New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 111

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #1
    Quote Originally Posted by silhouette

    *inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na
    ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
    ang natatandaan ko, iiwan ng nanay ko yung empty bottle sa labas ng gate. tapos sa umaga may laman na. hanep! hindi kinukuha ng magbobote.

    speaking of magbobote. noon ang bote ng patis, toyo, kechup. e ipinagpapalit sa cheeze curls. na nilalagay ng magbobote sa cone shape na dyaryo.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #2
    Quote Originally Posted by silhouette
    speaking of magbobote. noon ang bote ng patis, toyo, kechup. e ipinagpapalit sa cheeze curls. na nilalagay ng magbobote sa cone shape na dyaryo.
    uyyyyy. kilala ko yung magbobote na yan si mang nano hanggang ngayon nakikita ko pa din sya kaso di na cheeze curls pinapalit nya pera na.

  3. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    6,685
    #3
    Quote Originally Posted by silhouette
    ang natatandaan ko, iiwan ng nanay ko yung empty bottle sa labas ng gate. tapos sa umaga may laman na. hanep! hindi kinukuha ng magbobote.

    speaking of magbobote. noon ang bote ng patis, toyo, kechup. e ipinagpapalit sa cheeze curls. na nilalagay ng magbobote sa cone shape na dyaryo.

    alam ko yan! yung colorful na cheezcurls! hahahahhahaha! manamis-namis!!! pero di ko kayo kababata, kasi mas bata ako sa inyo.

    di ba shigi shigi yung sa shaider.


    When I was a tod, medyo exposed ako sa new wave music. hehehehehehe. Yung 2 kuya ko and isang ate ko, yun ang kababata mo kuya mon. hahahahahha

  4. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #4
    Quote Originally Posted by carlocaraddict
    Yung 2 kuya ko and isang ate ko, yun ang kababata mo kuya mon. hahahahahha
    hehe. ok lang. basta kababata. kasi yung nauna sa amin katatanda ha eh. haha. joke lang mga sirs!

  5. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    699
    #5
    Quote Originally Posted by silhouette
    hehe. ok lang. basta kababata. kasi yung nauna sa amin katatanda ha eh. haha. joke lang mga sirs!
    pre, mas matanda ata ako sa yo. ang payphone dati kasi apat na 10-centavo coins lang hindi tatlong 25-centavo coins

    nasubukan mo bang paganahin ang payphone using two 25-centavo coins? yan ang style dati e. nasa wrist at finger action lang yan

    dati pagdating mo sa edsa, ang bilis ng takbo ng mga auto. tuloy tuloy talaga. at daming nagkakarera sa slex 9pm pa lang kasi ang luwag at ang ganda ng kalye

    sinong nakaka-alala sa northmall? sa base 2010? i remember nung opening ng mcdo greenhills. daming tao. may mga artista pa. pag gumimik ka nun pag gabi, siguradong magkakakita kita kayo ng mga kakilala mo kasi kokonti pa lang ang gimikan noon.

    eto pandagdag: yung isang lolong kausap ko, tinanong ko, bakit ang mga pictures dati ang suot ng mga tao puro naka coat (amerikana). sabi ko, di ba mainit? sabi niya, hindi daw. malamig daw. pag tumayo ka nga daw sa edsa-boni, kitang kita mo daw hanggang valle verde. ayos.

Kababata ba kita?