New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

View Poll Results: How do you handle bad service?

Voters
25. You may not vote on this poll
  • Pagbigyan na lang, nakaka-awa e.

    1 4.00%
  • Pag may katwiran, ipaglaban.

    7 28.00%
  • Kahit anong situation basta depende sa mood ko.

    4 16.00%
  • Depende sa situation.

    13 52.00%
Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 40

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #1
    Sa mga kainan maraming kaso nito. Halimbawa may nakasabay ako sa isang fast food chain nag-order ng meal na may package na softdrink. E kaso sira yung mixer nung fast food chain, so nag offer naman itong si cashier kung gusto daw niya e juice na lang or iced tea, so um-oo naman yung mama, tapos nung nagbabayad na, kulang daw ng P10 yung bayad niya. Nakipag argue naman yung mama, e hindi ko naman gusto yung juice na yan e kaso kayo naman ang hindi makapag deliver sa package na offered ninyo e kaya hindi dapat ipasa sa customer yung kulang. Which sa tingin ko makes sense. Pero in the end kahit masama sa loob nung mama, siguro naisip din niya na 10 lang din naman yun e binayaran na rin niya.

    Yung hipag ko naman nag order ng green mango shake sa Italliani's. Pag dating ng order ay three mango shakes ang dumating. Ang argument naman ng waitress ay ni-repeat order naman daw niya so dapat doon pa lang ay ni cancel na yung 3 mango shakes (which leads to another question, do you always listen when they read back your order?). Nakipag talo pa rin yung hipag ko pero in the end naawa naman siya dun sa waitress kasi sila daw magbabayad nun so binayaran na rin nila.

    Ako naman pinaka matinding experience ko, pasensyoso akong tao, pero grabe namuti ang mata ko kahihintay ng order ko sa isang kainan sa Antipolo, hindi ko matandaan kung sa Padi's ba yun or sa isang katulad nun, medyo matagal na rin nangyari. E kaya naman pala namumuti na yung mata ko kahihintay ng order ko, e out of stock pala yung na order ko at nalimutan naman akong i-inform nung waiter na wala pala akong pagkain na hinihintay.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Ako inirereklamo ko agad yung bad service.

    Like yung nangyari sa Kabalen. Yung fried chicken nila sa buffet, ILADO! May amoy na. Nireklamo ko yun, pero inalis lang nila yung mabahong fried chicken. Parang walang nangyari. Mula noon di na kami kumain sa lintek na Kabalen na yan. (Makati branch).

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #3
    sa china.. hiningi ko yung bill.. pag balik.. may dalang beer!

    sa Dad's buffet din.. minsan sa hapon.. nilalabas lang nila ulit yung natira nung lunch.. yung laing natyempuhan ko.. amoy panis na.. tinawag ko yung manager.. sabi ko panis na.. at lilipat na lang kako kami.. na maraming nakarinig.. tapos we left..

    sa jollibee naman breakfast.. nabuhusan yata nang asin yung garlic rice.. aba sobrang alat... eh wala pa daw plain rice.. i asked for a refund..

    sa KFC naman malimit may dugo pa yung chicken.. sinasauli ko.. kinakain ko muna yung balat syempre.. nangyari na naka 3 palit.. lahat may dugo.. nagpa refund na lang din ako

  4. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #4
    Meron pang nangyari sa amin, hindi naman kainan, sa AstroPlus. Kasi pumunta kami ng Baguio, tapos wala kaming maisip na magandang ipasalubong sa mga bata, so naisip namin bili na lang ng siguradong magugustuhan nila (toys). E tamang tama may nakita kaming cartridge ng TMNT sa AstroPlus sa SM Baguio, syempre pina test naman namin doon, tapos tinanong namin kung if in case e may nakitang defect someother time e kung pwede ipalit sa ibang branch. E pwede naman daw so binili na namin. Tapos nung nandito na sa manila nilalaro na, hanggang level 1 lang pala gumagana tapos nag ha-hang na, so naghanap kami ng AstroPlus na may stock ng TMNT na gameboy cartridge, tapos nakakita kami sa Robinson's Galeria. Pag dating namin doon, ang sabi nung attendant e hindi daw pwede ipalit, with a matching smug attitude. Nanginginig na ako sa galit, hindi dahil sa ayaw niyang palitan, kundi dahil sa katarayan nung babae. Ang dami pang sinabi kesyo dapat daw e tinest namin doon, e sabi ko tinest naman namin, pero syempre hindi namin sinubukan hanggang sa matapos medyo matagal din yun no? Sabi ko o sige pakausap na lang sa supervisor or manager. Sya lang daw ang humahawak doon sa games section, wala siyang manager.

    Tinawagan ko yung kausap ko sa Astro Baguio. Kasi syempre isa sa kanila either nagsisinungaling or hindi alam kung ano ginagawa niya. Sabi naman niya pwede daw. Tapos tinawagan niya yung nag ha-handle sa Gale, ayun maya maya lang pinalitan na. Hindi siya makatingin ng diretso sa amin, pero hindi din siya humingi ng dispensa, hindi din siya nag explain. Ako naman nanginginig pa rin sa asar pero hindi ko na lang pinatulan, kasi kasama namin yung dalawang tsikitings away ko sila maka witness ng argument.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #5
    tandaan nyo sa mga ganyan.. the customer is always right.. kasi may pinanghahawakang business yang mga yan.. ayaw nila masira.. so kung sa palagay nyo tama kayo.. eh di pagpilitan nyong tama kayo..

    meron pa akong isang experience sa Office1 store.. bumili kami nang shredder.. eh mali yung info na binigay nung babae.. sabi nung babae.. yung model daw na yun eh crisscross.. tapos di ayos na.. by phone lang.. nag order na tapos nung nideliver.. ay di pala crisscross.. eh nakaalis na sila.. so tawag agad ako.. sabi ko mali.. eh ni accept na daw.. ayaw pumayag palitan at hindi naman daw sira.. so i emailed their country manager.. ayun.. same day pinalitan..

    sa sony din.. may promo sila 5 years ago.. pag bumili daw nung digicam.. ang nakalagay sa website extended yung warranty to 3 years.. tapos nung bumili ako.. 1 year lang daw warranty.. sabi ko eh ano yung nakalagay sa website.. eh typo daw.. aba.. so nag reklamo ako dito sa office nila sa enterprise... pinuntahan namin yung website.. ayun 3 years nga nakalagay.. ay typo nga daw.. so binago nila.. pero they honored the 3 years extended warranty sa akin, nagpasalamat pa yung head for letting them know daw na may typo don sa website nila..

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #6
    sa manager ako nagrereklamo, o kaya naman to someone na mas mataas ang rank dun sa hindi ko nagustuhan ang service

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    403
    #7
    bad service? i let the wife do the talking

  8. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,047
    #8
    Quote Originally Posted by AnuVaYan View Post
    Nakipag talo pa rin yung hipag ko pero in the end naawa naman siya dun sa waitress kasi sila daw magbabayad nun so binayaran na rin nila.
    kawawa ang mga employees ng food service industry sa Pilipinas. bakit hinahayaan ng gobyerno na tratuhin ng ganito ang mga employees? ang isang pagkakamali (makabasag man ng pinggan or magkamali ng pagkuha ng order) ay hindi dapat binabawas sa sahud ng employee. yung mga ganitong pagkakamali ay kakambal ng ganitung uri ng negosyo. hindi mo maiiwasan yan.

  9. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    443
    #9
    medyo mahaba pasensya ko e...
    pag maliit na bagay lang hinahayaan ko na lang...
    naaawa kasi ako sa mga empleyado na pinapagalitan o kaya
    sa kanila ichina-charge yun mga maling order...

    i encountered a lot of bad services pero di ko pa nasubukan makipagtalo...
    all i need to know mahalata ko lang na napahiya yun nagkamali at nagsisisi and a simple apology oks na...

    wag lang malala yun ginawa nya ha...

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    779
    #10
    Quote Originally Posted by jazcker View Post
    medyo mahaba pasensya ko e...
    pag maliit na bagay lang hinahayaan ko na lang...
    naaawa kasi ako sa mga empleyado na pinapagalitan o kaya
    sa kanila ichina-charge yun mga maling order...

    i encountered a lot of bad services pero di ko pa nasubukan makipagtalo...
    all i need to know mahalata ko lang na napahiya yun nagkamali at nagsisisi and a simple apology oks na...

    wag lang malala yun ginawa nya ha...
    +1
    Basta nag sorry ok na wala nang argument pero cancel order pag sa resto
    Kahapon lang, sa Jollibee, almost 3/4 pa yung laman nang thigh part chicken ko, rice and diet coke, kumuha lang ako nang gravy sa counter, pag balik ko eh niligpit na yun kinakain ko, itatapon na sana
    Nag sorry naman yung crew. Sayang nga dapat hinayaan ko nalang maitapon para mapalitan nang bago. Ma ch-charge sa kanila yun eh noh? Kasama pa sermon nang Manager.

  11. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #11
    With a smile... All the time.....

    Huwag lang sila ulit magkakamali ng sagot/ gagawin......

    3707:seesaw:

  12. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #12
    Kinakausap ko naman ng maayos ung nirereklamuhan ko. Explain before you complain LOL.

    Pero may isang beses, umiyak ung kasama ko dahil sabi nung babae, binigay na daw sukli sa friend ko. pero hindi pa naman pala. sukli nya mga 450 pa naman. Di ko matiis, pinagalitan ko ng todo ung mga tao dun. Tas umalis kami. Hinabol naman kami nung manager, nagsorry tas pagpasensyahan daw kasi masungit talaga ung kasama nya.

    Ka-vibes naman namin ung manager, kaya dun pa rin kami kumakain.

    Di ko na uulitin un, nakakahiya eh. :lol:

  13. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    687
    #13
    it depends on the situation whether i need to do something or not...

  14. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #14
    Yung customer service ng Globe Telecom, badtrip! Antagal pa bago may sumagot sa hotline nila (15 minutes average), so when their CSR answers, medyo galit ka na. Ayaw din ipasa sa supervisor nila, either walang available or hindi nila kilala. Pwede ba yun??

    Was following up kasi yung loyalty program. Sabi sa akin, 3 working days, tapos naging 5, eh 2 weeks na, wala pa rin! Ni hindi man lang tumawag para mag-explain kung anong problema, kahit nag-promise na mag-return call. Bwiset!

  15. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #15
    Quote Originally Posted by Galactus View Post
    Was following up kasi yung loyalty program. Sabi sa akin, 3 working days, tapos naging 5, eh 2 weeks na, wala pa rin! Ni hindi man lang tumawag para mag-explain kung anong problema, kahit nag-promise na mag-return call. Bwiset!
    May "kakilala" (di ko kakilala personally, kakilala ko lang ang alias sa internet) ako, kapag ganyang situation na paulit ulit na frustration na ang nangyayari, ang ginagawa niya, nagsusulat siya ng formal letter of complaint addressed sa mga higher ups, tapos ino-auto send niya sa computer papunta sa fax machine ng company na nagpapahirap sa kanya. Ubusin daw ba ang fax papaer? E wala asaran na e.

  16. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    335
    #16
    pag nasa fighting mood ako, magrereklamo talaga ako sa manager sabay cancel ng order kasi mahirap na baka bawian ako sa pagkain.. pag naman reklamo sa smart broken, nung una nakikipag-away talaga ako sa operator.. then i realize, wala silang kasalanan and they are just doing their job.. pero pag wala ako sa mood makipag-away, palilipasin ko na lang..

  17. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #17
    sakin pag mali-mali. kahit anong sitwasyon. masabi ko lang punto ko. di naman umaabot sa nakikipag away na. :D

  18. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,640
    #18
    Pag dating sa mga bad service lalu na sa mga restaurant, I usually ask for the manager and give my comments and suggestions. Minsan nga eh nung kumain kami sa Pho, yung sister company ng Banana Leaf, may nakita akong thin copper wire sa fried rice nila! Naku hiyang hiya ang 2 manager pero ang sabi ko sa kanila, I can easily complain and have their resto investigated for lack of sanitation but then again, they just have to be very careful in serving and preparing their food. Kaya ayun I got a free treat from them! (hehehehe) But the bottom line is that they should be more careful!

  19. Join Date
    May 2005
    Posts
    208
    #19
    sa japanse resto session road yung soup nila may epes. yuckkk.. naubos nanamin yung soup nung nakita namin. nasa ilalim. kinain ko nalang yung ipis. yummmmmm.... shempre pinakita muna namin sa manager yung epes bago ko kainin para bigyan kami ng freebies. pero d din namin kinuha yung binigay

  20. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    295
    #20
    One time, I wrote my complaint there and then in a letter. Then I called the manager and discussed it with her. Inis talaga ako na ang tagal bago kami makunan ng order, ang tagal naming maghintay na dumating yung pagkain, nagkamali na nga sila sa order na dinala sa table, at nagkamali pa sila sa bill.

Page 1 of 2 12 LastLast
How do you handle bad service?