funny LRT experience. i ride the LRT from vito cruz to carriedo to go to hidalgo to buy stuff i need for school. anyhow you know how people get displaced pag nag stop and lrt people getting off people getting on. when the train started to move na ulit an old lady grabbed and hugged my arm and started laughing and talking to me and called me "PAPA". tapos nakapag kwento na sha till she realized hindi pala ako ang kasama nya. kase nikulbit na sha ng asawa nya na nasa likod ko pala. hahaha! i didnt say a thing baka kase bumitaw sha e matumba pa kasalanan ko pa. hehehe! she said sorry an i said it was ok natawa lang yun asawa nya.![]()
sir baka naman yun yung nmga guard ang kumakapa sayo. ahehehehe!
not naman my expriences mga nakikita ko lang while waiting for the train or just sitting there kase i didnt want to ride the train either sobrang puno or hindi ko lang trip yun mga makakasabay ko. hehehehe! buti nga wala na yun mga biglang magdadasal at mag pepreach sa mrt ngayon e, nakakatakot sila at nakakagulat. ahehehe
nun first year college ako. pagbabako ng Baclaran station may isang lalaki na binalibag yun paninda ng isang vendor so nagka gulo, may dumating na pulis para awatin yun lalaki. nung hawak na sya ng 2 pulis bigla syang sinaksak ng fan knife nun vendor...![]()
Siguro mga 5 years ago nangyari to.
Sa Quezon Avenue station, mahaba ang pila dun sa ticket booth. Tapos may gustong sumingit na middle-aged lady, talagang garapalan. So, sinabihan ko, "Yung pila po nasa likod, bawal sumingit!" Sabay talak pa na kulang siya ng good manners, kaya di umuunlad ang Pinas...yada, yada... Pucha, may kasama palang lalaki, mga 6'2", siguro 230 pounds. Sinigawan ako, "Bakit, ano problema mo?!" Natulala ako, wala pa naman akong dalang bakal at that time, kasi bawal.
Sabi ko na lang (in a malumanay voice), "Kasi po, yung kasamahan nyo, sumisingit..." Buti na lang, may 3 lalaki din na nakapila na pumanig sa akin, may kalakihan din ang katawan, sinabihan yung malaking mama na papilahin yung kasama niya kung ayaw niya ng gulo. Pagpasok ng turnstile, sumama ako dun sa tatlong lalaki, kunyari kakilala ko sila, kasi baka resbakan ako. Every station, inabangan ko muna kung saan bumaba yung malaking mama, baka kasi abangan ako or baka sundan ako kung nauna akong bumaba. Bad trip, lumagpas pa ako sa dapat na stop ko. Had to stop dun sa dulo (Pasay-Taft), then ride back to my actual stop (Ayala Ave). Bumaba kasi yung 2 sa Magallanes station.
Longest MRT ride of my life...