naalala ko nung mula grade 3 hanggang sa 6 ako ang ballpen ko funny friends paano mabango ang tinta nito tapos gumaya naman ang panda ball pen naglabas din sila mabango nga kaso sa katagalan na naaamoy mo ay mahihilo ka
I remember wearing a yellow Ninoy shirt and the first time i watched a movie at a proper movie theatre. "Kumander bawang" yung movie, Kinder ata ako nun. Weird, I remember it so vividly.
Last edited by Negus; July 18th, 2009 at 05:05 PM.
1 . Tandang and kabayo sa hood ng jeepney.
2. "Melford" na brand ng jeepney
3. Pagtatawid ka ng major street ay meron yellow box sa baba ng traffic light which says "Push button to cross"
4. Smokeys
5. Very rare magsuspend ng class ang DECS
6. Fiesta Carnival sa Cubao
7. Brand X, Brand Y, Langhap sarap commercial
8. Return of the Jedi
9. Video Hot Tracks
10. RA Homevision commercial
[SIZE=3]Batang 80's ka pag nagawa mo ang mga ito:
[/SIZE]
*kumakain ka ba ng aratilis?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
*marunong ka magpatintero, saksak puso,langit-lupa, teleber-teleber, luk song tinik?
*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?
*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London , Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita
ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats,bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
*nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
*gumagam it ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?
*idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?
*eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
*cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng
nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming compartments
na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at"alagang-alaga namin si puti"?
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
*meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na
sinawsaw sa asukal?
*takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
[SIZE=3]KUNG ALAM MO L AHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS
OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-35 KA...[/SIZE]
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS
MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?
alam mo ang RIZAL theater sa ayala katabi ay ALEMARS pag naglakad ka pa ng konti (papuntang LANDMARK ngayon) makikita mo ang HAPPY FEET store.
at ang GLORIETA open air ang venue sa ilalim LINGNAN na malapit sa MAKATI SUPERMARKET na merong masarap at malaking HAMBURGER.
80's ba nauso yung K-Swiss? Yung orig, made in Yugoslavia? I can still remember, that was my most expensive shoes, considering na nag-aaral pa ako noon. P1,200 a pair na ang bili ko noon, sa Cartimar Pasay. Kung meron ka nito noon, sikat ka. Ha-ha!........
See Thru ni Inday Badiday ang pinaka controversial dito ay yung bitawan na maaanghang salita nila Divina Valencia at Dr. Rey Dela Cruz na dating konsehal sa maynila (RIP).
dahil sa maaanghang na salita ay may salitang ikinapikon ni Divina na ibinato ni Rey kung kaya't nagawang pukpokin ni Divina si Rey ng mic sa ulo nito
We usually played with classmates or neighbors (never with both groups at the same time) these games:
1. Hide-and-seek
2. Japanese (tag, you're it!) - habulan lang ito, labo-labo, kahit sino pwedeng habulin ng nag-iisang taya.
3. Moro-moro (I hate the way other Kapampangans called it) - habulan din, pero may 2 teams with each team having a base. "Babad ka!!!"
4. Tatsing (touching) - minsan tsinelas, minsan tansan, minsan coins.
5. Jolens! - may 4 holes sa lupa, halos eksakto lang na papasok ang holen. You must roll your marble (holen) into each one, papunta at pabalik. Pag hindi pumasok, pwedeng tirahin ng kalaban at pag tinamaan, sa next hole na siya mag-su-shoot.
6. Siyato!
7. Tumbang-Preso
8. Patintero
9. Bending - Carry your tsinelas on one hand, using only the tips of your fingers, while skipping on one leg, and touch it to the other tsinelas at the other end, then go back to the base. I don't remember what you had to do when you drop your tsinelas. There are times you had to bend your body backwards and touch your head on the tsinelas. I think there were also times you had to carry your tsinelas with your teeth (bite onto the "leaf").
10. Piko - maraming klase nito, may "simbahan" pa.
11. Flying paper airplanes
12. Making paper boats and floating them on the flood waters, patagalan ng buhay.
13. Flying kites - aaaarrrggghhh... never did get to build my own "flyable" kite. Never understood that BALANCE was needed. Also never really pursued it.
14. Teks!!!
15. Tansan collecting (we called it "KULUG" -- kusog in Tagalog -- kasi we shook 3 tansans inside the sphere made by shaping our 2 hands into 2 hemispheres.)
16. Jackstones, Chinese Garter -- for the girls
17. Cutter tansans -- ano ba tawag talaga dun? Flatten the tansan, sharpen its edge, make 2 holes by the center, insert a string, spin it, and then pull on the string to make it spin, like a circular saw.
18. Come Christmas season, mauuso na yung mga rayos na dudugtungan ng balahibo ng manok at nilalagyan ng perminante. Iitsa mo pataas, pagbagsak, puputok. Kalaunan, naisipan namin gumamit ng basyo ng bala. Mas maraming laman na powder so mas malakas ang putok.
Mauuso rin ang mga kanyon na kawayan (nilalagyan ng kalburo) at kanyon na gawa sa pinag-dugtong-dugtong na lata ng softdrinks (coke in can, etc... pero mas malakas ang putok pag San Miguel Beer ang latang ginamit sa puwitan )
Yes, skateboards were oval and small. Wala pa ngang roller blades, puro roller skates lang. Remember that TV show ROLLER DERBY? That was the bomb!!!
Teks was a forbidden game, as well as tatsing using coins -- SUGAL daw iyun.
Bawal mag-stay sa daan after the ORASYON sounds (church bells ringing) at 6pm! Lahat uuwi talaga. Walang pasaway sa rule na yun.
Last edited by woohoo; August 27th, 2009 at 07:45 AM.