Honestly at first akala ko masyado overrated si yolanda. Remember before masyado putok sa balita ang bagyo, suspend advance ang klase tapos bigla ang ganda ng panahon.
Im in cebu last week, dapat saturday (november 9) pa balik ko. Got scared kasi panic mode na mga taga cebu. Im buying pasalubong sa grocery langya andami tao akala mo end of the world ba kinabukasan.
Pagbalik ng hotel rebook agad ako, took the last flight ng thursday night.
Then boom the morning after pagbukas ng tv si atom araullo binabayo na ng bagyo. Yung mga kasama ko monday na nakabalik ng manila nahirapan na kumuha ng rebooking.
Sa daming trahedya na dumaan sa bansa natin akala ko hindi ako maapektuhan pero iba ngayon. Manood ka ng balita nakaka depress affected ka talaga. Dati balita pampaantok ko langya ngayon lalo ako hindi makatulog.
I've been to tacloban due to work, i remember the places and met many colleagues and made friends na din. Seeing it devastated sa tv ang saklap talaga.
Instead na mag donate sa mga NGOs / media network / charitable groups. Nag donate muna ako money and old clothes for our officemates sa tacloban. Our office is looking for volunteers na papapuntahin dun sadly im not up for that. They also cancelled the corporate christmas party all funds will be donated.
I don't know kung sablay ba ang gobyerno natin or hindi. Overwhelming ang support at aid ng ibang bansa. Ang alam ko ang laki ng problema hindi yan maaayos ng sabay sabay.