Quote Originally Posted by rollyic View Post
anyone can give inputs about prefab?

meron akong nakikita na dini-deliver na mga ding-ding at poste sa mga nagpapagawa ng bahay dito sa cainta.
matipid daw to at mas matibay. sa hallow blocks daw kasi hindi naman daw ganon katibay ang pagkakagawa. unlike yung prefab, manipis man pero purong semento naman daw.

isa pa daw kasing sakit ng ulo yung finishing. lalo na kung yung gumagawa e walang pakialam magtapon ng semento sa pagpi-finishing. sa prefab daw, halos hindi mo kailangan i-finishing.
dito sa Japan ang mga bahay at low rise buildings (2 storey) ay pre-fab.

minsan nagulat ako may building na agad dun sa kalsadang dinadaanan ko. kasi parang pundasyon lang yung nakikita kong ginagawa nila tapos ilang linggo lang 2-storey bldg na. matapos ang malakas na lindol noong 2011, nakatayo pa naman yung building at brand new looking pa din.