa isang money market firm, prior to becoming a Sales Rep. Parang Wall Street ang dating, kala ko ala-Gordon Gekko, in Armani suits kami. Navi-visualize ko na nga sarili ko nun sa trading floor: "Buy!" "Sell!"

Tapos, during our last training day, sinabi nung Manager namin: "Go find high net worth individuals (rich!) who are willing to invest a minimumof 100k, which can be lost in a few seconds!" Kasi nga forex trading.

Before 5pm that day itself, I filed my resignation.
Nauna ako ng isang taon sa iyo (1993). Good thing may mga ready clients na ako noon na mga high stake players na Chinese na wala yatang pakialam sa salitang "Loss". 12,000 ang allowance ko noon na talaga namang di ko napapansin dahil ang laki ng natatanggap kong commission na one time umabot ng 800+k sa isang buwan lang. Mind you, cash na ibibigay sa akin yon noon, na talaga namang nakakapanginig ng laman sa kapal. Dahil labas pasok lang ako araw-araw sa forex market walang pakiaalam kung matalo o manalo ang players dahil wala rin naman silang pakialam kung matalo sila. Then after almost a year, I suddenly quit, I'm tired of that kind of work, at walang patutunguhan ang buhay ko. My stint of 11 months yielded more than 7M, pero wala akong naipon o naipundar ni singkong duling o kahit isang bulok na kotse. Nagbenta na lang po ako ng pager, cellfone at cable subscription after that, at naging masaya ang buhay ko sa konting kita. Right now, I'm working in a foreign based company as their Philippine representative. Okay naman ang pasweldo, at may libreng travel kahit saan sa mundo at me libreng condo at kotse. Hindi kasing laki ng kinikita ko noong una akong nagtrabaho pero super saya naman. At di kinakabog ang dibdib tulad ng dati