If only for the convenience of having your own ride, ang saya din talaga mag-public transport. Especially sa jeep pag tag-ulan at matrapik. Sari-saring eksena makikita mo.
Yung experience na di ko makalimutan eh nung college pa ako sa uste. Nasa dulong upuan ako ng Marikina Transit (or was it Marikina Valley, or even DMTC yata. Hehe) katabi ko Paulinian. So napakainit kaya pawisang-pawisan na kami, wala naman akong hanky. So si girl paypay na, at hindi lang ako nasasamyuhan ng hangin, talagang me turn na pinapaypayan na rin ako talaga. Ayun, torpedo kasi kaya hanggang nakababa walang nangyari. Huhu.