New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 13 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 126
  1. Join Date
    May 2007
    Posts
    764
    #1
    Hello sa lahat ng sirs at ma'ams dito sa tsikot.....

    I just have a question po....paano mo malalaman kung ang isang tao ay masasabing KIDS of the 80's?

    Bigyan ko kayo ng example...

    Alam ko kasi kung sino sina Ate Shenna,Kuya Bogie at Manang Bola.

    Thanks for viewing.

  2. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #2
    Basta ako nag 13 yrs old ako nung 80’s and it all started there. Ligaw, porma, lahat na.

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,317
    #3
    nung elementary ako, transformers ang IN at he-man, thundercats etc etc.

  4. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #4
    madaling lang yan pards...ang lahat ng magrereact sa ipopost ko, malamang kids of the 80's. hehe. eto, read on. =)

    "Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

    Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

    Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

    Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

    Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

    Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

    Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

    Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

    May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong "HIPTAL".

    Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

    Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

    Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

    Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

    Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

    Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

    Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

    Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

    Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

    Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

    Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

    Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

    Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

    Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

    Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

    Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"

  5. Join Date
    May 2007
    Posts
    764
    #5
    Nice one sir jundogg! Nadale mo!

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #6
    certified kid of the 80's here.

    paano kasi, upon reading jundogg's post, naka-relate ako sa lahat. (except of course yung part about the girly stuff.. hehehe)

    and to add:

    • batang-bata pa nun si Billy Joe Crawford.
    • BAGETS!
    • di ba may gupit-Keempee nun? yung parang one-length?
    • alam ko yung kanta ng Nano-Nano...
    • bad trip hindi ako si Red 1 pag naglalaro kami. ako tuloy si Blue 3...
    • andami kong GI Joe dati.. Php 63.00 pa nga yung isa dati.
    • nagkaroon din ako ng Optimus Prime and Megatron na laruan.
    • nagtataka pa nga ako kung saan napupunta yung trailer ni Prime pag nag-transform siya.

  7. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    600
    #7
    naaala ko pag Lingo ng umaga bumibili kami ng chocolait na de-bote sa puting motorcab na naglilibot sa village namin...

    usong uso din yun matchbox na kotse kotsehan...

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    764
    #8
    Quote Originally Posted by Cult Zero View Post
    naaala ko pag Lingo ng umaga bumibili kami ng chocolait na de-bote sa puting motorcab na naglilibot sa village namin...

    usong uso din yun matchbox na kotse kotsehan...


    Naaala ko rin yan, meron din nga nagbebenta ng tubo(sugar cane) sa village namin nun e.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,038
    #9
    • nagtatali ka nung colorful na sintas sa ulo mo, dahil sa grupong menudo...
    • pinaka sikat na teen holywood star dati is si ralph macho dahil sa karate kid...(at ginaggaya mo yun porma niya nun napilay na siya sa final showdown niya sa kalaban niya)
    • sikat ka pag meron kang laruan na E.T., yun umiilaw yun dulo ng daliri, para sa "align"
    • memorized mo lahat ng kanta ni randy santiago, lalo na ang "babaero
    • baston pa yun usong cut ng pants, pahirapan magsuot sa sikip kailangan pang magsuot muna ng plastic bag sa paa pampadulas...
    • sa mga babae palakihan ng shoulder pads...
    • yun buhok ng mga babae pataasan din yun bangs nila na parang crown ng manok, using spray net pa....
    • natatawa ka pa sa jokes nila tito, vic and joey

  10. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #10
    parang nakalimutan nyo si tatay MJ sa moonwalk nya he he he

Page 1 of 13 1234511 ... LastLast
KIDS OF THE 80's