New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 126

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2007
    Posts
    764
    #1
    Hello sa lahat ng sirs at ma'ams dito sa tsikot.....

    I just have a question po....paano mo malalaman kung ang isang tao ay masasabing KIDS of the 80's?

    Bigyan ko kayo ng example...

    Alam ko kasi kung sino sina Ate Shenna,Kuya Bogie at Manang Bola.

    Thanks for viewing.

  2. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #2
    Basta ako nag 13 yrs old ako nung 80’s and it all started there. Ligaw, porma, lahat na.

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #3
    nung elementary ako, transformers ang IN at he-man, thundercats etc etc.

  4. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #4
    madaling lang yan pards...ang lahat ng magrereact sa ipopost ko, malamang kids of the 80's. hehe. eto, read on. =)

    "Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

    Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

    Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

    Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

    Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

    Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

    Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

    Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

    May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong "HIPTAL".

    Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

    Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

    Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

    Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

    Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

    Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

    Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

    Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

    Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

    Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

    Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

    Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

    Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

    Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

    Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

    Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"

  5. Join Date
    May 2007
    Posts
    764
    #5
    Nice one sir jundogg! Nadale mo!

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #6
    certified kid of the 80's here.

    paano kasi, upon reading jundogg's post, naka-relate ako sa lahat. (except of course yung part about the girly stuff.. hehehe)

    and to add:

    • batang-bata pa nun si Billy Joe Crawford.
    • BAGETS!
    • di ba may gupit-Keempee nun? yung parang one-length?
    • alam ko yung kanta ng Nano-Nano...
    • bad trip hindi ako si Red 1 pag naglalaro kami. ako tuloy si Blue 3...
    • andami kong GI Joe dati.. Php 63.00 pa nga yung isa dati.
    • nagkaroon din ako ng Optimus Prime and Megatron na laruan.
    • nagtataka pa nga ako kung saan napupunta yung trailer ni Prime pag nag-transform siya.

  7. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    265
    #7
    Quote Originally Posted by jundogg View Post
    madaling lang yan pards...ang lahat ng magrereact sa ipopost ko, malamang kids of the 80's. hehe. eto, read on. =)

    "Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

    Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

    Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

    Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

    Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

    Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

    Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

    Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

    May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong "HIPTAL".

    Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

    Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

    Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

    Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

    Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

    Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

    Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

    Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

    Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

    Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

    Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

    Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

    Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

    Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

    Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

    Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"
    bilib ako sa memory mo sir, naalala mo pa lahat. nice one

  8. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    4,488
    #8
    At sikat ang mga New Wave songs

  9. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,273
    #9
    Pinakamaganda talaga ang era na to, kahit elementary pa lang ako, aware nako sa mga sikat nung 80's.

    Thundercats
    Jayce and the Wheeled Warriors
    Silverhawks
    Shaider (gusto ko yung scene na si Annie nagtatanggal ng wetsuit para i-distract yung mga kalaban, tapos uupakan nya, he, he, he, may malisya na yata ako nun)
    Bioman (ganda ni crush ko pa nun si Pink 5)
    Voltes V
    Daimos
    Champoy,
    TODAS
    Iskul Bukol
    Ang Manok ni San Pedro (Lito Pimentel, Nadia Montenegro)
    Bistek
    Budoy (Jimmy Santos)
    BAGETS!
    NINJA KIDS! (Gusto ko naka-ninja outfit ako palagi nun)
    Angdres De Saya Movies (Vic Vargas, Gloria Diaz)
    Eddie Garcia's May Lamok sa Loob ng Kulambo
    Gary V
    Randy Santiago
    NEW WAVE!!!
    Nka Pagoda Cold Wave Lotion ang mga chicks
    Poodle Cut ni Jon Bon Jovi
    Top Sider
    Sperry
    Mga Commercial ni Bert Tawa Marcelo for San Miguel Beer
    Mga Commercial ni Rod Navaro

    Hay, nakaka-miss ang mga to

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #10
    oo uso pa ang backyard games, tumbang preso, taguan, luksong tinik, patintero, syato, langit lupa
    uso din ang mga laruan na He-man, yung pinsan ko maraming laruan neto.. pati yung tiger

    on top of my head
    BMX race saka freestly
    KLIM- lea salonga
    Lancer BOX type with VEGA mags- the bomb!
    Depeche Mode
    MightyKId, Grosby, Kaypee
    Crispa vs Toyota vs Great Taste vs Presto vs Beer Hausen vs Manila Beer vs Anejo
    san na nga ba yung Bread Connection ( sa virra mall dati)

  11. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #11
    Quote Originally Posted by Galant_VR_94 View Post
    Hello sa lahat ng sirs at ma'ams dito sa tsikot.....

    I just have a question po....paano mo malalaman kung ang isang tao ay masasabing KIDS of the 80's?

    Bigyan ko kayo ng example...

    Alam ko kasi kung sino sina Ate Shenna,Kuya Bogie at Manang Bola.

    Thanks for viewing.

    ito kuha ko sa ibang site:

    kumakain ka ba ng aratilis?

    *nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

    *pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

    *marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luk song tinik?

    *malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

    *alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?

    *Pinagyayabang mo ang bago mong Game N' Watch na bibili ng nanay mo sa palengke.

    *Kinukuha ng nanay at tatay mo yung perang pinamaskuhan mo sa ninang at ninong mo.

    *may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita
    ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

    *addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

    *nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

    *marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

    *inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverlyhills 90210?

    *gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

    *meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

    *nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

    *kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?

    *alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

    *idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?

    *eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?

    *nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?

    *cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

    *inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

    *meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

    *noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

    *alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

    *alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3,
    asawa ni marie"... hehehehehe?

    *sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

    *inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

    *lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...
    diba naninipit yun?

    *alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng perayung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

    *meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

    *laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

    *bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

    *takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #12
    natatandaan ko noong 80's...
    -napraning lahat ng pinoy sa pagbagsak ng skylab satellite dito sa earth.
    - pagsikat ng betamax movies lalu na ang idol nating si george estregan (RIP).
    - zigzag at rumors disco with dj john robinson on the mix.

  13. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,003
    #13
    Eto:

    You remember the local TV show T.O.D.A.S., right? It's an acronym. What does it stand for?

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #14
    Television's Outrageously Delightful All-Star Show


    eto pa naalala ko
    Duran Duran vs Spandau Ballet
    Punky Brewster
    Lambo Countach
    DeLorean (back top the future)
    Boston Celtics vs La Lakers
    Boy Geroge, Petshopboys, Asia,
    IBM PC, Apple Mcintosh, Commodore64,
    WALKMAN baby!
    NES, frogger, space invader TRON
    smurfs, rainbow brite, he-man, care bears
    karate kid!
    maitim pa si michael jackson
    Last edited by kimpOy; August 14th, 2007 at 11:25 AM.

  15. Join Date
    May 2005
    Posts
    2,244
    #15
    Quote Originally Posted by Galant_VR_94 View Post
    Alam ko kasi kung sino sina Ate Shenna,Kuya Bogie at Manang Bola.

    Thanks for viewing.
    Ate Shenna matigas na ang saging ni Kiko.

KIDS OF THE 80's