Siguro mga 5 years ago nangyari to.

Sa Quezon Avenue station, mahaba ang pila dun sa ticket booth. Tapos may gustong sumingit na middle-aged lady, talagang garapalan. So, sinabihan ko, "Yung pila po nasa likod, bawal sumingit!" Sabay talak pa na kulang siya ng good manners, kaya di umuunlad ang Pinas...yada, yada... Pucha, may kasama palang lalaki, mga 6'2", siguro 230 pounds. Sinigawan ako, "Bakit, ano problema mo?!" Natulala ako, wala pa naman akong dalang bakal at that time, kasi bawal.

Sabi ko na lang (in a malumanay voice), "Kasi po, yung kasamahan nyo, sumisingit..." Buti na lang, may 3 lalaki din na nakapila na pumanig sa akin, may kalakihan din ang katawan, sinabihan yung malaking mama na papilahin yung kasama niya kung ayaw niya ng gulo. Pagpasok ng turnstile, sumama ako dun sa tatlong lalaki, kunyari kakilala ko sila, kasi baka resbakan ako. Every station, inabangan ko muna kung saan bumaba yung malaking mama, baka kasi abangan ako or baka sundan ako kung nauna akong bumaba. Bad trip, lumagpas pa ako sa dapat na stop ko. Had to stop dun sa dulo (Pasay-Taft), then ride back to my actual stop (Ayala Ave). Bumaba kasi yung 2 sa Magallanes station.

Longest MRT ride of my life...