Tip ko lang kung gusto mo walang problema sa padala sa Phil. ng walang charges ganito ginagawa ko.

Nag Open ako ng 2 peso ATM account at 1 dollar account sa BPI. Both under my name so yung isang ATM hawak ko yung isa nasa beneficiary sa Pinas. Pano ako nag transfer Im doing it online banking http://bpiexpressonline.com So basically yung ATM na hawak ko may pondo na yung ATM na nasa pinas wala maintaiing balance lang or some few hundreds para hindi ma closed. So you can do it online pag transfer mo ngayon with in a seconds lang pwede na nila kunin.. Pwede ka din mag schedule transfer like every week,daily or depende sa gusto mo kahit monthly. So walang charges every month or every week kung mag papadala ka sa pinas.. Actually hindi naman talaga padala ang tawag don its the way of controlling yung pera sa pinas. But atleast once ka lang mag pondo sa Account mo so isang charges lang lets say every 3months ka mag lagay ng fund sa account mo. so makakatipid pa rin. Yung dollar account naman pwede ka din mag Palit ng $ to peso online then pasok naman sa ATM account mo so kung emergency hindi na mag hihintay yung nasa pinas kung kelan dadating ang pinadala mo...And I'm doing it for the last 5years na yata.. almost pioneer na ko sa Online banking ng BPI..Meron pang isa silang features parang E-cash pero may expiration ang card every 2years lang at may bayad nag card 100 lang naman..Ideal for students allowance. Meron din sila online bill payments, pati tuition sa school

Well sana lang hindi maisip ng mga banko satin na bigyan ng charges ang online banking lalo na sa transfer of fund,