New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 20 of 20
  1. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    553
    #11
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Yep. That's true.

    Ako laking probinsiya po ako. Walang kaartehan sa pamumuhay. Kung ano ang nasa hapag kainan, pagtiisan mo. Almusal, "Blend Forty-rice", at swerte na kung may pandesal sa hapag. Madalas daing ulam namin noon, at gulay. Pero masaya na kami noon!

    Yung mga anak ko, na laki sa syudad, pag naiku-kwento ko yung buhay namin noon sa province, di sila makapaniwala........

    Tama yung sabi ng ibang Tsikoteers. Depende yan sa pagpapalaki mga magulang sa mga bata. At depende rin sa estado ng pamumuhay ng isang tao. Yun kasing mga ibang promdi, may kaya, kaya wala rin pinag-iba sa buhay ng mga taga siyudad.
    korek ka jan sir chua!!! bow ako syo!

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,152
    #12
    laking probinsya ako, nung baging salta ako sa maynila nung college ako, medyo culture shock ako sa mga babaeng agresibo ay babaeng naninigarilyo.

    unti unti nakasanayan ko din ang mga gawain sa lungsod hanggang maging kaisa ako sa kanila ngunit sa isip ko syano pa din ako=)

    asa tamang paglulugar lang ang pinakamahalagang natutunan ko, di naman pwedeng ang iba ang makibagay sayo, dapat ay ako ang makibagay sa iba lalo na kung ibat ibang aspeto ang tao ang kakasalamuhain ko.

    be a chameleon to fit in different status of life=)

  3. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    457
    #13
    ako hindi ako laking probinsya, i dont settle for anything less than what I really want to do or to have.

    kasi hirap din eh, settling for 2nd best di ka maka-move on

  4. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    53
    #14
    Sa pamumuhay mas pipiliin ko po talaga ang buhay ko sa probinsya pro sa lakas ng loob at antas ng pag iisip ang pagbabasehan mas pipiliin ko po ang mga laking syudad..IMO mas malakas ang loob at mas mataas ang antas ng pag-iisip ng mga laking syudad kesa laking probinsya, tama po ba?

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #15
    ^^ Antas ng pag-iisip? Depende pa rin sa estado kasi ng pamumuhay yan Bro. Merong mga promdi, na kahit naghihirap, nakukuha pang makapag-aral at makatapos ng kurso. Meron ding promdi, na may kaya, at mataas ang antas ng pamumuhay at kaisipan. May mga tao kasi, na basta't promdi, mangmang, laughing stock, kasambahay..........hindi po ganun.

    Hindi pwedeng i-generalize kasi na porket "promdi", kulang ang antas ng pag-iisip ng isang tao.

    Opinyon ko lang po ito.........
    Last edited by chua_riwap; March 27th, 2008 at 05:53 PM.

  6. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    457
    #16
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    ^^ Antas ng pag-iisip? Depende pa rin sa estado kasi ng pamumuhay yan Bro. Merong mga promdi, na kahit naghihirap, nakukuha pang makapag-aral at makatapos ng kurso. Meron ding promdi, na may kaya, at mataas ang antas ng pamumuhay at kaisipan. May mga tao kasi, na basta't promdi, mangmang, laughing stock, kasambahay..........hindi po ganun.

    Hindi pwedeng i-generalize kasi na porket "promdi", kulang ang antas ng pag-iisip ng isang tao.

    Opinyon ko lang po ito.........
    ang alam ko sabi nya antas ng pagiisip hindi antaas ng pagiisip

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #17
    ^^ OB, antas hindi antaas. Ano ba pinagsasabi mo? He-he! Basahin mo yung post ko at yung ni-reply-an ko.

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    53
    #18
    sis po sir chua_riwap..
    ang ibig ko pong sabihin sa antas ng pag iisip mas matalino, mas malawak ang pag iisip, mas may laman ang pagpapaliwanag.. Ang naging basehan ko po nito ay sarili ko, karamihan sa mga nakakasalamuha ko ngayun at sa mga nababasa kong mga paliwanag o pananaw po ninyo sa bawat sitwasyon o pangyayari sa buhay, politika at bagay bagay..
    Laking probinsya rin po ako, iba't ibang tao na rin po ang aking nakasalamuha, pero kapag mga laking syudad na po ang nakakausap ko, bumibilib po ako kasi mas may diin at punto kung mag-isip at magsalita at confident po sa binibitawang salita.

  9. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    59
    #19
    malaki ang pagkakaiba, at kahit laking probinsya ka at maganda pagpapalaki sayo ng magulang mo, babaguhin ka talaga ng syudad, noong nasa probinsya ako, pag may matandang tumatawid, tinutulungan ko o ng mga probinsyanong nakakakita,, pag may matanda o babae sa dyip pinapaupo namin di baleng tumayo, magalang kami sa babae at matatanda, nung nag aral na ako sa maynila, nawala lahat yon, bakit kanyo? aba baka yung matandang tatawid eh raket lang at madukutan pa ako, o baka myembro ng sindikatong laglag barya yung babaeng papaupuin mo

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #20
    Quote Originally Posted by fayet View Post
    Sa pamumuhay mas pipiliin ko po talaga ang buhay ko sa probinsya pro sa lakas ng loob at antas ng pag iisip ang pagbabasehan mas pipiliin ko po ang mga laking syudad..IMO mas malakas ang loob at mas mataas ang antas ng pag-iisip ng mga laking syudad kesa laking probinsya, tama po ba?

    mali!

    yung ibang laki sa siyudad hindi na matatawag na lakas ng loob yung pinapakita nila kundi tapang ng apog

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Laking syudad, probinsya o baryo may kaibahan ba?