Parents will always be parents. Iniisip nila siyempre pano ka uuwi from Pasig to your Dorm. Panigurado uwi mo niyan eh mga 2-3 ng madaling araw. Paano studies mo...baka mapabayaan mo. Sometimes its really hard to argue with parents kasi once they say "no" tapos na ang usapan. Before I wanted to work as service crew sa Jollibee nung college. Pasado na ako sa interview as in ready to start na. Unfortunately di pa ako nagpapaalam nun. And nung sinabi ko na magwork na ko sa jollibee ayun fatay na ang aking fast food career. Sabi ba naman ng tatay ko sa akin, bakit nagugutom ka na ba at kailangan mo na magtrabaho. Sama ng loob ko nun pero sempre lumipas din.
Di naman ako nagsisi kasi nakapag focus ako sa studies ko, focus sa gimmick ng barakada, etc. Nung pagka graduate I got a good job.