meron akong kaibigan na head ng isang government agency dito. nag ask sa akin ng favor kung pwede ko daw ipasok ng trabaho sa company namin ang anak ng isang kaibigan nya. ang problema, walang vacancy sa company. hindi ko naman pwedeng ipilit na ipasok yung tao dahil wala naman syang gagawin. e first time humingi sa akin ng favor yung head. so nahihiya akong i-turn down yung request nya.

what i did, i treated the head to lunch (first time ko din gawin ito), nagkwentuhan muna, then i brought out yung request nya. ang sabi ko, wala talagang bakante sa amin and meron pa kaming na-terminate na ilan workers. baka magalit lang yung mga kapatid or kamag anak ng mga na terminate na workers kung magpasok pa ako ng bago, at baka paginitan pa sya.

sinabi ko rin na hiyang hiya talaga ako sa pagturn down ng request nya tapos first time pa nyang humingi ng favor. sinabi naman nya na naiintindihan nya ako, a request is just a request and its not always na a request will be granted.

tama ba yung ginawa ko? hindi kaya sya nagalit or nagkaroon ng sama ng loob sa akin?