New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 30
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #1
    meron akong kaibigan na head ng isang government agency dito. nag ask sa akin ng favor kung pwede ko daw ipasok ng trabaho sa company namin ang anak ng isang kaibigan nya. ang problema, walang vacancy sa company. hindi ko naman pwedeng ipilit na ipasok yung tao dahil wala naman syang gagawin. e first time humingi sa akin ng favor yung head. so nahihiya akong i-turn down yung request nya.

    what i did, i treated the head to lunch (first time ko din gawin ito), nagkwentuhan muna, then i brought out yung request nya. ang sabi ko, wala talagang bakante sa amin and meron pa kaming na-terminate na ilan workers. baka magalit lang yung mga kapatid or kamag anak ng mga na terminate na workers kung magpasok pa ako ng bago, at baka paginitan pa sya.

    sinabi ko rin na hiyang hiya talaga ako sa pagturn down ng request nya tapos first time pa nyang humingi ng favor. sinabi naman nya na naiintindihan nya ako, a request is just a request and its not always na a request will be granted.

    tama ba yung ginawa ko? hindi kaya sya nagalit or nagkaroon ng sama ng loob sa akin?
    Signature

  2. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #2
    tama naman. pero di mo malalaman kung magtago ng sama ng loob sayo. malaman mo yan in the future.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #3
    tama. bait mo nga e may pa-diner-diner ka pa. kung ako yun diretsahan agad. "sorry pare no vacancy, next time na lang pag gumanda na negosyo. pwera na lang kung ikaw magpapasweldo ok lang sa akin", with matching smile syempre ehehehehe. aba, hindi biro yung request nya sa iyo. papa-swelduhan mo yung tao every month for how long, 30 years? multiply mo yun kahit minimum wage lang...

  4. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,467
    #4
    kuya kagalang-galang ka sa ginawa mo...hindi naman mali ang ginawa mo at talagang di kaya ng powers mo request nya...dont feel guilty or somehow isipin mo na sasama loob nya...anyway, kung kaya mo naman gawin request nya, gagawin mo naman dba?

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #5
    hirap kasing tanggihan minsan mga government official natin, parang lumalabas na wala kang pakisama kung hindi mo pagbibigyan. pero sana nga hindi nagalit.
    Signature

  6. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #6
    tulad ng recent request ng BIR official dto sa kapatid ko, hiramin daw yung binebenta naming multimedia projector worth 90k. give n take lang daw sabi ng kapatid ko haha

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #7
    i think you handled it very well. kudos.

    kung nagtanim ng sama ng loob yan at hindi niya naintindihan ang kalagyan mo, maybe he doesn't deserve your friendship. ;)

    he already put you in a tough spot by basically asking you to put your good reputation at work on the line to recommend (no, force) employment for someone you don't even know. pano kung walang kwenta o magnanakaw pala yung pinasok mo? pangalan mo yung sira dun...

  8. Join Date
    Jun 2003
    Posts
    1,122
    #8
    i think you handled the situation quite well...

    another option but not so practical is giving the said applicant some cash allowance to provide him/her some allotment while looking for a job lets say 1 months pay (but for sure ibubulsa na ng govt official yun heheh)

    ang isang natutunan ko ay "ayus lang tumanggi pero wag lang mapapahiya yung lumapit" especially sa mga nasa government.

    dami nang situation na ganun na nangyari sa akin like sa firefighters dito sa municipality namin ang hirap before kumuha ng fire safety certificate kesyo you need to have a number of fire extinguishers then bago ang tag etc etc in short hahanapan ka nila ng butas; what i did i went to the firestation personally befriended the chief, cost me less than 1k (brought some canned goods few calendars and the regular giveaway shirts) pag abot ko sabay sabi yan ha magkaibigan na tayo! pag may kailangan ako itatawag ko sayo ha hehehe e di ayus smooth sailing na my certificate is delivered to me annualy no inspections of whatsoever

    ive done the same with the local municipal police here so isang tawag ko lang sometimes text nandito na kaagad sila if ever i need assistance specially pag may accidents ang delivery trucks ko...
    ang kapalit? may times na medyo malaki ang hinihingi but none that i remembered exceeded 5k sometimes pupunta rin chief nila dito telling me bday daw or some occasion ng family or friend nya etc etc. i just give him a bottle of fundador or whatever cheap wine i have yun lang happy na sya
    then mga bataan na police nya papasyal minsan dito sa shop hihingi kesyo wala daw pang allowance anak nya pag minsanan lang 500-1000php depende sa drama nya pag madalas na ill tell him mahina e pasensya na eto pang meryenda 50 or 100 lang
    pinaka important ang pasko dapat mag rasyon ka sa police firestation birs etc ng mga giveaways ng company nyo
    its that simple ang importante ay dont let them leave empty handed hindi na sasama ang loob nun...
    and its quite a small investment to pay for your convenience and security sobrang bilis talaga nila rumesponde pag nadinig boses ko sa fone :D i can even get my police clearance non appearance hehe, sobrang asikaso din nila when i need them give and take sabi nga nila. tsaka iba ang pinoy when it comes to the two words "pakikisama" and "utang na loob"

    i know may part dito na mali pero wala kang magagawa e we are in the philippines :P
    its either makisama ka at maging hindi katalo or paginitan ka

    peace
    Last edited by Sheep; November 25th, 2005 at 11:41 PM.

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,152
    #9
    boybi ok na yun ginawa mo, big favor na din yun ginawa mo and treat them, e yun naman ang totoo na alang kayong vacancy, well siguro kung kakilala mo talaga yun ipapasok mo sa trabaho, you could recommend him sa iba mong kaibigan na nangangalaingan ng tao.

    pasok ako sa inyo boybi tapos decline me din tapos treat me sa dinner, hehehe

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #10
    cutedoc, sige treat kita sa dinner, basta libre for life na ang pagpadentist ko sayo ;)
    Signature

Page 1 of 3 123 LastLast
turning down a request