Papunta ako ng Monumento from Libertad station ako galing, gabi na. Pag- tigil sa Vito Cruz, bigla na lang may nag-away sa loob ng LRT! Sigawan, murahan. Walang paki yung guy, kahit maraming nakatingin. Nakita nya kasi (yung lalaki) girlfriend nya, may kasamang ibang guy. Huli! Bwe-he-he! Buking si Miss 2timer. Gulat nung babae, pati kasama nya. Di nya siguro expected yun.
Ginawa nung lalaki, ihinagis yung singsing (siguro eng. ring nila). Bumaba yung lalaki sa UN Ave. Yung babae at yung kasama nyang guy, tulala, hiyang-hiya. Bumaba sila sa Carriedo station.
Tapos nun, tawanan lahat sa loob ng train. Sabi ng isa, kung gagawa ka ng "milagro", mag-taxi ka na lang.
Last edited by chua_riwap; October 7th, 2007 at 11:55 PM.