addison06,

starex po ang gamit ko.. medyo 'bumpy' yung ride sa mga lubak.. but if u can tolerate yung mga lubak then go for it..

if ur going to use a sedan, tip ko lang na 'gapang' ka lang sa quirino/andaya hway.. yung lubak kase iba iba ang conditons.. may rough part, and meron yung parang mala - humps sa lubak, may mga malalim na part.. nag iiba yung road conditons pag umulan dahil medyo maputik or hndi mo mapapansin yung lalim ng lubak dahil may tubig yung lubak.. minsan ay mapipilitan kang lumipat sa kabilang lane para iwasan ang mga lubak, wala nman masyado kotse sa daan, but be careful..

very challenging ang biyahe nmin sa quirino hway, dahil ako mismo ang nagdri-drive.. eyes on the road dapat and dapat anticipate mo na yung lubak kung malalim.. as in paliko liko ako sa pag iwas at paghanap ng smooth road dun..

when we are travelling kase to bicol, kasama ang buong family and yung iba ay tulog.. so medyo hinay hinay lang sa mga lubak.. basta, after mo sa quirino hway, ok na ang road, very smooth na approaching calauag, quezon then to manila..

basta tandaan mo,

a.) wag masyado magmabilis kung hindi ka nman nagmamadali.. umaabot ng 80 km/hr or higher ang average speed sa normal roads.. (pag walang traffic)

b.) always check the road signs..

c.) may part na traffic sa quezon province specially pag rush hour or gabi (that's why mas gusto ko pag gabi ang biyahe dahil maluwag ang kalsada)

this is a very challenging trip.. mapipilitan ka mag overtake sa mga 12 wheelers na trucks, buses, mababagal na car, at maganda ang view ng mga lugar.. have a safe trip!