yung taxi driver.....naihi.

andun kami sa stop light northbound (umaga), along edsa near the people power monument.
driver: "sir, marunong ka magdrive?" (yung puwet nya umaangat na sa driver's seat.)
ako: "oo....bakit?"
driver: "sir, di ko na matiis. ihing-ihi na ako. pag nag-go, itabi mo na lang yung taxi ko sa gilid"
ako: "hoy....sa'n ka pupunta?"
driver: "saglit lang sir!" (sabay takbo sa pader.)
then nag-green light.
puro busina inabot namin. ako na nagtabi ng taxi nya.
pagbalik nya......"salamat sir! di ko na matiis eh."
