New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 31 to 40 of 42
  1. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    754
    #31
    happened to me twice,

    first is yung nagwawalis lang ako sa labas ng bahay, nang mapangabot na ako sa drainage,
    tinatanggal ko yung barang mga tuyong dahon, and all sorts sa drainage, and to my surprise,
    may nakabarang crumpled 100 pesos. swerte. hehe.

    second, i was on my way home, naglalakad na ako sa subdivision, it was raining hard,
    nakapayong lang ako nun (student palang ako btw), then i came across sa isang
    side walk sa village namin na medyo madamo, i notced a yellowish paper na
    nakapatong sa damuhan, kako baka 500 (sarcastic), paglapit ko, 500 nga! haha!
    hindi hinagin kasi basang basa na ulan, naexcite ako and picked it up right away
    and kept it unfolded, walang tao sa labas sa lakas ng ulan, wala mapagtanungan,
    so i kept it, lakad pa ako, after 1 block, huminto ako saglit, inisip ko baka meron pa,
    kahit basang basa na ako, bumalik ako, and kung sinuswerte ka nga naman,
    approx 4-5 feet away kung san ko napulot, meron pa isang 500. hehe.
    naghanap pa ako saglit baka meron pa. wala na. uwi na ako.

    malaki na ang 1k nuong 90's. hehe.

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,281
    #32
    yung ako naman nawalan, dati nasa malaysia ako, malaki wallet ko para kasya philipines passport booklet. eh medyo maliit back packet ko noon, nung tumae ako sa mall paghubad ko pala eh nahulog yung wallet.

    tuliro ako nung malaman kong nawala wallet ko kasama passport, and i have my whole month allowance sa wallet, around 50k pesos. nagpaplano na ko kung kanino ako mangungutang at inaalam ko na kung paano makakuha ng passport replacement. kasama ko yung ibang mga officemate ko sa mall, kaya di problema pauwi, naisip ko lang mahirap maka survive ng 1 month na puro utang ang gastos.

    then nagbakasakali ako magtanong sa guard ng mall, and yes may pitaka na nai-surrender sa guard station nila. isang malaysian ang nagsurrender. laking pasasalamat ko. iniwan nung nag surrender yung number nya sa guard at tinawagan ko naman para magpasalamat. nakalimutan ko na pangalan nung nagsoli pero sir maraming salamat.

  3. Join Date
    Sep 2010
    Posts
    1,814
    #33
    madalas nung nagaaral pa ko hanggang sa nagwork ako.
    pag naglalakad ako palabas ng subdivision sa amin - may mga
    napupulot ako mga coins. sunod sunod yun.
    nalaglag siguro galing sa mga pasahero ng tricycle kasi rough road
    pa yung kalye sa amin nun.

    medyo ot: me napulot kami ng mga barkada ko dati
    na gold pendant na anchor yung shape.
    alam namin kung kanino kasi me naghahanap dun
    sa spot mismo kung saan namin napulot.
    eh mga bugok kami nun. walang aminan.
    hehehe. sinanla namin for 800 petot.

  4. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #34
    nung hs ako bumili ako ng melon juice sa cafeteria. nung naubos ko yung juice may 2peso coin sa loob ng baso.
    ibinili ko ulit ng melon, pero nung naubos ko wala ng 2peso.

    nag pa x-ray ako after nun mabuti na yung sure.





    Quote Originally Posted by jaypee10 View Post
    ako hindi kona isasa uli base sa aking experiance,

    2011 papunta ako sa parking kung saan naka parada ang aking sasakyan,,ugali ko na kasi bago sumakay ng tsikot iikot muna ako sa kotse ko bago ako sumakay,sinisilip ko muna kung may tama may naka umang sa gulong o kung may mga nawala sa tsikot ko.
    pag ikot ko may nakita akong maitim na bagay sa medyo ilalim ng pasenger seat ng tsikot ko.sinipa ko para makita ko,

    wallet..binuksan ko at tiningnan..puro ID ang laman..wala ni isang kusing..
    ginawa ko.isina uli ko sa pinaka malapit na prisinto,,nagbigay ng kaunting statement kung saan napulot at addres kung saan ako pwede kontakin.nagbigay naman ako baka sakaling matuwa ung may ari kung sakaling mabawi niya ang kanyang mga mahalagang papeles na laman ng wallet..

    ito after 2 days.may tumawag sa akin at pinapupunta ako sa prisinto ganito..kung saan ko sinurender ung pitakang walang laman kundi ID,,

    laking gulat ko pag dating duon..hinahanap sa akin ang laman na nagkaka halaga ng 30k dolyar daw laman nun,,at ako daw nang dukot...

    nag panting bigla ang tenga ko..sabay sabi kong,may mga tao palang sadyang walang hiya sa mundo.
    na gawan mo ng kabutihan eh kasamaan pa igaganti sayo...

    diko makalimutan un,,

    kaya hanggang ngayon kapag naka pulot ako ng kung ano mang bagay,,hindi kona sasa uli..
    katangahan nyo yan...bawi bawi nalang din pag may time!!!
    yung hot momma dito sa skul ng anak ko, nawalan ng wallet tapos tumawag sa kaniya yung nakapulot. nung nagkita sila hiningan siya ng 1k plus pamasahe raw.
    watdapak?!

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #35
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    7k totoo? baka tinamad ng balikan ng guest mo ser?
    Totoo, bro. Samahan mo ko sa city jail pag hindi

    Saka di sila pinoy, kaya sure ako na hindi tinamad or nagkamali. Hehe

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,870
    #36
    Yung sa akin eh hindi naman exactly NAKAPULOT...
    Naiwan 'yung pera sa ATM at 'yun na nga, nakuha ko.

    Early friday morning kasi noon sa Saudi. Walang pasok.
    Ang bangko eh nasa ibaba lang ng building ng accomodation namin.
    Pagpunta ko sa bangko, may isang arabo na nakita kong lumabas sa ATM cabin.
    So wala ng tao. pasok naman ako. Naipasok ko na 'yung ATM card ko saka ko lang
    napansin na may pera doon sa labasan ng pera. Kinuha ko 'yong pera at inilabas ko 'yung card ko.
    Una ko kasing naisip na baka 'yung arabong nakita ko ang nakaiwan nung pera, at baka abutan ko pa.
    Wala na eh... So, hinintay ko na lang bumalik.

    Tumambay muna ako sa di kalayuan, 'yung tanaw ang entrance dun sa cabin.
    Baka kasi pag doon mismo sa harap ng bangko eh bigla na lang akong damputin ng mga pulis.
    Halos 2 oras rin ako naghintay pero hindi na bumalik si arabo.
    May mga taong dumating, pero paano ko naman malalaman na sila nga naka- iwan ng pera.
    Can you ask them ba ng "have you lost / left some money?".

    May CCTV lahat ng bangko sa Saudi. Kung may maghahanap, matutunton naman nila ako
    kasi nga pinoy at saka doon nga lang ako sa taas ng building nakatira. At saka kilala ako nung
    ibang employee sa bangko. Ang kaso nga, ilang buwan na lumipas, wala talaga.
    Lagi ko lang naiisip, "kawawa naman 'yung naka- iwan ng pera..."

    Magkano???
    Maximum allowable withdrawable amount. :sad:

  7. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    384
    #37
    I was standing in front of our store suddenly may dumaan na chikas in a super iksing short then biglang may lumitaw na P50 sa dinaanan niya. Kahit di sa kanya pinulot ko sabay tawag sa chikas at inabot sa kanya ung napulot kong pera. Deny niya nung una hindi raw kasi sa kanya dahil cellphone lang hawak niya at wala naman din bulsa yung super iksing short niya (sabay pa kami tumingin sa short niya :D ). Tapos sabi ko baka nakaipit lang sa short niya di lang niya naalala. Sa pag uusap namin nagtanong ako kung kilala ba niya yung friend ko luckily oo daw. At doon na nagbunga ng maganda pag uusap namin nung chikas..

    Tungkol naman sa P50, akin pala yon hehehe


    Sent from whatever device I got my hands on via Tapatalk

  8. Join Date
    Nov 2012
    Posts
    200
    #38
    kami ni esmi swerte madalas makapulot ng pera nung palagi kami nagbus from north ave to makati paglipat namin ng upuan sa bus nakapulot siya 500 nagunahan pa kami kaso naunahan ako haha. one time naman nag MRT ako tapos pagdating ng shaw nasira yung train na nasa susunod na station so bumukas yung pinto ng MRT e nagmamadali ako sabi ko bababa ako at mag bus na lang pagbukas ng pinto sakto may pera sa labas sa tapat ng pinto at walang tao dinampot ko agad ayun 380 din. yung isa ko naman experience hindi ko na pulot kungdi sobra yung lumabas sa ATM kasama ko si misis naunahan ko siya haha lagi kasi siya nag widraw ng sahod ko e kaso nung araw na yun ako mismo nag widraw pero kasama ko siya nag widraw ako 2K nung lumabas yung pera may isang 500 na naipit hinila ko nagulat ako 2.5k yung lunabas tapos balance inquiry ako 2k lang ang na debit sa account ko ayos.

  9. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #39
    minsan nakaka loko yung play money na sobrang lamukot sa daan. aapakan mo pa para walang makakita. pag buklat mo nag mukha ka palang t*nga!

  10. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    107
    #40
    [QUOTE=monkeybone1k;2298744]I was standing in front of our store suddenly may dumaan na chikas in a super iksing short then biglang may lumitaw na P50 sa dinaanan niya. Kahit di sa kanya pinulot ko sabay tawag sa chikas at inabot sa kanya ung napulot kong pera. Deny niya nung una hindi raw kasi sa kanya dahil cellphone lang hawak niya at wala naman din bulsa yung super iksing short niya (sabay pa kami tumingin sa short niya :D ). Tapos sabi ko baka nakaipit lang sa short niya di lang niya naalala. Sa pag uusap namin nagtanong ako kung kilala ba niya yung friend ko luckily oo daw. At doon na nagbunga ng maganda pag uusap namin nung chikas..

    Tungkol naman sa P50, akin pala yon hehehe


    veteran moves a

    *joemarski: malaki din yun a kahit sa pinas pa, magkano pa kaya kung dyan sa ibang bansa. di na talaga binalikan? baka sayang na sa kanya ang oras para bumalik dun...big time siguro.

Page 4 of 5 FirstFirst 12345 LastLast

Tags for this Thread

nakapulot ka naba ng pera?