Results 31 to 40 of 106
-
August 17th, 2006 09:32 AM #31
dagdag ko rin sa OFW advice section;
a. courage and heart - if you plan to be an OFW, make sure you have plenty of them. if you don't have now, nurture them. sabi nga nila, maraming naloloko pag nawalay sa pamilya. maganda na ngayon meron ng libreng tawag thru internet, dati approx 100 SR/5 mins (circa 80).
b. credibility - you have to preserve this for longetivity.
c. do your best - even a smallest thing of your work, get it done correctly and efficiently. people around you (especially you superior) will notice when contract extension comes... hehehe
d. flexibility - will be able to adapt in any circumstance, be it in your work environment, time and people around you.
e. don't step on others while "climbing the ladder" or else they will pull you down.
f. others - refer to previous posts.
-
August 17th, 2006 11:43 AM #32
as for myself, nung single pa ako wala akong planong mag-work sa abroad. alam ko kasi may pag-asa pa dito sa Pilipinas. patriotic kasi ako, pero ngayon i'm planning to work abroad na rin for my family's future.
nag-practice na nga kami ni misis na medyo malayo kami sa isa't-isa. my wife & kid nasa ilo-ilo, ako nandito sa manila. di naman ako nahirapan kasi binata pa lang marunong na akong maglaba at magluto. iniisip ko lang lagi kailangan naming gawin yung para sa future ng family namin at para na rin sa future ng baby. madami kasi kaming pangarap para sa kanya. nag-try na rin ako mag-tipid.
plans ko pag nandun na ako, kailangan mag set-up ng business si misis. basta yung gustong nyang gawin. para naman meron din syang mapagka-abalahan.
i bought a book na din entitled FINDING WORK ABROAD: a step-by-step guide worth 200 petot. di ko pa sya nababasa ng buo kaya di ko ma-recommend pa.
sir yebo, accounting grad ako praciticing in IT. baka meron available para sa akin dyan.
-
August 17th, 2006 12:02 PM #33
-
August 17th, 2006 12:37 PM #34
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jan 2003
- Posts
- 2,979
August 17th, 2006 12:54 PM #35an advice from a chinese businessman who is the father of a good friend----
"kung kumikita ka na ng maayos sa bansa mo eh wag ka na umalis kasi mahirap ang wala sa sarili mong bansa.
just like what the other poster said here, kung ok ka naman dito at kaya mo mamuhay ng maganda eh bakit ka pa mag-aabroad. I dont have anything against looking for greener pastures and dapat hindi umiral ang inggitan dito na porket si ganito eh malaki ang kinikita eh ganun na rin. hindi lahat ng nag-aabroad ay sinuswerte at hindi rin sukatan ng tagumpay ang pera...
-
August 17th, 2006 01:52 PM #36
-
August 17th, 2006 03:17 PM #37
^ Kaya monthly expenses lang dapat ang ireremit sa Pilipinas (unless your family does any form of business here and needs more money regularly) and save on your own. That's what my parents do. Hanggang ngayon. Tipid tuloy kami dito.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Jan 2003
- Posts
- 2,979
August 17th, 2006 03:28 PM #38yan ang nakakatakot! pagbalik mo may iba na asawa ang asawa mo. o kaya madisgrasya pamilya etc.... sabi nga nila ang pera tulad ng alak ay nakakalasing. pero mahirap talaga at sakripisyo. sa pamilya namin kundi tatay ko nasa abroad eh nanay ko and up to now di pa rin nawawalan ng nag-aabroad kasi sayang ang pagkakataon para naman matulungan yun iba naming kamag-anak.
my mom told me when she was assigned in africa. sa africa daw di nawawalan sa isang family ang maysakit na aids at dito naman sa atin eh sa bawat pamilya, meron kamag-anak sa abroad. isa pa daw katangian natin mga pinoy eh sobra daw tayo malakas kumain saka mahilig magluto ng masasarap na pagkain. namana rin siguro natin yun trait na yun sa mga kano.
para di OT: tips lang sa mga may balak mag-abroad. kung mabilis ka ma-homesick, wag ka na tumuloy, sayang lang pagod at gastos mo. dami ako kakilala after ilan araw, buwan eh umuuwi na
isa pa tip. pag-aralan yun language ng country na pupuntahan mo. di lahat eh marunong mag-ingles. iwasan maglalabas at gumimik lalo na sa mideast countries. karamihan ng mga nadidisgrasya dito eh yun lagi mahilig uminom at mag-goodtime
try nyo maging familiar sa pagkain. yun kapitbahay namin, kinukwento nya na kapag kumakain daw sila ng manok nasusuka sya kasi yun manok di man lang kinaliskisan yun paa tapos di rin pinutol at maiitim pa. yun mom ko naman napunta ng sri lanka, grabe naman daw. lahat ng dishes sobra anghang
-
August 17th, 2006 03:46 PM #39
-
August 17th, 2006 05:12 PM #40
naalala ko yan mga pinoy din nagbebenta nyan sa Jeddah noong araw extra income din ng mga kabayan na napatungo sa mga establismento.
ang hirap talaga ang buhay noong araw sa middle east mabubuwang ka pag di ka marunong i suppress ang homesick mo ang libangan mo lang noon eh sports. I remember dahil sa homesick ko natuto akong maglaro ng cricket pero ngayon lalo na sa mga technology na naglalabasan ang laking tulohng nito maibsan ang iyong lumbay.
kaya kung kailangan mo talagang umalis go go go go....
VinFast VF 3