Makikisabat na lang mga bossing.... kelan po ba yung malalaking tournament? 2 years pa po ba? Kasi kung ngayon pa lang tayo mangangapa ng players at this year na yung pinaghahandaang tournament, di po ba masyadong behind na ang preparation natin? Sa aking opinyon, mukhang inaalagaan masyado ang mga ego nung players dahil siguro pulos superstar nga. Pero kung para sa bayan, dapat wala munang pa super-superstar. Sana since mga bata nga yung players natin, tagalan naman nila ang preparasyon. Minsan tuloy naiisip kong masama para sa Philippine basketball ang PBA. Simula ng itayo ang PBA, nag-decline ang abilidad ng Pilipinas sa basketball..... Papaano mo ibibigay yung 100% mo e kung ma-injured ka wala kang kikitain? Mga bagong Jawo, Fernandez, Samboy, Paras, Caidic, Atoy Co, Adornado, at Florencio (basta wag lang ibebenta, hehehe) ang kailangan natin ngayon.... isama mo na si Dalupan as coach (remember the Lastimosa issue???!!! umaangal sa playing time si Jolas pero mas maganda ang laro ni Capacio kaya si Capacio ang pinalalaro). Sabi nga nila, hindi tayo pedeng mabuhay sa nakaraan pero madami tayong matututunan sa nakaraan. Businessman na kasi ang tingin ko sa mga bagong players instead na basketbolista. Pulos pera....... just look why the Fil-Ams are lining out to play - dahil mas maganda ang kita nila sa basketball sa Pinas kesa sa bansa na kinalakihan nila. Haaaay, sana naman may magandang napulot ang Pinas sa tournament na yan. Masyado kasing mala-NBA ang laro natin. Pede naman ang constant ball movement, screen/picks, at shooting tulad ng sa China at Korea.... pero mas gusto natin yung one on one, dunks at block shots.... mga bagay na importante sa matatangkad na at mabibilis pa.Originally Posted by falken
Enough mumbling..... not pretending to be an expert pero I miss the days of the players I mentioned na talagang patayan lumaro basta sa bayan.


Reply With Quote
