Emergency meeting sa Department namin, organizational restructuring daw. pinaganda lang pakinggan ang terminology na lay-offs, hahaha.

Isa sa Department namin ang sinabihan earlier that day na babakantihin na daw ang position nya. Ang option nya ay lumipat ng ibang department, Field Analyst. Pumayag sya kse it could have been worst. Namuntikan na ko dahil ako pala ang ipapalit sa position nya, buti hindi sinabi ng manager ko na ako na lang ang ilagay sa field! Kung i-dissolve nila ang position ng co-worker ko, how come ako ang papalit? Kaya lalong sumama ang loob ng co-worker ko kse akala nya nga totally dissolved ang position nya. I feel bad for him, pero pasalamat ako at mag-stay ako sa department namin. To think na 8 years na sya sa at 4 years pa lang ako, buti masigasig ako sa trabaho, woo hooooo. Sabi ko naman sa Manager ko noon pa, kung magkaron ng lay-offs, pakilipat na lang ako ng ibang state, hehehe. At least I have that option.

It turns out na ang posisyon (Test Technician) ko pala ang babakantihin nang totally. PC repair b!tch ang labas ko or hybrid ng Test Tech and PC Repair, back-up sa Linux engineer, some PC integration din. Maybe yun ang dahilan kung kaya ako ang mag-stay dahil versatile ako. Shet, 2 classes na lang tapos na ko sa BS, then Masters. Wag nyo muna ako lay-off, pagkatapos na lang ng Masters ko, nyahahahahhaa.

Puti yung na-alis sa department namin, at puti din ang manager, ma-swerte pa din ako, salamat po diyos ko.

Napaka-unpredictable ng trabaho, gulat na gulat talaga kami sa changes. Akala ko nasa minimum work force na kami sa department, apparently not.

muntik na 'ko!