Mga kasama, mga Kapanalig, ang ating Senador Jinggoy Ejercito Estrada po ay nasa ating bansa na at pagkadating niya noong linggo, Nobyembre 17, siya ay tumungo agad sa Ormoc City para mamahagi ng mga tulong sa kababayan nating biktima ng super bagyong yolanda.
Lingid sa kaalaman ng marami, (dahil nga hindi mahilig sa publisidad itong
Anak ng Masa) kahit po nasa Amerika si Senador Jinggoy Estrada, siya po ay nagpadala na ng mga tulong sa Tacloban at iba pang lugar sa Visayas na sinalanta ng bagyo. Nandoon ng ilang araw ang mga staff niya sa senado.
At noong linggo nga, sa halip na magpahinga agad, siya po tumungo sa Ormoc, 4:30am dumating at 8:30am nagpunta na sya sa Ormoc City.
Sabi nga ni Senador Jinggoy, paano sya makakapagpahinga ng maayos kung ang mga kababayan natin sa Visayas ay wala nga makain, kaya minabuti niyang personal na tumungo at mamahagi ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan doon. Tsaka inalam niya ang mga dapat pang ibigay na tulong sa kanila.
Ganyan po ka-sensiro si Senador Jinggoy sa paglilingkod sa masang pilipino.
Walang makakatinag sa pagmamahal ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada sa mahihirap, sabi nga sa kasabihan, hindi kayang pabagsakin ang taong may malinis na hangarin!
Ipagpatuloy po natin ang pagdarasal sa mga biktima ng bagyo at wag po tayong magsawa na sila ay tulungan!
Mabuhay ang Masang Pilipino!
God bless Philippines!