Bud, gimik yan ng mga ibang insurance companies, lalo ng yung mga mga malalaki. Affected ang life insurance industry nung nangyari sa Cap at sa Pacific. In fact, the industry is kind of reeling from it. Sa hirap kasi ng buhay ngayon, insurance is one of the last things that average Juan (or Juana) Dela Cruz would get. Medyo saturated na ang upper middle class and A class sa life insurance. So, naghahanap na naman sila ng ibang mabibiktima...eheste...magiging bagong client.
Most of the time, hindi naman yan yung insurance company mismo. Kadalasan nyan eh yung mga agencies nila. Sa haba ng itinagal ko sa insurance at pre-need industries, maraming agencies na may mga ginagawa na hindi sanctioned or hindi alam ng insurance companies nila. Now, kuung yung gimik ng mga agencies na yan eh nag-click, look the other way yung insurance company. Pero, once na nakatanggap sila ng reklamo, lalo na kung yung reklamo eh sa Insurance Commission nai-file, tsaka lang gagawa ng discilinary action yung insurance company. Kung malaki lagi ang pinapasok na pera nung agency, "slap on the hand" lang ang parusa. Pero kung maliit, tsugi.