hayy buhay nga naman sa pinas........


>
> Dear _____ ,
>
> Kumusta sir. Naalala mo pa si Mjolnir? Yung anak kong gustong pumasok sa
> McCann? May nakakatawang storing nangyari sa kanya. Nang nangailangan si
> Jol ng TIN ay ginawa siyang pingpong ball ng BIR. So isinulat niya yung
> BIR experience niya tapos nilagay niya sa internet. Biglang kumalat. Last
> time I heard ay nasa L.A. na.
>
> Anyway after 3 days sa internet ay nabasa ni BIR Commisioner Parayno yung
> story. Pinadalhan kaagad si Jol ng TIN card via mail. Ang bilis. Ang
> maganda pa nito ay nag-email kay Jol yesterday si Bart Guingona. Gusto raw
> nilang gawing play. Tuwang tuwa si Jol. Sabi ko nga ay ang agang dumating
> ng 15 minutes of fame niya.
>
> Anyway here's his original story:
>
>
>
> ADVENTURES SA KAWATANAN NG RENTAS INTERNAS
> ni Jol Ong
>
> Okay. So natanggap na ako nung November sa NCCA bilang researcher.
> Contract employee lang. 3 months. May Yearbook project kasi sila at
> kailangan ng extrang tao.
>
> Okay lang ang bayad, kaso may 10% withholding tax, at siyempre, dapat may
> Tax Identification Number ako. So tinanong ko yung boss ko- "Sir, di po ba
> yung employer ang maglalakad ng TIN ng employee?" Sagot ni bosing- "Di ka
> kasi regular employee kaya dapat ikaw ang maglakad ng TIN mo."Assurance
> nung assistant ni bosing- "Okay lang yan, one-time hassle lang yan."
>
> Ala ako problema. Sige, ako maglalakad ng TIN ko. Tutal, ano ba ang worst
> case scenario? Mahabang pila? Red Tape? Naknamsiomai, sanay naman ako sa
> UP e- kuhaan ng classcards, pila sa registration, pila sa graduation, etc.
> Ako rin naman ang naglalakad ng registration ng beetle ko, at sa
> pagrerenew ko ng lisensya, so okay lang.
>
> Sabi ni bosing, dun daw ako mag-apply ng TIN sa BIR Main, sa may QC, para
> mas konti ang pila. May BIR din naman sa labas ng Intramuros, walking
> distance para sa mga sanay maglakad, pero mas konti raw ang tao sa Main.
> So, sige, nagpaalam ako, isang araw mag-aabsent ako para lakarin yun. Dun
> ako sa Main, dahil malapit lang sa amin, tapos plano ko, dadaanan ko yung
> ilang research materials sa UP. Solve!
>
> Pagdating ko sa BIR Main, nagulat nga ako dahil wala ngang katao-tao. Ni
> wala akong nakitang pila, maliban lang dun sa pila sa harap, dahil
> tsinecheck nung sekyu yung bag ng mga tao. Nung pagpasok ko, wala pala
> silang TIN forms. Wow. Naubusan ng TIN Forms ang BIR Main. Hanep.
>
> Tinanong ako nung lalaki sa desk kung para saan yung TIN application ko,
> sabi ko, para sa work. Tinanong kung saan ako nagtatrabaho, sabi ko sa
> Intramuros.
>
> "Dun ka mag-apply sa Intramuros." sabi nung lalaki.
>
> "Di po ba puwede talaga rito?"
>
> "Hinde, kasi sa Intramuros ka e, sila ang may hawak sa 'yo."
>
> Okay lang, although medyo naburat ako sa efficiency nila. Ibig kong
> sabihin, wow, Main BIR sila tapos una, naubusan sila ng TIN Forms,
> pangalawa, ewan, ang laki-laki ng saklaw nilang lugar, ang laki-laki ng
> mga building nila, tapos hindi nila ako ma-accomodate.
>
> Taragis, e malamang sa kanila rin naman mauuwi yung records ko kung sa BIR
> Davao o BIR Batanes ako mag-apply, dahil tutal, Main sila e, di ba? So ala
> na akong magawa, ala rin silang TIN Forms, so useless din kung magprotesta
> pa ako dun. So pumunta na lang akong peyups (U.P.) for official
> business,for the first time.
>
> Hehehe!
>
> Pagpasok ko sa work, sinubukan kong lakarin yung TIN application ko sa BIR
> sa labas ng Intramuros, yung malapit sa port area. Pag-akyat ko sa
> taas,hinanapan ako ng certificate of employment, at baranggay clearance.
> At dahil walang nagsabi sa akin na kailangan ko nun, lalo na yung lalaki
> sa BIR Main, wala akong bitbit na requirements.
>
> Pagbalik ko sa opisina, inexplain ko sa bosing namin yung problema.
> Nakatingin sa akin yung bosing ko na parang nawe-weirdohan din at di
> maintindihan yung paghihigpit ng BIR. Lintek, sabi nga nung isang workmate
> ko, the fact na nag-apply na ako for TIN, dinedeclare ko na sa gobyerno na
> puwede na nilang kupitan, err, kaltasan ang maliit kong suweldo. Ako na nga
> ang magbibigay ng pera sa kanila, ako pa ang hinihigpitan. Tanginang
> gobyerno yan, kahit kailan talaga pahirap sa mga tao.
>
> Anyway, pag-aaralan pa raw nila kung mabibigyan nila ako ng certificate of
> employment. Yung baranggay clearance, ako na ang maglalakad. Plano kong
> bumalik ulit sa BIR Main. Hindi ko na lang sasabihin na sa Maynila ako
> nagtatrabaho. Yung ninang ko na may business, binigyan ako ng TIN Forms.
>
> Form 1901, take note. Para sa mga regular employees. May pipirmahan sa
> likod ang employer ko. After nito, dumiretso ako sa baranggay hall namin
> para sa clearance. Hiningan ako ng CV para sa file. Medyo naiirita na ako
> sa puntong ito. Isipin mo naman kung gaano ka-hassle ang buong prosesong
> ito, para saan? Para gawin ko ang aking role bilang mabuting mamamayan sa
> pagbabayad ng tamang buwis. Anyway, tinanong ako nung babae sa baranggay
> hall kung may TIN daw ako. Napapalo ako sa noo ko.
>
> Whoooooo!!! I LOVE THIS COUNTRY!!!!!
>
> Okay! So may clearance na ako! Humingi na ako ng certificate of employment
> sa bosing ko, at pinapapirmahan ko na siya sa likod ng Form 1901 ko. Kaso
> sabi niya, hindi raw puwede kasi wala ako sa roster of employees ng NCCA.
> Project employee lang ako e. So tinanong ko kung puwede ibalik yung mga
> kaltas sa akin, tutal ala naman akong TIN e, at ayaw akong bigyan ng BIR,
> kaya putangina sila, di ko bibigay pera ko sa gobyerno!
>
> Ang problema, hindi raw puwede yun. Tuloy-tuloy ang kaltas sa suweldo ko.
> Kapag hindi raw kasi kinaltasan, sila raw ang malilintikan kapag nag-check
> ng expenses ang NCCA, makikitang hindi binawasan ang suweldo ko. So
> tinawag ngayon yung isang accountant ng NCCA para tulungan kami sa aming
> munting problema. Hindi rin maintindihan nung accountant kung bakit
> hinihigpitan ako ng BIR. Putsa, ako na nga ang magbibigay ng pera sa
> gobyerno, may gana pa silang magpakipot. Sabi nung accountant, yung
> kinaltas sa akin, mapupunta pa rin sa gobyerno, may TIN man ako o wala, at
> hindi sa bulsa ng kung sinoman sa NCCA.
>
> Well, dadaan muna sa gobyerno, sa BIR, bago mauwi sa bulsa ng isang
> congressman, pero technically, alang problema dahil pagkahaba-haba man ng
> prusisyon, sa simbahan pa rin ni satanas ang tuloy. Ang difference bale,
> kapag may TIN ako, dinedeclare ko lang na sa akin
> galing yung kakaning-ibon na baryang portion ng pang-tip ni Mr.
> Congressman sa pokpok niya sa Pegasus. Otherwise, mula kay Mr. Anonymous
> yung pang-tip niya.
>
> Advise sa akin, sabihin ko na lang na freelance writer ako. Tutal, may
> kaltas din naman daw kapag nag-freelance ka sa mga diyaryo. Tapos i-assert
> ko raw na ako na ang magbibigay ng pera sa kanilang mga letse sila kaya
> dapat bigyan pa nila ako ng libreng chocolait at biskwet out of gratitude
> mga hayop silang mga impakto sila.
>
> Okay. So bumalik ulit ako sa BIR Main. As usual, ang pila lang ay yung sa
> harap, kung saan nagtse-check yung sekyu ng bomba sa mga bag ng mga tao.
> Anyway, babae na yung nasa desk ngayon. Pinakita ko na yung baranggay
> clearance ko, at yung accomplished Form 1901 ko. Nung
> tinanong sa akin kung saan ako nagwowork, inexplain ko na freelance writer
> ako kaya wala akong regular employer, kaya walang nakapirma sa likod.
> Okay?
>
> Okay. Hinde. sabi nung babae, since hindi ako regular employee, ibang form
> dapat ang finill-up-an ko. At bigla siyang naglabas ng Form 1902 at
> binigay sa akin. Whew, kinabahan ako dun a. Yung Form 1902, sabi niya, ay
> para sa mga "mixed-income individuals," para sa mga taong hindi regular
> ang kita- professionals, businessmen, at sabi niya, freelance writers.
>
> Okay! Fill-up dito, fill-up dun, okay lang!!! Magkakaroon na ako sa wakas!
> Inaabot ko na sa babae yung Form 1902! Eto na...
>
> "Ummm, okay na? Ngayon, punta kayo sa West Ave..... Branch namin."
> Nanlaki ang mata ko. Wow, nasira agad ang aking moment of triumph.
>
> "Err, hindi po ba puwede rito sa Main?"
> "Hinde, kasi sa Project 6 ka nakatira. West Ave. Branch namin ang may
> hawak sa inyo."
>
> Naramdaman ko, parang umiikot-ikot ang paligid ko. Parang gumagaan ang ulo
> ko, nanglalambot at naghihina ang tuhod ko. Bigla kong naramdaman ang
> isang matinding pangangailangan na i-headbutt ang kausap kong babae sa
> desk. Sa halip na isang headbutt, nagtanong na lang ako.
>
> "Puwede po bang ibang tao na lang ang maglakad nito para sa akin?"
>
> "Oo, gawa ka ng authorization letter..."
>
> Ah! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib! Papalakad ko na lang ito sa
> nanay ko. hehehe. Paglabas ko, marami pa ring tsinecheckan ng bomba sa bag
> sa harap. Ngayon alam ko na kung bakit. Ako rin gusto ko rin silang
> bombahin.
>
> Hindi ko pa rin mawari, nung araw na yun, kung ano pa talaga ang purpose
> ng BIR Main. Nakangsiomai, dun sa maliliit na branches nila, siksikan ang
> mga tao, milya-milya ang pila. Sa Main, ang lawak-lawak, pero di sila
> nag-a-accomodate ng applications!
>
> Sa kasamaang palad, hindi ako nakapagsulat ng authorization letter, at
> masyadong busy ang nanay ko para ilakad ang TIN ko. Anyway, sabi niya sa
> akin, may kaklase yung tita ko sa BIR West Ave. Kapag nagipit ako, hanapin
> ko na lang yun. Okey. Sige. Isa pa, may Form 1902 na ako, baranggay
> certificate, at yung excuse ng aking pagiging freelancer. Pila lang siguro
> ang problema, pero okay na. Putsa, dapat okay na.
>
> At nakarating din ako, isang araw, sa BIR West Ave. Sa second floor sila
> nag-oopisina sa isang building. Masikip yung elevator dahil sa dami ng
> tao.
>
> Narating ko na rin yung desk para sa TIN. Nung chineck nung babae dun yung
> papeles ko, hinanap nila yung pirma ng employer.
>
> "Ay. Wala po. Freelance Writer po ako e."
>
> Napatingin sa akin yung babae, tinitigan ako sa mata na wari'y tinitimbang
> ang mga salitang aking nasambit...
>
> "Ano yung Freelance Writer?"
>
> Napapalo ako ulit sa noo.
>
> "Ma'am, freelancer po ako. wala po akong regular na sahod. Binabayaran ako
> per article na sinusulat ko. Hindi po ako regular employee kaya wala akong
> certificate of employment."
>
> Nung makitang Form 1902 ang dala ko, sinabihan pa akong maling form ang
> bitbit ko, kaya inexplain ko pa na nanggaling na ako sa BIR Main, na Form
> 1901 ang dala ko dati pero sabi dun, mali raw ang 1901 para sa akin kaya
> binigyan ako ng 1902 dahil freelance writer ako, at inirefer ako sa branch
> nila.
>
> Nakatitig sa akin yung babae, ninamnam ang bawat salitang sinambit ko...
>
> "Ano yung Freelance Writer?"
>
> Okay! Kulang ka ba sa iodized salt?
> Ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at nakatingin pa rin
> siya sa akin na tila nambubullshit lang ako.
>
> "Punta ka na lang sa Officer of the Day."
>
> "Umm. Saan po yun?"
>
> "Sa Seventh Floor."
>
> 1...2...3...4...5...6...7...8...9...10... ayan... kumakalma na ako...
> NAKANANGTOKWA!!!! ANG DAMING TAONG NAKAPILA SA ELEVATOR!!!!
> $#**^%$%#!!!!!!!!
>
> Alang choice, tumakbo ako paakyat sa hagdanan mula 2nd patungong 7th
> floor. Hingal na hingal ako nang lapitan ko ang Ofiicer of the Day.
>
> "Ma'am, pinaakyat po ako mula sa second floor..." At ipinaliwanag ko yung
> nangyari, mula yung pagpunta ko sa BIR Main, hanggang sa pagpunta ko sa
> ibaba kanina.
>
> "Umm... at anong gusto mong gawin ko?"
>
> Gumuho muli ang mundo ko, pero buti na lang may upuan sa likod ko.
> Ipinaliwanag ko ulit.
>
> "Oo nga. Sa second floor ang application ng TIN. Bakit ka pinaakyat sa
> akin?"
>
> Halos nagmamaka-awa na ako.
>
> "Ma'am, ala po ba talaga kayong magagawa?" At inilahad ko ulit yung
> masasayang adventures ko sa BIR Main, sa BIR Port Area, sa BIR Main, at sa
> BIR nila.
>
> Awa ng diyos, may kinuhang chart yung ale, hinanap yung kategorya ko. Nung
> makuha yung code, sinulat niya sa isang espasyo sa 1902 ko, sabay tatak.
>
> "Ayan. Okay na yan."
>
> Napangiti ako. Sincere!!! Halos mapaihi na ako sa tuwa. Matatapos na!!!
> Kaso, putsa, ang daming taong naghihintay sa elevator. Walang choice,
> takbo ulit ako sa hagdanan pababa.
> Pagdating dun, lalaki na yung nakaupo sa desk. Pinakita ko ulit yung mga
> papeles ko.
>
> "Saan ang Certificate of Employment mo?"
>
> Nammannnnn!!!! Ano ba'to? Twilight Zone? Napasok ba ako sa isang loop?
>
> "Bosing, hindi po ako regular employee e. Freelance writer po ako."
>
> "Ano yun?"
>
> NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!! !!!!!!!!!!!!!!!!!!!
>
> At ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at ikinuwento ko
> yung episode kanina, at yung episode sa BIR Main, etc.
>
> "Ito kasing Form na ito, itong 1902, para sa mga may negosyo ito e."
>
> "E yan po ang binigay ng BIR Main sa akin, dahil hindi regular ang sahod
> ko!"
>
> "May mayor's permit ka ba?"
>
> Pikon na pikon na ako nun kaya hindi ako natawa, pero, talaga, grabe,
> comedy ito, men. Wow.
>
> "Hindi ko po kailangan ng mayor's permit! Writer lang po ako!"
>
> Ineksamin ulit nung lalaki yung papeles ko.
>
> "Ummm, propesyunal ka ba?"
>
> "Opo."
>
> "Anong propesyon mo?"
>
> "Writer po."
>
> "May lisesnsya ka ba?"
>
> Sa isip ko- "HU-WAAAAAAATTTTTT!!!????"
> Kung kumain ako ng bulalo kanina, malamang na-stroke na ako ngayon.
>
> "HINDI NYO PO KAILANGAN NG LISENSYA PARA MAGING WRITER!!!"
>
> Sabay follow-up ko ng:
>
> "ANO BA KAYO? AKO NA MAGBABAYAD NG TAX SA INYO, PINAPAHIRAPAN NYO PA
> AKO!!!"
>
> Deadma si lalaki. Nakatingin pa rin sa papeles ko, iniisip kung ano
> gagawin. Kung pinapunta pa niya ako ulit sa Officer of the Day,
> i-he-headbutt ko na'to talaga. Buti na lang-
>
> "O sige, irereceive ko ang forms mo, pero ang alam ko dapat may kasamang
> papeles pa ito e. Pumila ka na lang dun..."
>
> *haaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy.......*
>
> Kaso, sobrang haba ng pila, at sa takbo ng mga pangayayari ngayon, ayoko
> nang maghintay ng isa't kalahating oras para lang mag-replay ng kuwento ng
> kung ano ang freelance writer, at kung bakit hindi ako regular employee.
> Lumabas ako, pumunta ako sa corridor. Pikon na pikon. Tinawagan ko nanay
> ko, tinanong ko yung pangalan ng kaibigan dati ng tita ko sa highschool na
> nagtatrabaho ngayon dun. Okay, nakuha ko na yung pangalan.
>
> Balik ako dun, tinanong ko yung sekyu kung saan ang opisina nung babae.
>
> "Sa seventh floor po."
>
> Hindeeeeee!!!!! Pero sige, para lang magkaroon ng bunga ang paghihirap ko
> ngayong araw na ito- may exodus ng tao sa harap ng elevator, kaya ayun,
> inipon ko ang natitira kong lakas at hininga, at aking tinakbo muli ang
> second to seventh floor sa hagdanan.
>
> Pagdating sa taas, halos bumagsak sa lupa ang baga ko. Nagtanong-tanong
> ako ulit kung saan ang opisina nung bes-pren ng tita ko, hanggang sa
> mapunta na ako sa gitna ng opisina nila. Sa wakas-
>
> "Ay! Diyan yung opisina nun, pasok ka diyan."
>
> Yehey!!!
>
> "Ha? Ay! On-leave siya ngayon. Babalik siya sa January 2."
>
> NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!! !!!!!
>
> Hindi pa rin nauubos ang mga tao sa elevator, hindi ko maalala kung paano
> ko tinakbo pababa ang first floor. Pikon na pikon ako, grabe. Pag-uwi,
> nakaubos yata ako ng isang pitsel ng gulaman. Hinintay kong humupa ang
> tila-nuclear holocaust ng galit sa loob ng dibdib ko.
>
> *******ng gobyerno ito!!! Letse!!! Hindi mahuli-huli yung mga tax evaders,
> hindi mabigyan-bigyan ng TIN yung mga nagmamagandang loob na magbayad ng
> buwis!!! Tangina, no wonder may lumolobo tayong mga deficit!!! Syet!!! Ano
> nangyari sa iodized salt campaign ni Ramos!!!
>
> Nung gabi, tinawagan ko si TJ, yung kasama ko sa trabaho, at kinuwento ko
> lahat. Lagi ko kasing kinukuwento ang bawat installment ng aking BIR
> adventures, at tulad ng isang epiko, grabe ang climax nung hapon na yun.
>
> Syet. Hayop sa climax. Tinatawanan ko na lang, pero nung hapon na yun kaya
> ko sigurong mangagat ng leeg. Tawa rin nang tawa si TJ, at ngayon, kuwento
> niya, tawa rin nang tawa yung mga pinagkuwentuhan niya. Pati yung mga tao
> sa tambayan namin, nung kinuwento ko, di rin makahinga sa katatawa. Langya,
> baka maging urban legend pa ang buhay ko, in which case, sana puwede kong
> i-video lahat, at lalagyan ko ng sumpa- ala "The Ring", tapos papadalhan ko
> ng kopya yung mga tao sa BIR.
>
> Naisip-isip ko na lang ngayon, paano nga kung kailangan mo ng lisensya
> para magsulat. Isang physical manifestation ng concept ng poetic license?
>
> haha! Kung sa driver's license, may mga restrictions tulad ng "Vehicle up
> to 4500 KGS GVW" o kaya "Automatic clutch above 4500 KGS GVW", etc. paano
> kaya yung sa "Poetic License" o "Writing License?"
>
> I.Restrictions
>
> 1. Haiku and short essays only
> 2. Essays up to 500 words and Freeverse up to 5 stanzas
> 3.Essays above 500 words and Freeverse above 5 stanzas
> 4. Critical Essays, Short Fiction, Poetry ...etc.
>
> Pero nag-digress na naman ako.
>
> Isang hapon, pagkatapos nung BIR episode, dumaan ako sa tambayan namin sa
> UP. Nung makita ako ng mga kasama ko- "Jol! Pumayat ka a! Grabe!"
>
> hehehe. Naalala ko yung jogging-jogging ko sa building, at yung stress, at
> napangiti ako. Isang mapait at matamis na ngiti.
>
> At kinuwento ko kung bakit.
>
> ps:
>
> hanggang ngayon, wala pa akong TIN. Kuwento ni TJ, si Santi Bose raw,
> namatay nang walang TIN. Nakakatakot.
>
> *****
> lumabas ang kuwentong ito sa peyups.com nung Jan. 31, 2003; at sa v26 ng
> Tinig.com
>